03/09/2023
"Ang Katawan ay Para sa Paglilingkod sa Diyos"
1 Corinto 6:13
Sasabihin naman ng iba, “Ang pagkain ay para sa tiyan at ang tiyan ay para sa pagkain.” Totoo iyan, ngunit parehong sisirain ng Diyos ang mga ito. Ang katawan ay hindi para sa imoralidad sapagkat ito'y para sa paglilingkod sa Panginoon, at ang Panginoon naman ang nag-aalaga sa katawan.
Ang ating katawan ay binili sa mahal halaga( Sa dugo ni Cristo) Ibig sabihin tayo ay malinis na at pinag banal na ng Diyos.
sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.
1 Mga Taga-Corinto 6:20
Ituon na natin sa paglilingkod sa
Diyos ang ating katawan ng may kabanalan sapagkat iniligtas at nilinis niya tayo upang hindi na bumalik sa marumi at masamang pamumuhay.
Hindi magiging katanggap tanggap sa Diyos ang ating paglilingkod kung patuloy tayong namumuhay sa kasalanan.
Tayo"y Manalangin!
Patawad po O Diyos sa aking nagagawang kasalanan upang mabigyan kita ng kahihiyan . Linisin mo ang puso at isipan ko upang magamit mo sa iyong banal na gawain dito sa lupa. Sa ngalan ni Jesus Amen!