08/04/2026
Ika-8 ng Buwan ng Abril | Buwanang Pamimintuho kay Santo Domingo de Guzman de Talim
โ
โ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐
โ
โMahal na Santo Domingo,naging kalugod-lugod ka sa Diyos dahil sa iyong kabanalan at sa iyong walang pagod na paglilingkod sa kanya. Ipinahayag mo ito sa iyong pagkalinga sa mga dukha at sa mga pagsisikap mong maipalaganap ang kanyang mga aral upang iligtas ang mga mananampalataya sa mga maling turona magdadala sa kanila sa kapahamakan.
โ
โTulungan mo akong masundan ang halimbawa ng iyong kalinisan ng puso, pagmamahal sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan at sa habag sa mga makasalanan. Sa iyong pamamagitan, loobin nawa ng Panginoon na maunawaan ko ang mga aral niya at ng Simbahan at sa gayo'y magabayan ko rin ang iba sa matuwid na landas.
โ
โKatulad mo rin, nawa'y maging kalasag ko ang mga panalangin lalo na sa Santo Rosaryo sa pagharap ko sa mga pagsubok sa buhay at sa mga hadlang sa paglilikod sa Diyos. At nawa sa pamamagitan nito'y maipahayag ko ang aking pananalig sa pagkalinga ng Diyos sa mga tumatawag at umaasa sa kanya. Amen.
โ
โ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐,
โ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐!
photo ctto: John Michael Bueza
โ
โ