31/05/2026
Nanay Liling, hindi namin makalilimutan;
Ang ngiti mong sumasalubong sa amin mula sa upuan sa pangalawang hanay sa harapan, tuwing Linggo.
Ang pagkalinga mo sa mga bata at ang pusong lagi mong iniaalay sa pagtulong sa kapwa, hindi lamang tuwing Linggo.
Ang baon mong ulam, na kadalasa'y isda, na pumapawi sa gutom ng aming tiyan, gaya noong nakaraang Linggo.
Ang mga gulay at prutas na iyong dala, mula pa sa bukid, na tangan-tangan mo patungo sa kasa, Linggo-Linggo.
Ang matamis mong ngiti sa bawat pagpasok sa simbahan, bawat Linggo.
Ngunit,
Huli na pala noong nakaraang Linggo.
Gayunpaman,
Ngayon ay nasa mapagmahal na kalinga ka na ng Diyos at hindi ka namin makalilimutan, sa bawat Linggong daraan. 🤍