31/08/2026
๐ฃ๐๐ฅ๐๐ฆ๐ ๐ข๐ ๐ข๐จ๐ฅ ๐๐๐๐ฌ ๐ข๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐ฆ
๐ฎ๐ฒ๐ง๐ ๐๐ข๐จ๐ก๐๐๐ก๐ ๐๐ก๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ๐ฆ๐๐ฅ๐ฌ | ๐๐จ๐๐จ๐ฆ๐ง ๐ฎ๐ต, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Buong galak at pasasalamat nating ipinagdiriwang ang ๐๐ธ๐ฎ-๐ฎ๐ฒ ๐ป๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ผ๐ป ng pagkakatatag ng ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ต ๐ผ๐ณ ๐ข๐๐ฟ ๐๐ฎ๐ฑ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐น๐ฒ๐, dalawampu't anim na taon ng patuloy na paglalakbay ng ating pamayanan sa pananampalataya, paglilingkod, pagkakaisa, at pagiging saksi ng pag-ibig ng Diyos.
Naging sentro ng ating pagdiriwang ang Banal na Eukaristiya, sa pangunguna ni ๐ฅ๐. ๐ฅ๐ฒ๐. ๐ฅ๐ผ๐ป๐ฒ๐น๐ถ๐ผ ๐ฉ. ๐๐ฎ๐ฏ๐ฟ๐ถ๐พ๐๐ถ๐ฒ๐ฟ, kasama ang ating mga kaparian, diyakono, at mga lider layko.
Sa kanyang sermon, binigyang-diin niya ang malalim na kahulugan ng tema: โ๐ฆ๐๐๐๐ฎ๐ถ๐ป๐ฒ๐ฑ ๐ฏ๐ ๐๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐ฒ. ๐ก๐๐ฟ๐๐๐ฟ๐ฒ๐ฑ ๐ถ๐ป ๐๐ฎ๐ถ๐๐ต. ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ผ๐ฟ๐๐ต ๐ถ๐ป ๐ ๐ถ๐๐๐ถ๐ผ๐ป. ๐๐น๐ผ๐ผ๐บ ๐ช๐ต๐ฒ๐ฟ๐ฒ ๐ฌ๐ผ๐ ๐๐ฟ๐ฒ ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป๐๐ฒ๐ฑ.โ Ipinaalala niya na ang ating buhay at paglilingkod ay patuloy na sinusuportahan ng biyaya ng Diyos, hinuhubog at pinayayabong ng pananampalataya, at hindi nagtatapos sa loob ng simbahan, sapagkat tayo ay sinusugo upang maglingkod, magmahal, at maging saksi ni Kristo sa ating mga pamilya, pamayanan, at lipunan.
Mas lalo pang naging makabuluhan ang ating pagdiriwang sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ating ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ , si ๐๐ฐ๐ป. ๐ฆ๐ต๐ฎ๐ฟ๐ผ๐ป ๐๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป , na nagbigay ng mas malalim na pagninilay tungkol sa tema.
Ipinaalala niya sa atin na ang bawat isa ay may natatanging lugar kung saan tayo inilagay ng Diyos. Hindi man pare-pareho ang ating kalagayan, kakayahan, at tungkulin, lahat tayo ay tinatawag na โbloom where you are plantedโ โmamukadkad at mamunga sa lugar kung saan tayo itinanim ng Diyos.
Hindi rin naging kumpleto ang ating pagdiriwang nang walang pagpapamalas ng talento, pagkakaisa, at pagkamalikhain ng ating mga kapatid mula sa iba't ibang kapilya sa pamamagitan ng ๐๐ต๐ผ๐ฟ๐ฎ๐น๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ฒ๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป . Bawat kapilya ay buong puso at husay na naghandog ng kanilang mga tinig, talento, at dedikasyon. Higit pa sa isang paligsahan, ipinakita ng bawat kalahok na ang ating mga Aglipayano ay may angking galing, talento, at kakayahang gamitin ang kanilang mga kaloob para sa ikaluluwalhati ng Diyos.
Sa pagtatapos ng kompetisyon, buong pagmamalaking nasungkit ng ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐พ๐๐ฒ ๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐ฒ๐น ang ๐จ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐ฒ๐๐๐ผ! Bagamaโt hindi man nakamit ang pagiging kampeon sa paraang inaasahan, higit na nangingibabaw ang galak, pasasalamat, at pagmamalaki sa ipinamalas na talento, pagsisikap, at pagkakaisa. Sa muli, Maligayang Ika-26 na Anibersaryo, Parish of Our Lady of Candles!
- YIFI PANIQUE