San Pedro Bautista Parish

San Pedro Bautista Parish Pebrero 1884, itinatag ang parokya sa pamamagitan ng Dekreto Real. Unang naging paroko si Padre Apolinario Villafuerte. Humaliling pari si Padre Eriberto Vobeda.

MAIKLING KASAYSAYAN NG PAROKYA NI
SAN PEDRO BAUTISTA


Taong 1879-1980 nang itayo ang unang gusali ng simbahan sa pangunguna ni Don Elino Nadres at taong 1883 naganap ang unang misa. Sina Doña Sofia Nadres at Doña Evarista Ona Nadres ang mga nagtaguyod ng pagtatatag ng unang simbahan. Si Maria Consuelo Nadres ang kauna-uanahang bininyagan. Naganap ang unang Bisita Pastoral noong taong 1885. May 2

4, 1925, sinumulang itayo ang simbahang konkreto. Itinalagang Paroko si Padre Crispino Racelis at sinundan ni Padre Raymundo Esquenet isang Belgian Priest. Nag-donasyon ng altar ng bagong simbahan si Rustica de Gala at Doña Adriana Villadiego, Taong 1928 habang ginagawa ang bagong simbahan ay naaksidente si Padre Esquenet habang siya ay tumutulong sa pagpapagawa ng bakod ng simbahan. Nagpabalik-balik si Padre Esquenet sa Belhika upang ipagamot ang kanyang kapansanan sa paa. Nagtatag siya ng ilang samahang pangsimbahan at marami pa siyang ipinagawa. Si Padre Eufrocino Lusterio ay napadestino rin ng ilang panahon bilang paroko. Muli na namang naitalaga si Padre Esquenet bilang paroko noong 1934. Noong panahon ng digmaan si Padre Esquenet ay napailalim na magbigay ng suporta sa mga gerilya kaya siya ay dinakip kasama sina Florencio Abaca Sr., Gregorio Siscar at Isabelo Martinez. Sila ay pawang sinunog ng buhay noong Pebrero 10, 1945. Muli ay itinalagang paroko si Padre Crispino Racelis. Sinimulang gawin ang simbahan na sinunog ng mga Hapon sa tulong ni Howard Hicks General Manager ng Peter Paul Corp. sa tulong din nina G. Pastor Dalmacion at Dr. Jose Sales. Taong 1949, nagkaroon ng paaralan sa pamamahala ng Paroko Padre Racelis, Francisco Malabanan at Abogado Isidro Rodriguez. Pinangalanang Lady Mediatrix Institute ang paaralan. Taong 1956, nagkaroon muli ng bagong parokya sa katauhan ni Padre Juan Rapiñan. Nagpatuloy ang pagsasaayos ng simbahan. Sa pamamagitan nina Pastor Dalmacion at Paterno Alcantara ipinagawa ang marmolisadong altar. Ipinagawa naman nina Gng. Clarita de Leon at Bb. Guadalupe Gonzales ang Tableau sa itaas ng altar. Sina Gng. Florentina Dalmacion at Maxima Garcia ang nagpagawa ng kumulgatorio katulong ang Pamilya Marquez ng Lucena. Ang Granolithic na sahig ay sinagutan ni Don Paulo Macasaet. Ang bubong na aluminyo ng simbahan ay pinapalitan ng galbanisadong yero donasyon naman ni Doña Agueda de Gala. Sa pamamahala ni Mons. Juan Rapiñan, pinaganda ang koro sa pamamahala ni Gng. Nenita Montecilla at Gng. Evelina Burgos. Ipinagawa ng Kapisanan ni San Jose ang mga bintana, grills at mga Chandeliers. Pinangasiwaan naman ni Gng. Lo**ta Maliwanag ang pagsasaayos at pagpapaganda ng patio ng simbahan, katulong niya ang Candelaria Jaycees at Sputnik. Panahon din ni Mons Rapiñan nang ipagawa ni Padre Delfin V. Babilonia ang Catholic Center. Sumigla ang Cursillo Movement ( Lingkod ng Panginoon at Date with the Lord ) sa Candelaria sa pamamagitan ni Padre Babilonia at nagkaroon din ng Charity Clinic Inc. Ang Buklod Diwa, Charismatic Movement, Munting Sambayanan, Family Life, Music Ministry at iba pa ay isinilang sa panahon naman ni Mons. Simeon Racelis katulong ang dalawang pari sina Padre Ramon Tiama at sinundan ni Padre Alberto Aller. Naitatag rin ang Mother Butler Guild, Knights of Columbus at Knights of the Altar. Ipinagawa niya ang opisina parokyal. Naganap noong Nobyembre 1983 ang re-shuffle ng kaparian sa Diocesis sa pamamagitan ng Obispo Ruben Profugo. Naging sunod na paroko ay si Mons. Mariano P. Melicia at katulong na pari niya si Padre Noe Loredo. Ipinagawa ni Mons Melicia ang Mortuary at Adoration Chapel. Naging lalong masigla ang mga kapisanang pansimbahan. Sa panahon din ni Mons. Melicia ay idinaos ang Centennial Year ng parokya kung saan ginawaran ng parangal ang mga mananampalataya na nagkaroon ng mahalagang ginawa o accomplishments. Humalili kay Mons. Melicia si Mons. Beato Racelis at siya naman ang nagpagawa ng Mezzanine sa dakong itaas ng simbahan upang malunasan ang pagsisikip ng mga maninimba. Itinatag niya ang ilang samahan na ang layunin ay mapag-ibayo ang gawaing katekesis sa parokya. Ito ay ang Catholic Teachers Guild, samahan ng mga gurong katoliko na ang layunin ay magbigay ng pinansyal na suporta sa mga katekista. Gayon din ang Confraternity of San Pedro Bautista samahan ng mga dating active catechists na ang gawain ay magbigay naman ng paseminar sa mga bibinyagan at sa mga ninong at ninang ng bibinyagan. Nagkaroon ng tindahan ang parokya, San Pedro Bautista Religious Supply Center na ang kikitain ay gagamitin sa gawaing katekesis. Pinamahalaan ito ng isang Board na itinalaga niya na tumatayong Chairman ay ang paroko at Vice Chairman ang namumuno sa Lupon ng Katekesis at Katolikong Edukasyon, Sis. Del R. Vargas. Pagkatapos ng humigit kumulang na anim na taon ay pumalit naman si Mons. Alfredo Lao bilang paroko. San Kanyang panahon ay nagsimulang isaayos ang simbahan dahil sa marami na itong sira. Pinapalitan ang bubong at nilagyan ng kisame. Ang pondo ay mula sa mga taong nagbigay mula sa bayan ng Candelaria, sa ibang bansa at sa iba pang may magandang kalooban. Hindi pa ganap na natatapos ang kisame, pangalawang taon ni Mons. Lao ay muling nagkaroon ng panibagong paroko sa katauhan ni Mons. Carlos Pedro Herrera. Dumating siya noong Pebrero 17, 2003.

13/03/2012

Address

Brgy. Poblacion Candelaria
Quezon
4323

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Pedro Bautista Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to San Pedro Bautista Parish:

Share