02/05/2026
CHURCH WORKER'S MONTH 2026
Sa buwan na ito ng Church Workers Month, buong puso nating ipinagdiriwang at pinararangalan ang lahat ng lingkod ng simbahan na patuloy na nag-aalay ng kanilang oras, talento, at pananampalataya para sa paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang bayan.
Mula sa mga lector at commentator, altar servers, lay eucharistic ministers, choir, hanggang sa iba pang tahimik ngunit tapat na naglilingkod—kayo ang buhay at lakas ng ating simbahan. Sa inyong dedikasyon, naipapahayag ang pag-ibig ni Kristo sa bawat Misa at sa bawat gawain ng ating pamayanan.
Nawa’y patuloy kayong pagpalain at patatagin ng Diyos sa inyong misyon, alinsunod sa Kanyang utos sa Mateo 28:19–20 na ipalaganap ang Mabuting Balita sa lahat.
Maraming salamat sa inyong walang sawang paglilingkod. Kayo ay tunay na biyaya sa ating simbahan.