07/09/2025
SETYEMBRE 8
KAPISTAHAN NG PAGSILANG SA MAHAL NA BIRHENG MARIA
Walang nasusulat tungkol sa Kapanganakan ni Maria sa Biblia ngunit ang kakulangang ito ay napunan ng Matandang Kasulatan ni Santiago. Ayon dito, sina Ana at Joaquin ay parehas na baog ngunit silaβy nanalangin na magkaanak. Kinalaunan ay natanggap nila ang kanilang ipinagdarasal na siyang tutupad sa Plano ng Panginoon sa Ikaliligtas ng Sansinukuban. Ang ganitong kwento, tulad ng ibang salaysay na mababasa sa Biblia, ay nagpapahalaga sa pagkilala ni Maria sa Panginoon sa simula pa lamang ng kanyang buhay.
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo. Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang iyong anak na si Jesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen!
Larawan mula sa Monastery Icons (https://www.monasteryicons.com/product/nativity-of-the-virgin-icon-440/icons-of-the-great-feasts)