03/06/2023
Mula po kay USTADZ ABDURRAUL ALAWI at ng kanyang buong pamilya ay nagpapasalamat po sila ng lubos sa lahat ng nagpaabot ng tulong financial sa kanya at ng mga taimtim ninyo na do'a.
Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat. Sumainyo nawa ang dakilang gantimpala ng Allah sa mundong ito at sa Kabilang Buhay.
Bukas po ng 8:30 ng umaga ang kanyang operasyon. Critical po ang kanyang lagay. Isama po natin siya sa ating mga taimtim na do'a na nawa kahabagan siya ng Allah upang maging madali ang gaganaping operasyon, pagalingin na ang lahat at anomang karamdaman na nasa kanyang katawan, at alisin na ng Mahabaging Allah ang bawat hibla ng kanyang sakit. Allahumma ameen.
Higit po niya na kakailanganin ang ating tulong financial sa kasalukuyan po niya na abang kalagayan. Iabot po natin sa kanya ang ating mga tulong sa pamamagitan pa rin ng kanyang Gcash: Abdurrauf Alawi 09162138097.