10/01/2018
Novena kay Nuestro Padre Jesus Nazareno
Hesus Nazareno, sa sinag ng liwanag mula sa Iyong ulo, ang Iyong pagkabuhay ay sumilay sa aming pagdarasal. Kaawaan mo kami at nawa'y pagbigyan sa aming mga kahilingan, sapagkat kami'y lubos na nagtitiwala na iyong ipagkakaloob ang aming mga ipinakikiusap na mga pangangailangan ng aming katawan at kaluluwa, lalung - lalo na ang biyaya na aming idinadalangin.
(Bigkasin ng tahimik ang inyong kahilingan).
Kami ay lubos na nagtitiwala na Inyong ipagkakaloob ang aming mga kahilingan, sapagkat Iyong ipinahayag na - "Humingi kami at Iyong Ipagkakaloob." Sa laki ng aming pananalig, nagpapasalamat na kami ngayon pa lang, sapagkat ang nananalig sa Iyo ay hindi nabibigo, kaya nga Iyong ninanais na kami ay magtiwala ng lubos sa Iyong paglingap, ngayon at magpasawalang hanggan. AMEN.