San Jose de Ampid Parish- Worship & Liturgy Ministry

San Jose de Ampid Parish- Worship & Liturgy Ministry Religious.

18/06/2020

MGA PAGBASA— HUWEBES HUNYO 18, 2020

Huwebes ng Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Sirak 48, 1-15
Salmo 96, 1-2. 3-4. 5-6. 7

Sa Panginoo’y magalak ang masunuri’t matapat.

Mateo 6, 7-15

Thursday of the Eleventh Week in Ordinary Time (Year II)

UNANG PAGBASA
Sirak 48, 1-15

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Sumunod na lumitaw si Elias na parang apoy,
parang sulong nagliliyab ang kanyang mga salita.
Dahil sa alab ng kanyang galit sa kanilang kasamaan,
pinadalhan niya sila ng taggutom, at marami sa kanila ang nangamatay.
Sa ngalan ng Diyos, pinigil niya ang ulan,
at tatlong ulit siyang nagpaulan ng apoy.
Kagila-gilalas ang iyong mga kababalaghan, Elias!
Sino ang makatutulad sa mga ginawa mo?
Binuhay mong muli ang isang patay;
inagaw mo siya sa kamatayan sa ngalan ng Kataas-taasan.
Ibinagsak mo ang mga hari at pinukaw sa pagtulog ang mga maharlika,
at pinapunta mo sila sa kanilang kamatayan.
Ikaw ang nakarinig ng mga babala ng Diyos doon sa Sinai
at ng mga parusang inihayag niya sa bundok ng Horeb.
Ikaw din ang nagtalaga sa mga haring pinili para maghiganti,
at sa propetang hahalili sa iyo.
Sa wakas, iniakyat ka sa langit ng isang ipu-ipo,
lulan ng isang karwaheng hila ng mga kabayong nag-aapoy.
Nasusulat na ikaw ay babalik sa takdang panahon,
upang paglubagin ang galit ng Diyos bago sumapit ang takdang araw;
para pagsunduin ang mga magulang at mga anak,
at muling tipunin ang mga lipi ng Israel.
Mapapalad ang mga makakakita sa iyo
at yaong mga namatay na umiibig sa Diyos,
sapagkat kami rin ay mabubuhay.
Nang si Elias ay madala ng ipu-ipo,
ang diwa niya’y minana ni Eliseo.
Hindi siya natakot kailanman sa sinumang hari,
at walang sinumang nakapagpasuko sa kanya.
Walang gawaing hindi niya makayang gawin,
at nang mamatay, pati bangkay niya’y nagpakita ng himala.
Nang nabubuhay, gumawa siya ng maraming himala;
ngunit nang mamatay, kapangyarihan niya’y kahanga-hanga.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 96, 1-2. 3-4. 5-6. 7

Tugon: Sa Panginoo’y magalak ang masunuri’t matapat.

Ang P**n ay maghahari, magalak ang kalupaan!
Lahat kayong mga pulo ay magsaya at magdiwang!
Ang paligid niya’y ulap na lipos ng kadiliman,
kaharian niya’y tapat at sa lig sa katarungan.

Tugon: Sa Panginoo’y magalak ang masunuri’t matapat.

Sa unahan niya’y apoy, patuloy na nag-aalab,
sinusunog ang kaaway sa matindi nitong ningas.
Yaong mga kidlat niyang tumatanglaw sa daigdig,
kapag iyon ay namasdan, ang lahat ay nanginginig.

Tugon: Sa Panginoo’y magalak ang masunuri’t matapat.

Yaong mga kabunduka’y natutunaw, parang pagkit,
sa harapan ng dakilang Panginoon ng daigdig.
Sa langit ay nahahayag yaong kanyang katuwiran,
sa lupa ay makikita ang kanyang kadakilaan.

Tugon: Sa Panginoo’y magalak ang masunuri’t matapat.

Lahat silang sumasamba sa kanilang diyus-diyusan,
mahihiya sa kanilang paghahambog na mainam.
Mga diyos nilang ito ay yuyuko sa Maykapal.

Tugon: Sa Panginoo’y magalak ang masunuri’t matapat.

ALELUYA
Roma 8, 15bk

Aleluya! Aleluya!
Espiritu ng D’yos Anak
ay siyang ating tinanggap
nang D’yos Ama ay matawag.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 6, 7-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sa pananalangin ninyo’y huwag kayong gagamit ng napakaraming salita gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila’y pakikinggan sila ng Diyos dahil sa dami ng kanilang salita. Huwag ninyo silang tutularan. Sapagkat alam na ng iyong Ama ang inyong kinakailangan bago pa ninyo hingin sa kanya.

Ganito kayo mananalangin:
‘Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang pangalan mo.
Ikaw nawa ang maghari sa amin,
sundin nawa ang iyong kalooban
dito sa lupa tulad ng sa langit.
Bigyan mo kami ng pagkaing kailangan namin sa araw na ito;
at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok,
kundi ilayo mo kami sa Masama!
Sapagkat iyo ang kaharian at ang
kapangyarihan at ang kapurihan,
magpakailanman! Amen.’

Sapagkat kung pinatatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinatatawad ang mga nagkakasala sa inyo, hindi kayo patatawarin ng iyong Ama.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Itinuro ni Jesus na maaari nating tawagin ang Diyos na ating Ama. May matatag na pag-asa nating dalhin sa kanya ang ating mga hinaing.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Abba Ama, Dinggin mo ang aming panalangin.

Ang Simbahan nawa’y laging ipahayag sa buong sanlibutan ang malalim na pananalig sa pagdating ng paghahari ng pag-ibig, katarungan, at kapayapaan ng Ama, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa gitna ng mga kahirapan sa buhay nawa’y huwag nating isuko ang pagdarasal at huwag tayong magpadaig sa mga tukso, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng sapat na pagkain sa ating pang-araw-araw na pangangailangan at kadakilaan ng puso na patawarin ang ating mga kaaway, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at yaong mga nag-aaruga sa kanila, nawa’y maranasan ang Diyos sa kanilang araw-araw na pagsasakripisyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makita nang harapan ang Diyos sa kanyang walang hanggang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa iyong pakikinig sa aming hinaing. Tulungan mo kaming laging manalig sa iyong mapagmahal na pamamaraan at tanggapin ang iyong kalooban sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

18/05/2020
16/05/2020

MGA PAGBASA— LINGGO MAYO 17, 2020

Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)

Mga Gawa 8, 5-8. 14-17
Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. 16 at 20

Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.

1 Pedro 3, 15-18
Juan 14, 15-21

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 8, 5-8. 14-17

Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Noong mga araw na iyon: Nagpunta si Felipe sa isang lungsod ng Samaria at ipinangaral doon ang Mesiyas. Nang mabalitaan ng mga tao at makita ang mga kababalaghang ginagawa niya, pinakinggan nilang mabuti ang sinasabi niya. Sapagkat ang masasamang espiritu ay umaalis sa mga taong inaalihan nito at sumisigaw habang lumalabas; maraming lumpo at mga pilay ang napagaling. Kaya’t nagkaroon ng malaking kagalakan sa lungsod na iyon. Nang mabalitaan ng mga apostol na nasa Jerusalem na tinanggap ng mga Samaritano ang Salita ng Diyos, sinugo nila roon sina Pedro at Juan. Pagdating doon, ipinanalangin nila ang mga Samaritano upang sila’y tumanggap din ng Espiritu Santo, sapagkat hindi pa ito bumababa sa kaninuman sa kanila. Sila’y nabinyagan lamang sa pangalan ng Panginoong Hesus. At ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa kanila at tumanggap sila ng Espiritu Santo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. 16 at 20

Tugon: Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.

Sumigaw sa galak ang mga nilalang!
At purihin ang Diyos na may kagalakan;
wagas na pagpuri sa kanya’y ibigay!
Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila:
“Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga.”

Tugon: Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.

Ang lahat sa lupa ika’y sinasamba
awit ng papuri yaong kinakanta;
ang iyong pangala’y pinupuri nila.
Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan.
Ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.

Tugon: Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.

Naging tuyong lupa kahit yaong tubig,
at ang nuno natin ay doon tumawid;
kaya naman tayo’y nagalak nang labis.
Siya’y naghaharing may lakas ang bisig.

Tugon: Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.

Lapit at makinig, ang nagpaparangal
sa Diyos, at sa inyo’y aking isasaysay
ang kanyang ginawang mga kabutihan.
Purihin ang Diyos! Siya’y papurihan,
yamang ang daing ko’y kanyang pinakinggan,
at ang pag-ibig n’ya ay aking kinamtan.

Tugon: Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.

IKALAWANG PAGBASA
1 Pedro 3, 15-18

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal:

Idambana ninyo sa inyong puso si Kristong Panginoon. Humanda kayong lagi na magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa. Ngunit maging mahinahon at mapitagan kayo sa inyong pagpapaliwanag. Panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga umaalipusta at tumutuya sa inyong magandang asal bilang mga lingkod ni Kristo. Higit na mainam ang kayo’y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang loobin ito ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama. Sapagkat si Kristo’y namatay para sa inyo. Namatay siya dahil sa kasalanan ng lahat – ang walang kasalanan para sa mga makasalanan – upang iharap kayo sa Diyos. Siya’y namatay ayon sa laman, at muling binuhay ayon sa Espiritu.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 14, 23

Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal,
tutupad sa aking aral,
Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 14, 15-21

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos. Dadalangin ako sa Ama, at kayo’y bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Ito’y ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya’y sumasainyo at nananahan sa inyo.

“Hindi ko kayo iiwang nangungulila; babalik ako sa inyo. Kaunting panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sanlibutan. Ngunit ako’y makikita ninyo; sapagkat mabubuhay ako, at mabubuhay rin kayo. Malalaman ninyo sa araw na yaon na ako’y sumasa-Ama, kayo’y sumasaakin, at ako’y sumasainyo. “Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito and siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama; iibigin ko rin siya, at ako’y lubusang magpapakilala sa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa

Hingin natin sa Diyos na lumakas ang ating pagmamahal kay Kristong muling nabuhay at pabalik na sa Kanyang Ama. Ang ating sasambitin ay:

Amang mapagpala, isugo Mo sa amin ang Espiritu ng katotohanan!

Para sa mga namumuno sa Simbahan, upang mapuspos sila ng handog ng Espiritu Santo at nang mapalago nila sa katotohanan at sa pag-iibigan ang buong Bayan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon!

Amang mapagpala, isugo Mo sa amin ang Espiritu ng katotohanan!

Para sa lahat ng mga Kristiyano at mga taong may mabuting kalooban, upang sa taong ito ng Ekumenismo at Pag-uusap hinggil sa Pananampalataya ay darangin ng Espiritu ang kanilang mga puso ng apoy ng dalisay na pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon!

Amang mapagpala, isugo Mo sa amin ang Espiritu ng katotohanan!

Para sa mga namumuno sa ating bansa, upang mamayani ang katotohanan sa kanilang paglilingkod sa taong-bayan at mawala sa kanilang mga puso ang pag-iimbot at pagbabalat-kayo, manalangin tayo sa Panginoon!

Amang mapagpala, isugo Mo sa amin ang Espiritu ng katotohanan!

Para sa mga taong nagsisikap sundin ang mga utos ni Kristo sa kanilang pang-araw-araw na buhay, upang sa pagninilay sa Salita ng Diyos at sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya, ay matagpuan nila ang pagkaunawa at sigla sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon!

Amang mapagpala, isugo Mo sa amin ang Espiritu ng katotohanan!

Para sa ating lahat na nag-kakatipon sa pagdiriwang na ito ng Salita ng Diyos at ng Banal na Eukaristiya, upang maging masigasig tayong tagapagbalita ng katotohanang si Kristo ay buhay at siya’y ating kasama sa paglalakbay sa daigdig na ito, manalangin tayo sa Panginoon!

Amang mapagpala, isugo Mo sa amin ang Espiritu ng katotohanan!

Tahimik nating idulog ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Amang mapagpala, isugo Mo sa amin ang Espiritu ng katotohanan!

Ama naming muling bumuhay kay Hesukristo mula sa kamatayan, isugo Mo sa amin ang Espiritu Santo upang hindi kami malubog sa burak ng kalungkutan, pagkabigo at kawalan ng pag-asa, bagkus ay maging masasayang tagapagdala ng Magandang Balita ng kaligtasan sa sandaigdigan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng Iyong Anak na si Hesukristong aming Panginoon! Amen!

Sa sabado na po...Ang lahat po ay inaanyayahang makinig at makiisa...
09/03/2020

Sa sabado na po...Ang lahat po ay
inaanyayahang makinig at makiisa...

Pista ng Sto nino...
20/01/2020

Pista ng Sto nino...

Address

Barangay Ampid 1. . Rafaela Ll. San Mateo Rizal
Rizal
1850

Telephone

+639274453980

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Jose de Ampid Parish- Worship & Liturgy Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to San Jose de Ampid Parish- Worship & Liturgy Ministry:

Share