13/02/2026
Sa life madalas iniisip natin, “maliit lang ‘to, okay lang.” Pero the truth is, hindi tayo biglaang nadadapa.Ang pag-fall, nagsisimula sa maliit — sa isang tingin, isang thought, isang curiosity na parang harmless lang.
Look at David. Siya ang king, “a man after God’s own heart,” pero kahit siya, nadapa. Hindi siya biglaang bumagsak. Nagsimula lang sa pagtingin kay Bathsheba, sa isang pangarap na hindi niya ginabayan. Mula doon, unti-unti, lumaki yung problema at naapektuhan ang maraming tao.
Ang puso natin, utak natin, at actions natin, lahat may epekto. Ang mga bagay na pinapapasok natin sa isip natin, sa social media, sa movies, sa jokes, sa chats — unti-unti itong nagbuo ng mindset. Kung hindi natin binabantayan, ang mga simpleng desisyon ngayon ay puwede mag-lead sa pattern na magdadala sa mali.
Marami sa youth ngayon ang nalulunod sa small compromises na una ay feeling harmless lang. Isa-isang steps na parang “okay lang” — at hindi nila namamalayan, unti-unti na silang nadadrift.
Pero may pag-asa. Kahit nagkamali ka, puwede kang bumalik. God always gives chance to realign your heart. Kahit si David, pagkatapos ng lahat ng mali niya, humingi siya ng forgiveness at nag-reset ang puso niya. Huwag mong hintayin na maging malaking problema bago mo i-recognize ang mali at bumalik sa tama.
Life is not about being perfect. Life is about awareness. Ang bawat desisyon mo, maliit man o malaki, may epekto sa future mo. Piliin mo ang tama kahit sa simpleng bagay ngayon, dahil bawat choice shapes your character, at ang character mo ang magdidikta ng life mo.
�"Create in me a clean heart, O God, and renew a steadfast spirit within me." — Psalm 51:10