18/06/2021
Matinding panalangin na may mga pag aayuno ang ginawang paghahanda ng grupo ng RRB-Tanay sa pangunguna ni Sis. Christine Deladia at bunga nito, naranasan ng bawat isa ang tagumpay.
Ang camp ay isinagawa sa isa sa pinaka malayong barangay ng Tanay, ang Brgy. San Andres. Ito ay isa sa mga barangay sa Tanay na hindi pa naaabot ng kuryente at mobile signal ngunit hindi nahadlangan ang gawain ng Dios! Ang mga kabataang delegates ay buong tiyagang tumawid sa ilog upang makadalo ng gawain. Maka ilang beses din na pagluhod sa mabatong lupa ang kanilang isinagawa during morning at evening devotion. Tunay na kahanga hanga kung paanong maging ang mga kabataang bagong bautismo ay tumalaga sa Panginoon!
Higit sa lahat, nagbigay hamon ang mga salita ng Dios na kanilang napakinggan upang patuloy na magpasyang makiisa sa malawakang pangangaral sa kawakasan ng huling araw.
Sa lahat ng ito, ang Dios ang maluwalhati!