Muslimville Muslim Community

Muslimville Muslim Community Kumunidad na nag sisikap isabuhay ang mga naaayon sa Quran at Sunnah o Pamamaraan ni Propeta Mohammed saws 🌙📖
Purok 3 Brgy.

Casispalan Tagkawayan, Quezon Province

Hadith An Nawawiy   #4 - Ang kapalaran at kahihinatnan - Kahulugan ng Hadith:Ayon kay Abu Abdir Rahmaan ibn Mas’ud [kalu...
06/09/2026

Hadith An Nawawiy #4 - Ang kapalaran at kahihinatnan - Kahulugan ng Hadith:
Ayon kay Abu Abdir Rahmaan ibn Mas’ud [kalugdan siya ni Allah] na nagsabi: “Sinabi sa amin ng Sugo ni Allah na siya ay makatotohanan, at mapaniniwalaan: “Katototohanan ang pagkakalikha sa bawat isa sa inyo ay inipon sa sinapupunan ng kanilang ina sa loob ng apatnapung araw na isang patak (na semilya ng lalaki at babae), at pagkatapos ito ay namuong dugo (‘alaqah) sa ganoon ring katagal na araw; at pagkatapos ito ay namuong laman (mudhgah) sa ganoon ring katagal na araw; at pagkatapos ay ipapadala sa kanya ang anghel upang iihip sa kanya ang kanyang kaluluwa (rooh) at may (kasamang) kautusan tungkol sa apat na kataga; upang itala ang kanyang panustos, ang tagal (o taning) ng kanyang buhay, ang kanyang mga gawa, kung siya ay magiging maligaya o hindi [kung siya ay papasok o hindi sa Paraiso]. Katiyakang ako’y sumusumpa kay Allah na walang diyos (na dapat sambahin) bukod sa Kanya, katunayan mayroon sa inyo ang gumagawa ng mga gawaing kasintulad ng mga gawain ng taong mananahanan ng Paraiso hanggang sa malagyan ito ng hadlang na kasinghaba ng bisig (ng kamay) sa pagitan niya (ng Paraiso). Pagkatapos, siya ay maaabutan ng kasulatan (na nakatadhana sa kanya), na siya ay gagawa ng mga gawaing kasintulad ng mga gawain ng taong mananahanan ng Imipyerno at siya ay makakapasok doon. Katunayan mayroon sa inyo ang mga gumagawa ng gawaing kasintulad ng mga gawain ng taong mananahanan ng Impiyerno, hanggang malagyan ito ng hadlang na kasinghaba (o kasinlayo) ng kamay sa pagitan niya (ng Impiyerno). Pagkatapos, siya ay maaabutan ng kasulatan (na nakatadhana sa kanya), na siya ay gagawa ng mga gawaing kasintulad ng mga gawain ng taong mananahanan ng Paraiso at siya ay makakapasok doon.” Iniulat ni Bukhaari at Muslim Ccto: JDS 👇👇👇

Khutbah 04/09/2026.       Mohamed Abdulla Almuqahwi Muslimville Purok 3 Brgy Casispalan Tagkawayan Quezon province. Khat...
04/09/2026

Khutbah 04/09/2026. Mohamed Abdulla Almuqahwi Muslimville Purok 3 Brgy Casispalan Tagkawayan Quezon province. Khatib: Admin/Bro Rashid Barnes

Innal hamdulillahi nahmaduhu wa nasta 'eenuhu wa nastaghfiruhu wa na 'uuzhu Billaahi min shuruuri anfusinaa wamin sayyi 'aati a'maalina. Mayyah dihillaahu falaa mudilla lah, wa mayyud lilhu falaa haadiya lah. Wa ash hadu al laa ilaaha illallaahu wahdahu laa shariika lah, wa ash hadu anna Muhammadan 'abduhuu wa Rasuuluh.

Qala Subhana wa taala fil Qur-anil Kareem

Bismillahir Rahmanir Raheem.
Ya Ay-yuhal-ladheena 'aamanut taqul-laaha, haqqa tuqaatihee wala tamu tun-na, il-la wa antum Muslimoon.

Ya Ay-yuhal-ladheena 'aamanut taqul-laaha, wa qooloo qawlan sadeedaa. Yuslih-lakum a'maalakum wa yaghfir lakum dhunoobakum, wamayyu-til-laaha wa rasoolahu, faqad faaza fawzan 'adheemaa.

Amma Ba'ad

Topic:

"Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para kay Allah, tayo ay nagpapasalamat sa Kanya, humihingi ng Kanyang tulong, at humihingi ng Kanyang tawad. Nagpapakupkop tayo kay Allah mula sa kasamaan ng ating mga sarili at mula sa kasamaan ng ating mga gawa. Sinuman ang patnubayan ni Allah ay walang makapagliligaw sa kanya, at sinuman ang Kanyang iwan sa pagkaligaw ay walang makakapagbigay-patnubay sa kanya. Sumasaksi ako na walang ibang diyos na dapat sambahin kundi si Allah lamang, na walang katambal, at sumasaksi ako na si Muhammad ay Kanyang Huling Propeta at Sugo." SAWS

Sinabi ng Allah SWT:

O kayong mga mananampalataya, matakot kayo sa Allah ng tunay na pagkatakot at huwag kayong mamatay maliban n lamang na kayo ay mga Muslim.

O kayong mananampalataya! Panatilihin ninyo ang inyong tungkulin kay Allah at pangambahan Siya,
at kayo ay laging magsabi ng katotohanan.

Itutuwid [ni Allah] para sa inyo ang inyong mga gawa at patawarin kayo sa inyong mga kasalanan. At sinuman ang sumunod kay Allah at sa Kanyang Sugo, siya ay tunay na nagtagumpay ng isang dakilang tagumpay.

Mga alipin ni Allah, mga magulang at kapatid sa pananampalatayang Islam ang mundong ito na ating ginagalawan ay isang lugar ng pagdurusa, kahirapan at pagsubok. Hindi ito mundo ng pagsasaya gaya ng inaakala ng iba. Kahit anong pagsasaya sa mundong ito ay may katapusan at sa huli ikaw ay malulungkot. I-ilang tao na ba ang sumubok na bilhin ang kaligayahan sa pamamagitan ng salapi? tingnan mo sila na nalulong sa bisyo, sila ba ay patuloy na nagiging maligaya sa kanilang ginagawa?

Kaya tayo na may paniniwala sa Allah ay dapat ihanda ang ating mga sarili mula sa pagdurusa dahil ito ay katotohanan ng mundong ito. Darating sa atin ang maraming pait ng pagsubok dahil ito ay patunay na ang mundong ito ay mundo ng pagdurusa.
Sa pamamagitan ng paghahandang ito ay in sha Allah matatanggap natin ang itinakda ng Allah at makakasumpong tayo ng kaligayahan.

Kaya si Allah ay nagsabi:

Walaa tahinu walaa tahzanu wa antumul a’lawna inkuntum mu'mineen- at huwag kayong maging mahina, at huwag kayong malungkot at kayo ay magtatagumpay kung kayo ay tunay na mananampalataya. (3:139)

Ang mundong ito ay mundo ng pagsubok sa ating lahat, kahit pa tayo ay Muslim o kaya ay di mananampalataya (kafir)

Lahat tayo ay nagkakasakit, ito ay pagsubok. Lahat tayo ay tumatanda, ito ay pagsubok.
Lahat tayo ay may lakas, ito ay pagsubok.
Lahat tayo ay may pera, ito ay pagsubok.
Lahat ng bagay na ito ay pagsubok sa atin, pati na ang ating mga mata, ang ating katawan, ang ating kaalaman, ang ating pananampataya, at ito ay itatanong sa atin sa araw ng paghuhukom.
Pati mga Propeta ay sinubukan ng Allah, sila na ang pinakamabuting nilalang at pinaka mainam sa lahat ng tao.
Kaya papaano pa kaya tayo na sumusunod sa kanila?

Dapat malaman ng isang tao na dadaan siya sa mga pagsubok ng Allah bago niya makamit ang tagumpay.

Ang Dakilang Allāh ay nagwika:

قَالَ تَعَالٰى: ﴿ أَمْ حَسِبْتُمْ أَن تَدْخُلُواْ الْجَنَّةَ وَلَمَّا يَأْتِكُم مَّثَلُ الَّذِينَ خَلَوْاْ مِن قَبْلِكُم مَّسَّتْهُمُ الْبَأْسَاء وَالضَّرَّاء وَزُلْزِلُواْ حَتَّى يَقُولَ الرَّسُولُ وَالَّذِينَ آمَنُواْ مَعَهُ مَتَى نَصْرُ اللّهِ أَلا إِنَّ نَصْرَ اللّهِ قَرِيبٌ ﴾ سورة البقرة ٢١٤

Iniisip ba ninyo, O kayong nananampalataya sa Allāh, na kayo'y makapapasok ng 'Al-Jannah' o Paraiso nang walang pagsubok na darating sa inyo, na katulad ng mga pagsubok sa mga mananampalatayang nauna sa inyo, na mga kahirapan, mga sakit, pagkatakot, mga paglindol at iba pang mga uri ng mga nakatatakot?

Hanggang sa sinabi ng isa sa Sugo ng Allāh para sa kanila at ng mga naniwala, bilang pag-asam na paratingin nang madali ang tulong mula sa Allāh: Kailan darating ang tulong ng Allāh? Walang pag-aalinlangan! Katiyakang malapit na ang tulong ng Allāh sa mga mananampalataya.- Qur'an 2:214

Ganon katindi at kahirap ang kanilang pinagdadaan, ngunit pagkatapos ng mga paghihirap na iyon ay nakamit nila ang habag, awa, kapatawaran at tagumpay na walang iba kundi ang Paraiso ng Allāh at doon sila maninirahan magpasawalang hanggang (walang nang paghihirap at sakit kundi puro nang kaligayahan).

Ang Dakilang Allāh ay nagwika:

قَالَ تَعَالٰى: ﴿ أَحَسِبَ النَّاسُ أَنْ يُتْرَكُوا أَنْ يَقُولُوا آمَنَّا وَهُمْ لا يُفْتَنُونَ * وَلَقَدْ ف

Hadith An Nawawiy  #3 Mga haligi ng Islam 👉 Kahulugan ng Hadith:Ayon kay Abi ‘Abdir Rahmaan na siya ay si ‘Abullah na an...
03/09/2026

Hadith An Nawawiy #3 Mga haligi ng Islam 👉 Kahulugan ng Hadith:
Ayon kay Abi ‘Abdir Rahmaan na siya ay si ‘Abullah na anak ni ‘Umar bin al-Khattáb [kalugdan sila ni Allah] na nagsabi: ‘narinig ko ang Propeta ni Allah [sallallahu ‘alayhi wa sallam] na kanyang sinabi: “ Itinayo ang Islam batay sa lima (limang haligi): Ang pagsaksi na walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban lamang kay Allah at si Muhammad ay sugo ni Allah, ang pagtatayo sa mga pagdarasal (ng limang beses), pagbibigay ng Zakah, ang pagsasagawa ng hajj, at ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan.” Iniulat ni Bukhári at Muslim.Mapupulot na Aral:
1. Nabanggit sa Hadith na ang Islam ay parang isang gusali na itinayo sa Limang Haligi na hindi ito tatayo kung hindi kumpleto ang limang haligi na ito, na gayundin ang muslim na hindi magiging matuwid ang pagiging muslim niya kung hindi niya maisabuhay ang limang haligi na ito.

2. Ang lahat ng Haligi ng Islam ay may mga panuntunan, mga kondisyon at tamang pamamaraan (ahkam wa ádab). Mahalaga na batid natin ang mga ito [ahkam at adab] at palagi nating paalalahanan ang ating mga sarili, lalo’t higit tuwing bago dumating ang Ramadan o bago isagawa ang Hajj, upang maisagawa natin ang mga Haligi ng tama at naaayon sa Katuruan ng Mahal na Propeta (sallallahu ‘alayhi wa sallam). Mapupulot na Aral:
1. Nabanggit sa Hadith na ang Islam ay parang isang gusali na itinayo sa Limang Haligi na hindi ito tatayo kung hindi kumpleto ang limang haligi na ito, na gayundin ang muslim na hindi magiging matuwid ang pagiging muslim niya kung hindi niya maisabuhay ang limang haligi na ito.

2. Ang lahat ng Haligi ng Islam ay may mga panuntunan, mga kondisyon at tamang pamamaraan (ahkam wa ádab). Mahalaga na batid natin ang mga ito [ahkam at adab] at palagi nating paalalahanan ang ating mga sarili, lalo’t higit tuwing bago dumating ang Ramadan o bago isagawa ang Hajj, upang maisagawa natin ang mga Haligi ng tama at naaayon sa Katuruan ng Mahal na Propeta (sallallahu ‘alayhi wa sallam). Ctto: JDS

Hadith An Nawawiy  #1 - Ang  Gawa ay  Nababatay sa Layunin-  👉 Kahulugan ng Hadith:Ayon sa pinuno ng mga mananampalataya...
01/09/2026

Hadith An Nawawiy #1 - Ang Gawa ay Nababatay sa Layunin- 👉 Kahulugan ng Hadith:
Ayon sa pinuno ng mga mananampalatayang si Abu Hafs Umar ibnul Khattab [kalugdan siya ni Allah] na nagsabing, “Narinig ko ang Sugo ni Allah na nagsabi: “Tunay na ang bawat gawain ay nakabatay sa layunin, at gagantimpalaan ang tao ayon sa kanyang nilayon. Kaya’t sinuman ang mangibang-bayan para kay Allah at sa Kanyang Sugo, ang kanyang pangingibang-bayan (o paglipat) ay para kay Allah at sa Kanyang Sugo. At sinuman na mangibang-bayan para sa makamundong pakinabang, o kaya ay para sa babaeng mapapangasawa, magkagayun ang kanyang pangingibang-bayan ay para sa kanyang nilayon.’” [Iniulat ni Bukhari at Muslim]. 👉 Mapupulot na Aral:
1. Ang hadith na ito ay isa sa mga hadith na kung saan napakahalagang paksa na bumubuo sa Islam, kaya naman ang sabi ng mga ‘Ulama: nakasalig ang Islam sa dalawang hadith, ang isa rito ay ang hadith na ito, at ang pangalawa ay ang hadith na naiulat mula kay ‘Aisha [kalugdan siya ni Allah]:
“ من عمل عملا ليس عليه أمرنا فهو رد “
“Ang sinumang gumawa ng gawaing hindi tugma (sa aming gawain) ay hindi ito matatanggap.”
Ang hadith na ito (unang hadith) ay haligi ng mga gawaing may kinalaman ang puso (gawaing puso), na kung kaya ito ay timbangan ng mga gawaing nakakubli o hindi hayag. samantalang ang hadith na naiulat mula kay ‘Aisha [radiyallahu ‘anha] ay haligi naman ng mga gawaing panlabas.
Halimbawa:
- Isang tapat o mukhlis na lalaki na walang kapantay ang kanyang pagiging mukhlis, ang tanging hinahangad ay gantimpala mula kay Allah sa Kabilang Buhay at ito ang Paraiso ni Allah, ngunit sa kanyang pagsasagawa ng isang mabuting gawa o pagsamba kay Allah ay punong puno naman ng bid’āh (mga gawaing bago na idinagdag sa Islam). Dito, pagdating sa ‘niyyah’ o layunin ay walang alinlangan na ito’y isang dalisay na layunin, ngunit makikita naman sa kanyang pamamaraan ng pagsasagawa ng ibadah na hindi ito naaayon sa napagtibay na pamamaraan ng Islam na siyang ginawa ng Mahal na Propeta Muhammad [sallallahu ‘alayhi wa sallam].

2. Ang Hadith ay nagpapahayag na ang gawaing pagsamba ay hindi katanggap-tangap kapag ito’y hindi ginawa alang-alang kay Allah lamang (Ikhlas).

3. Paghihimok na taglayin ang ‘Ikhlás’ o katapatan sa puso para kay Allah [Subhanallahu Wa Ta’āla] Dahil hinati ni Propeta Muhammad [sallallahu ‘alayhi wa sallam] ang mga tao sa dalawang uri:

Unang uri: Mga taong gumagawa ng mga gawain na ang layunin ay para kay Allah at hinahangad ang Kanyang Habag at ang Kabilang Buhay.

Pangalawang uri: Kabaliktaran ng nauna, at dito ay nararapat na himukin sila sa pagkakaraoon ng ‘Ikhlás’ para kay Allah.

At kinakailangan na pangalagaan ng isang tao ang ikhlás at paghimok dito, dahil sa ito ang mahalaga at pangunahing haligi sa pagkakalikha sa sangkatauhan. Kaya sinabi ni Allah:

﴿ وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْإِنسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ ﴾

{At hindi Ko nilikha ang mga Engkanto at mga tao kundi para sambahin nila Ako .}[Suurah addháriyat: 56].

4. Kahusayan sa pagtuturo ni Propeta Muhammad [sallallahu ‘alayhi wa sallam] at ito ay ang magkakaibang paraan ng paglalahad at ang pagbabahagi-bahagi nito.

5. Ang tao ay mapagkakalooban ng gantimpala o parusa batay sa kanyang nilayon sa kanyang ginawa. Kagaya ng sinabi ng Mahal na propeta [sallallahu ‘alayhi wa sallam]: “..ang bawat gawain ay nakabatay sa layunin, at gagantimpalaan ang tao ayon sa kanyang nilayon.

6. Ang Hijrah (Pangingibang-bayan) ay mula sa mabuting gawain kung ang layunin ng kanyang paglikas ay para kay Allah at sa Kanyang Propeta [sallallahu ‘alayhi wa sallam]. At lahat ng gawain na ang layunin ay para kay Allah at sa Kanyang Propeta, tunay na ito ay mapapabilang sa mga gawaing mabuti, dahil ang hangarin dito ay mapalapit kay Allah, at ang pagpapalapit sa Kanya ay isang gawaing ‘ibádah. Ctto: JDS

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Ibrahim Zamodio, نور مسلمة, Do Ya Ng, Syed Qassim Acabo, ...
26/08/2026

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Ibrahim Zamodio, نور مسلمة, Do Ya Ng, Syed Qassim Acabo, Jaber Peronce, Betty C. Cabudol, Abu Mu'adh B. Ilahan, Barrosa Shiela, Faisal A Ravalo, Ailah Mala, Iqra Ta'allam Wa Tabbiq, Aisha Osuya, Abdullah Raul Raya, Laila Malana, Saliha Oco Cedilla, Mohammad Isa Salih, Imam Abdulcahar, Johnrich Imperial, Jalila R. Ampuan, Ilyas Kusain, Som Som S. Ladja, Faisal Ali Midtimbang, Hagar De Ocampo Gerona, Abu Muhajirin Barrosa, Barrosa Allan, Reil Rafols, Regina Ambaco Auditor, Lakaw Ni Sis Aisha, الدين نصيحه, Cyril Aminah Dualan, Fatimah A. Paurom, May Follo, Janna Jenn, Rayma Brahim Galzote, Jameela Janahi, AbdulMalik Barrosa, Maryam Maryam, عبد الزهير, Muhammad Candelaria, Ma Rachelle Cabanban, S'Abdulaziz Kampilan, Gie Ajero, Shibu Tan, Norhamin Buka

Big shout out to my newest top fans! 💎 Noralhen Noralhen, Edgar Abad, Apple DM, Dawood Abu, Rayma Brahim GalzoteDrop a c...
24/08/2026

Big shout out to my newest top fans! 💎 Noralhen Noralhen, Edgar Abad, Apple DM, Dawood Abu, Rayma Brahim Galzote

Drop a comment to welcome them to our community,

Katotohanan ang Allah subhana wa ta'ala ang nagkaloob ng tawfeeq na magkaroon ng ganitong kumunidad at walang sinuman an...
18/08/2026

Katotohanan ang Allah subhana wa ta'ala ang nagkaloob ng tawfeeq na magkaroon ng ganitong kumunidad at walang sinuman ang nagdulot ng fitnah na hinayaan lamang ng Allah subahana wa ta'ala na magtagumpay! 👊👊👊

Alhamdullillah pasasalamat sa nag initiate mag repair ng mga pipe ng tubig at sa mga jama'a na nag assist baraakallahufe...
16/08/2026

Alhamdullillah pasasalamat sa nag initiate mag repair ng mga pipe ng tubig at sa mga jama'a na nag assist baraakallahufeekum🤲

Address

Purok 3, Brgy, Tagkawayan
Quezon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Muslimville Muslim Community posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share