LFSBF

LFSBF LALAWIGAN FAITH SOUTHERN BAPTIST CHURCH - Youth and Praise Team

12/12/2019
24/08/2019

Mateo 4:4
Ngunit sumagot si Jesus,"Nasusulat,
'Hindi lamang sa pagkain nabubuhay ang tao,
kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos.

Alam natin na ang isang tao ay hindi mabubuhay kung hindi kakain dahil sa labis na pagkagutom.
Pero kahit mabuhay kaman ng Busog kung hindi naman ikaw busog sa salita ng Diyos ay magugutom ka parin darating at darating din ang pagkakataon na mauubusan ka ng makakain.

Isang halimbawa ang isang mayaman na kumakain sa loob ng kanyang bahay Habang may isang matandang gutom ang kumakatok sa kanyang pinto at humihingi ng pagkain pero hindi nya ito binigyan kahit kaunti lng. Nang mamatay ang mayaman at matanda, ang mayaman ay napunta sa impyerno at naghirap doon, samantalang ang matanda ay napunta sa langit at hindi na nagutom pang muli.

Ang mayaman ay nagutom at naghirap sa impyerno dahil sya ay nabusog lamang sa pagkain at hindi sa salita ng Diyos habang syay nabubuhay pa at ang matanda naman ay naging masagana ang buhay sa langit dahil hindi man sya madalas nakakakain ay busog naman sya sa salita ng Diyos

Ugaliin nating magbasa ng salita ng Diyos upang sa kahirapan,kagipitan at kagutuman ay meron tayong mahingi sa kanya

23/08/2019

Second day

Mag pray po bago at pagkayaring magdevotion.

Lucas 2:49
Sumagot si Jesus "Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi po ba ninyo alam na ako'y dapat na mamalagi sa bahay ng akong ama?"

TUNAY NA TAHANAN-PAGLILINGKOD

Observation:
Naranasan mo na bang umuwi ng bahay na walang sumasalubong sayong yakap mula sa iyong ina? Eh ang sermonan ni nanay dahil itinutuwid ka sa nagawa mong kalokohan na naman?maraming pagkakataon na nakagawa na tayong mali at kasalanan sa ating magulang Pero nagagawa pa rin nila tayong tanggapin at mahalin?

Naiisip mo ba na kung nagpaalam kang aalis at sasabihin mo kung saan at anong oras ka uuwi ay makakatanggap ka pa ba ng mga salita mula sa kanila?hahanapin ka pa ba?Hindi,dahil alam nila kung nasaan ka at alam nila na ligtas ka.

Application:
Ganuon din tayong nga kristiyano, kailangan din nating hanapin ang ating sarili at ang tunay nating tahanan. Dahil ang ating Ama mismo ay hinahanap tayo sa mga pagkakataong alam niya na napapalayo tayo sa kaniya, niyayakap sa oras na alam niyang nanghihina tayo dahil sa problema at itinutuwid niya tayo sa mga kasalanan nating nagagawa.

Panatilihin natin na ang Panginoon ang maging sentro ng ating buhay. Siya ang manguna sa ating puso't isip lalo na sa pagkilos at pagsasalita. Dahil wala ng ibang lugar pa na dapat pa tayong hagilapin kung hindi sa tahanan mismo ng ating Ama. Hayaan nating ang Panginoon ang manguna sa ating paglilingkod at siya ang magbibigay ng napakaraming kaalaman para makapaglingkod tayo sa kaniya.

Purihin po natin ang Panginoon sa buhay ng bawat isa

21/08/2019

Mga Kabataan sana pagtiyagaan niyong basahin, isa itong devotion nuong unang araw kong sinubukan...

Lucas 1:13
Ngunit sinabi ng anghel sa kaniya "huwag kang matakot Zacarias!Dininig ng Diyos ang iyong panalangin. Ang iyong asawang si Elizabeth at magkakaanak ng isang lalaki at Juan ang ipapangalan mo sa kaniya"

"MAKAPANGYARIHAN ANG DIYOS!!!"

Observation o pagkakaunawa ko sa message:

Sinasabi dito na ang ating Panginoon ay tunay na dakila,makapangyarihan at mapagmahal.Si Elizabeth ay isang baog at pareho na din silang matanda ni Zacarias,sa panahon natin ngayon 40+ lang ang maximum age ng isang tao para manganak ngunit ano itong kapangyarihan ng Panginoon na ilang daan na ang edad ni Elizabeth ay nagkaroon pa rin ng isang malusog na sanggol?ito ang tunay na kapangyarihan at kahanga-hanga sa ating Diyos. Walang imposible sa Panginoon lahat posible lalo na kung ikaw din ay tunay na sumasampalataya sa ating ama.

Application o pagsasabuhay:

Magkaroon tayo ng malawak na pananampalataya at tiwala sa ating Panginoon.

P.S keme

Ang anak ng Diyos ay hindi nabibigo. Ang ating ama ang magbibigay sa atin ng katagumpayan sa lahat ng bagay.

Guys bigyan ko lang kayo ng idea...ganyan po yung devotion na alam ko and i hope sa susunod na araw kayo naman ang mag se share samin ng devotion niyo sa araw na yun.Asahan ko po kayo

Pagkayari niyo pong mag devotion at bago magdevtion pray po kayo

19/08/2019

Address

Samal

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LFSBF posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to LFSBF:

Share