Chapel of Saint Vincent Ferrer - Ginablan Romblon, Romblon

Chapel of Saint Vincent Ferrer - Ginablan Romblon, Romblon This is the π—’π—™π—™π—œπ—–π—œπ—”π—Ÿ π—™π—”π—–π—˜π—•π—’π—’π—ž π—£π—”π—šπ—˜
of Chapel of Saint Vincent Ferrer - Ginablan Romblon, Romblon

𝐋𝐔𝐍𝐄𝐒 𝐍𝐀 πƒπ„ππŽπ’π˜πŽπ πŠπ€π˜ 𝐒𝐀𝐍 π‰πŽπ’π„PANALANGIN:Dakilang Patriarkang San Jose, ulirang ama ng tahanan, amang turing ni Jesus at...
25/05/2026

𝐋𝐔𝐍𝐄𝐒 𝐍𝐀 πƒπ„ππŽπ’π˜πŽπ πŠπ€π˜ 𝐒𝐀𝐍 π‰πŽπ’π„

PANALANGIN:
Dakilang Patriarkang San Jose, ulirang ama ng tahanan, amang turing ni Jesus at kalinis-linisang kabiyak ng puso ng Birheng Maria,kami po ay dumudulog sa inyong makaamang pagmamahal at tanging pag-aampon.

Mahal naming San Jose, itinataas po namin sa Diyos Ama ang aming mga pangangailangan sa buhay at mga hangarin sa buhay esprituwal, na sa iyong tulong ay makamit ang pagpapala ayon sa kalooban ng Panginoon

(banggitin ang mga panalangin)

Pagindapatin mo po, na ihatid sa Diyos Amang bukal ng awa ang aming taos pusong panalangin na may lubos na pasasalamat sa lahat ng mga biyayang kaloob.

San Jose, nabuhay po kayo sa piling ni Jesus. Sa lagi kong naaalala, na habang Siya ay dinuduyan sa iyong mga bisig at nakahimlay sa iyong dibdib, yakapin mo Siya at gawaran mo ng halik sa noo para sa akin, sa gayong po ang halik na yaon ay madama ko ngayon at sa oras ng aking kamatayan.
Amen.

SAN JOSE
ipanalangin mo kami.


π•π„π‘ππ”πŒ πƒπŽπŒπˆππˆ: 𝐌𝐠𝐚 ππšπ π›πšπ¬πš 𝐬𝐚 𝐚𝐫𝐚𝐰-πšπ«πšπ°πŸπŸ“ πŒπ€π˜πŽ πŸπŸŽπŸπŸ”ππ€π†π†π”ππˆπ“π€ 𝐒𝐀 πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„ππ† πŒπ€π‘πˆπ€, πˆππ€ 𝐍𝐆 π’π€πŒππ€π˜π€ππ€πUNANG PAGBASAGe...
24/05/2026

π•π„π‘ππ”πŒ πƒπŽπŒπˆππˆ: 𝐌𝐠𝐚 ππšπ π›πšπ¬πš 𝐬𝐚 𝐚𝐫𝐚𝐰-𝐚𝐫𝐚𝐰
πŸπŸ“ πŒπ€π˜πŽ πŸπŸŽπŸπŸ”

ππ€π†π†π”ππˆπ“π€ 𝐒𝐀 πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„ππ† πŒπ€π‘πˆπ€, πˆππ€ 𝐍𝐆 π’π€πŒππ€π˜π€ππ€π

UNANG PAGBASA
Genesis 3, 9-15. 20

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Pagkakain ni Adan sa bunga ng puno, tinawag siya ng Panginoon at tinanong,
β€œSaan ka naroon?”
β€œNatakot po ako nang marinig ko kayong nasa hardin; nagtago po ako sapagkat ako’y hubad,” tugon ng lalaki.
β€œSinong may sabi sa iyong hubad ka?” tanong ng Diyos. β€œBakit kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?”
β€œKasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin,” tugon ng lalaki.
β€œBakit mo naman ginawa iyon?” tanong ng Diyos sa babae.
β€œMangyari po’y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain,” tugon naman niya.
At sinabi ng Panginoon sa ahas:
β€œSa iyong ginawa’y may parusang dapat,
na tanging ikaw lang yaong magdaranas;
ikaw ay gagapang, ang hatol kong gawad,
at alikabok ang pagkaing dapat.
Kayo ng babae’y laging mag-aaway, binhi mo’t binhi niya’y laging maglalaban.
Ito ang dudurog ng ulo mong iyan, at ang sakong niya’y ikaw ang tutuklaw.”
Eva ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, sapagkat ito ang ina ng sangkatauhan.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Mga Gawa 1, 12-14

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Pagkaakyat ni Hesus sa langit, ang mga apostol ay nagbalik sa Jerusalem buhat sa Bundok ng mga Olibo, na halos isang kilometro ang layo. Ang mga ito’y sina Pedro, Juan, Santiago, Andres, Felipe, Tomas, Bartolome, Mateo, Santiago na anak ni Alfeo, si Simon, ang Makabayan, at si Judas na anak ni Santiago. Pagdating sa kanilang tinutuluyan sa lungsod, nagtuloy sila sa silid sa itaas. Lagi silang nagsasama-sama sa pananalangin, kasama ang mga babae at si Mariang ina ni Hesus, gayun din ang mga kapatid ni Hesus.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 87, 1-2. 3. at 5, 6-7.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Sa Bundok ng Sion,
itinayo ng Diyos ang banal na lungsod,
ang lungsod na ito’y higit niyang mahal
sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Kaya’t iyong dinggin ang ulat sa iyong mabubuting bagay,
O lungsod ng Diyos.
At tungkol sa Sion, yaong sasabihin’y,
β€œAng lahat ng bansa ay masasakupan,
siya’y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.”

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

Ang P**n ay gagawa,
ng isang talaan ng lahat ng taong doo’y mamamayan,
ang lahat ng ito ay magsisiawit at pawang sasayaw.

Dinggin ang ulat sa inyong mabuting bagay,
O lungsod ng Diyos.

o kaya:
Judith 13:18bkde. 19

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

Anak, sumasaiyo ang pagpapala ng Diyos na Kataas-taasan.
Higit kang pinagpala kaysa lahat ng babae sa lupa.
Purihin ang Panginoon, ang Diyos na lumalang sa langit at lupa.

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

Ang pananalig sa Diyos na nag-udyok sa iyo
ay hindi na mapaparam sa isip ng mga tao
habang ginugunita nila ang kapangyarihan ng Diyos.

Pinupuri kang lubusan
ng lahat sa ating bayan.

ALELUYA

Aleluya, Aleluya!
Birheng Mariang mapalad,
dapat magpuri ang lahat
sa iyo at sa β€˜yong Anak.
Aleluya, Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 19, 25-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, β€œGinang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, β€œNarito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

Alam ni Hesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, β€œNauuhaw ako!” May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig. Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi, β€œNaganap na!” Iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

Noo’y Araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga sapagkat dakila raw ang araw ng Pamamahingang ito. Kaya’t hiniling nila kay Pilato na ipabali nito ang mga binti ng mga ipinako sa krus, at alisin doon ang mga bangkay. Naparoon nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni Hesus. Ngunit pagdating nila kay Hesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang binti. Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Hesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 π”πŒπ€π†π€Panginoon, sa pagsisimula ng bagong umagang ito, maraming salamat po sa biyaya ng buhay, lakas, at pa...
24/05/2026

ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 π”πŒπ€π†π€

Panginoon, sa pagsisimula ng bagong umagang ito, maraming salamat po sa biyaya ng buhay, lakas, at panibagong pagkakataon. Gabayan Mo po ako sa bawat hakbang na aking tatahakin ngayong araw. Punuin Mo ang aking puso ng kapayapaan, kababaang-loob, at pagmamahal sa kapwa.

Amen.

San Vicente Ferrer, Ipanalangin Mo kami!


ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 πˆπŠπ€-πŸ‘ 𝐍𝐆 π‡π€ππŽππ‘·π’‚π’“π’‚ 𝒔𝒂 π‘΄π’‚π’ƒπ’‚π’•π’‰π’‚π’π’‚π’π’ˆ π‘¨π’˜π’‚Pumanaw Ka, Hesus, subali't ang Bukal ng Buhay ay bumalong para sa mg...
24/05/2026

ππ€ππ€π‹π€ππ†πˆπ 𝐒𝐀 πˆπŠπ€-πŸ‘ 𝐍𝐆 π‡π€ππŽπ
𝑷𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 π‘΄π’‚π’ƒπ’‚π’•π’‰π’‚π’π’‚π’π’ˆ π‘¨π’˜π’‚

Pumanaw Ka, Hesus, subali't ang Bukal ng Buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang Karagatan ng awa ay bumugso para sa sanlibutan.

O Bukal ng Buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos, yakapin Mo ang sangkatauhan at ibuhos Mong ganap ang lyong Sarili para sa aming lahat.

O Banal na Dugo at Tubig, na dumaloy mula sa Puso ni Hesus bilang bukal ng awa para sa aming lahat, ako ay nananalig sa lyo. (tatlong ulit)

O Hesus, Hari ng Awa, ako ay nananalig sa lyo.


24/05/2026

Quiapo Church 3PM Online Mass
24 May 2026; PENTECOST Sunday

Linggo ng PENTEKOSTES
Tagapagdiwang: Rev. Fr. Christopher S. Crucero, LRMS

QUIAPO CHURCH MOBILE APP
For Android: https://bit.ly/3nXUz4Q
For IOS: https://apple.co/3k9nfFH

𝐈 ππ„π‹πˆπ„π•π„ 𝐈𝐍 πŽππ„, π‡πŽπ‹π˜, π‚π€π“π‡πŽπ‹πˆπ‚ 𝐀𝐍𝐃 π€ππŽπ’π“πŽπ‹πˆπ‚ 𝐂𝐇𝐔𝐑𝐂𝐇As we prepare for Pentecost Sunday, we are reminded that the Church...
24/05/2026

𝐈 ππ„π‹πˆπ„π•π„ 𝐈𝐍 πŽππ„, π‡πŽπ‹π˜, π‚π€π“π‡πŽπ‹πˆπ‚ 𝐀𝐍𝐃 π€ππŽπ’π“πŽπ‹πˆπ‚ 𝐂𝐇𝐔𝐑𝐂𝐇

As we prepare for Pentecost Sunday, we are reminded that the Church was born through the power of the Holy Spirit β€” gathering people of every nation, language, and heart into one faith.

United in Christ, strengthened by the Spirit, and guided by the mission of the Apostles, may we continue to live as one Church that proclaims God’s truth, love, and mercy to the world.


Mga kaVicentino, ngayong Linggo, Mayo 24, sama-sama nating ipagdiwang ang Kaarawan ng Simbahanβ€”ang Linggo ng Pentekostes...
24/05/2026

Mga kaVicentino, ngayong Linggo, Mayo 24, sama-sama nating ipagdiwang ang Kaarawan ng Simbahanβ€”ang Linggo ng Pentekostes!

Hilingin natin ang paggabay, lakas, at kapayapaan na nagmumula sa Espiritu Santo upang patuloy tayong maging saksi ng pag-ibig ng Diyos sa bawat isa.

Narito ang iba pang kaalaman sa pagdiriwang ng Pentecost Sunday.


π‡π€πππ˜ 𝟏,πŸ—πŸ—πŸ‘π‘πƒ ππˆπ‘π“π‡πƒπ€π˜, π‚π€π“π‡πŽπ‹πˆπ‚ 𝐂𝐇𝐔𝐑𝐂𝐇!Tuwing Linggo ng Pentekostes, ating inaalala ang Kaarawan ng Simbahang Katolika....
24/05/2026

π‡π€πππ˜ 𝟏,πŸ—πŸ—πŸ‘π‘πƒ ππˆπ‘π“π‡πƒπ€π˜, π‚π€π“π‡πŽπ‹πˆπ‚ 𝐂𝐇𝐔𝐑𝐂𝐇!

Tuwing Linggo ng Pentekostes, ating inaalala ang Kaarawan ng Simbahang Katolika. Ito ang araw na pumanaog ang Espiritu Santo sa mga apostol, hudyat ng pagsisimula ng kanilang pampublikong misyon.

Mabuhay ang Simbahang Katolika! Mabuhay ang Simbahang itinatag ni Jesukristo!


24/05/2026

LIVE: Banal na Misa mula sa Sta. Ursula Parish, Binangonan para sa Linggo ng Pentekostes

Punong Tagapagdiwang: Reb. Pd. Niel Vincent M. Tacbas

LIVE simulcast via Radyo Ursulino
https://zeno.fm/radio/ursulinemedia/

Download 'Zeno Radio' on Google Play Store or Apple App Store and search for 'Radyo Ursulino'




23/05/2026

Linggo ng Pentekostes

Address

Ginablan Romblon
Romblon
5500

Telephone

+639618142609

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Chapel of Saint Vincent Ferrer - Ginablan Romblon, Romblon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Chapel of Saint Vincent Ferrer - Ginablan Romblon, Romblon:

Share