Kolbe Parish

Kolbe Parish St. Maximilian Mary Kolbe Parish
Diocese of Novaliches
OFM Conventual

IKA-23 NG MAYO, 2026 || SABADO SA IKA-7 LINGGO NG PASKO NG MULING PAGKABUHAYUNANG PAGBASA [Mga Gawa 28, 16-20. 30-31]Pag...
22/05/2026

IKA-23 NG MAYO, 2026 || SABADO SA IKA-7 LINGGO NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY

UNANG PAGBASA [Mga Gawa 28, 16-20. 30-31]
Pagdating namin sa Roma, si Pablo’y pinahintulutang umupa ng sariling tirahan kasama ang isang kawal na pinakatanod niya.

Makaraan ang tatlong araw, inanyayahan ni Pablo sa isang pulong ng mga pangunahing Judio sa lungsod. Nang magkatipon na sila, sinabi niya, “Mga kapatid, bagamat wala akong ginawa laban sa ating bansa o sa mga kaugalian ng ating mga ninuno, hinuli ako sa Jerusalem at isinakdal sa kinatawan ng pamahalaang Romano. Matapos akong litisin, ako sana’y palalayain na sapagkat wala naman akong ginawa na dapat parusahan ng kamatayan. Ngunit tumutol ang mga Judio, kaya’t napilitan akong dumulog sa Emperador, bagamat wala akong sakdal laban sa ating mga kababayan. Nagagapos ako ng tanikalang ito dahil kay Hesus, ang pag-asa ng Israel. Iyan ang dahilan kung bakit hiniling kong makausap kayo.”

Humigit-kumulang sa dalawang taong nanirahan si Pablo sa Roma, sa bahay na kanyang inuupahan, at tinanggap niya ang lahat ng nagsadya sa kanya. Hayagan at walang sagabal na nangangaral siya tungkol sa paghahari ng Diyos at sa Panginoong Hesukristo.

SALMO RESPONSORYO [Salmo 10, 4. 5 at 7]
[P**n, ang mga mabuti ay kapiling mo parati.]
Ang Panginoong Diyos ay matatagpuan sa banal na templo,
at doon naman sa mataas na langit, naroon ang trono;
at magbuhat doon ay pinagmamasdan ang lahat ng tao,
walang maliligid anuman ang gawin ng lahat ng ito.

Lahat ng mabuti pati ang masama ay sinisiyasat,
namumuhing lubos siya sa suwail na wala nang batas.
Ang P**n ay tapat, sa gawang mabuti siya’y nalulugod
at sa piling niya, mabubuhay silang sa kanya’y sumunod.

MABUTING BALITA [Juan 21, 20-25]
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, lumingon si Pedro at nakita niyang sumusunod ang alagad na minamahal ni Hesus – yaong humilig sa dibdib ni Hesus nang sila’y naghahapunan at nagtanong, “Panginoon, sino po ang magkakanulo sa inyo?” Nang makita siya ni Pedro, tinanong nito si Hesus, “Panginoon, ano po naman ang mangyayari sa taong ito?” Sumagot si Hesus, Kung ibig kong mabuhay siya hanggang sa pagbabalik ko, ano sa iyo? Sumunod ka sa akin!” Kumalat sa mga kapatid ang balitang hindi mamamatay ang alagad na ito, bagamat hindi sinabi ni Hesus na hindi siya mamamatay, kundi, “Kung ibig kong mabuhay siya hanggang sa pagbabalik ko, ano sa iyo?”

Ito nga ang alagad na nagpapatotoo tungkol sa mga bagay na ito; siya rin ang sumulat ng mga ito, at alam naming tunay ang kanyang patotoo.

At marami pang ginawa si Hesus na kung susulating lahat, inaakala kong hindi magkakasya kahit sa buong daigdig ang mga aklat na masusulat.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

PAGNINILAY:
Ngayon ay palapit na tayo sa pagtatapos ng Panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Bukas ay ang katapusan nito sa pagdiriwang ng Linggo ng Pentekostes, ang araw na bumaba ang Espiritu Santo sa mga Apostol. Ang mga pagbasa ngayon ay pumupunto sa katapusan ng mga pagsasalaysay nina San Lucas sa Gawa ng mga Apostol at San Juan sa kanyang Ebanghelyo. Subalit makikita natin na ang sinasabing katapusan ay simula pala ng isa pang panibagong yugto.

Narinig natin sa Unang Pagbasa ang katapusan ng Gawa ng mga Apostol sa pamamagitan ng isang panibagong misyon sa magiging sentro ng pananamapalataya: ang Roma. Sinasabi dito na halos lahat ng Kristiyano sa Jerusalem ay umalis mula sa lungsod iyon patungo sa Italya, sa kabisera ng bansa na Roma, upang magtatag pa ng mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay saksi sa Mabuting Balita ni Kristo. At sa tulong nina San Pedro at San Pablo, lumaganap pa ang pananampalataya. Ikinuwento ni Pablo ang kanyang karanasan habang siya’y nasa Jerusalem. Kaya siya’y umapela na hatulan ng Emperador ang kanyang kaso dahil sa kanyang pagkakakilanlan bilang isang Romano. At pinapatibay niya ang kanyang misyon na sa kabila ng mga banta ng mga Hudyo at ang iba pa niyang kaaway laban sa kanya, nanatili pa rin siya malakas sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Kahit natapos na ang isang pagsasalaysay ng buhay ng mga sinaunang Kristiyano sa Jerusalem at ibang mga karatig na probinsya, ito rin ay pasimula ng pagkilala ng buong mundo sa pananamapalatayang Kristiyano, na ipinamana rin sa atin bilang mga hinirang ng Diyos.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang katapusan ng salaysay ni San Juan. Ang pokus ng Ebanghelista ay ipakilala si Hesus bilang tunay na Diyos. Matapos ang pagpapakita ng Panginoon sa kanyang mga alagad sa dalampasigan ng lawa, ang kanilang almusal, at ang tatlong beses na pahayag ni Pedro ng pagmamahal sa Panginoon, tinanong ni Pedro ang alagad na sumandal sa kanya upang tanungin kung sinong magkakanulo sa kanya (ito yung panahong kasama ng mga Apostol si Hudas bago ito lumisan sa kanilang tinutuluyan para sa Huling Hapunan). Kaya itinuro niya kay Hesus si San Juan kung ano ang magiging kapalaran ng tinuturing na “minamhal na alagad”. Nagbigay rin si Hesus ng isang retorikal na tanong kay San Pedro na paano kung nais niyang mabuhay sa daigdig ang minamahal na alagad hanggang sa kanyang muling pagpaparito, at ang paanyaya’y sumunod sa kanya.

Kaya makikita natin ang huli ng kabanata ng pagpapahayag ni Hesus na siya ay tunay na Diyos, subalit noong panahong iyon, ito’y nagbigay hudyat sa misyon ng mga Apostol na ipahayag ang kadakilaan ng Diyos Ama sa pamamagitan ni Hesukristo, ang tunay na Diyos na nabubuhay kailanman. At sa huli, isinialaysay ni San Juan na marami pang ginawa si Hesus na hindi kailanma’y isinulat niya sa kanyang aklat. Kaya dito papasok ang ating Deposito ng Pananampalataya, na bukod sa Kasulatan, ang Tradisyon ay mahalaga rin dahil ito’y pinananaligan nating nanggaling sa panahon ng mga Apostol at ipinamana sa bawat miyembro ng Simbahan sa bawat henerasyon.

Mga kapatid, may mga bagay na mayroong katapusan. Subalit kung mayroong katapusan, may isang panibong simula na sisibol upang ipagpatuloy ang isang mabuting aspeto ng bagay na lumipas na. Kaya nga sa mga pangitain ni San Juan, sinabi ng Panginoong Hesus: “Ngayon, binabago ko ang lahat ng mga bagay” (Pahayag 21:5). Kung lahat ng panahon at bagay ay nagbabago, ganun din ang panawagan na tayo ay magbago.

-Reynald Perez
from: awitatpapuri.com

IKA-22 NG MAYO, 2026 || PAGGUNITA KAY SANTA RITA NG CASCIA, NAMANATA SA DIYOSUNANG PAGBASA [Mga Gawa 25, 13b-21]Noong mg...
21/05/2026

IKA-22 NG MAYO, 2026 || PAGGUNITA KAY SANTA RITA NG CASCIA, NAMANATA SA DIYOS

UNANG PAGBASA [Mga Gawa 25, 13b-21]
Noong mga araw na iyon, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at si Berenice upang bumati kay Festo. Nang matagal-tagal na sila roon, inilahad ni Festo sa hari ang tungkol kay Pablo. “Si Felix ay may iniwan ditong isang bilanggo,” wika niya. “Nang ako’y nasa Jerusalem, isinakdal siya sa akin ng mga punong saserdote at ng matatanda ng mga Judio at hininging parusahan siya. Sinagot ko sila na hindi ugali ng mga Romano ang magparusa sa sinumang nasasakdal nang hindi muna nagkakaharap ang magkabilang panig, at nagkakaroon ng pagkakataong makapagtanggol sa sarili ang nasasakdal. Kaya’t nang dumating sila rito, hindi na ako nag-aksaya ng panahon; kinabukasan din, ipinatawag ko sa hukuman ang taong iyon. Nang magkaharap-harap sila, siya nama’y hindi nila ipinagsakdal sa anumang mabigat na pagkakasala na inaakala kong ipararatang nila. Ang pinagtatalunan lang nila ay tungkol sa kanilang relihiyon at sa isang taong ang pangala’y Hesus. Patay na ang taong ito, ngunit ipinipilit naman ni Pablo na siya’y buhay. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin sa bagay na ito kaya’t tinanong ko siya kung ibig niyang sa Jerusalem siya litisin. Ngunit tumutol si Pablo at hiniling na ipaubaya sa Emperador ang pagpapasiya sa kanyang usapin. Kaya’t pinabantayan ko siya upang ipadala sa Emperador.”

SALMO RESPONSORYO [Salmo 102, 1-2. 11-12. 19-20ab]
[Panginoo’y may luklukang matatag sa kalangitan.]
Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.

Ang agwat ng lupa’t langit, sukatin ma’y hindi kaya,
gayun ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.
Ang silangan at kanluran kung gaano ang distansya
gayung-gayun ang pagtingin sa sinumang nagkasala.

Ang P**n nga ang nagtayo ng trono sa kalangitan;
mula doon, sa nilikha’y maghaharing walang hanggan.
O purihin ninyo siya, kayong mga anghel ng Diyos,
kayong mga nakikinig at sa kanya’y sumusunod!

MABUTING BALITA [Juan 21, 15-19]
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Nang muling napakita si Hesus sa mga alagad niya at nang makakain sila, tinanong ni Hesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako nang higit kaysa mga ito?” “Opo, Panginoon, nalalaman ninyong iniibig ko kayo,” tugon niya. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Pakanin mo ang aking mga batang tupa.” Muli siyang tinanong ni Hesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Sumagot si Pedro, “Opo, Panginoon, nalalaman niyong iniibig ko kayo.” Ani Hesus, “Pangalagaan mo ang aking mga tupa.” Pangatlong ulit na tinanong siya ni Hesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Nalungkot si Pedro, sapagkat makaitlo siya tinanong: “Iniibig mo ba ako?” At sumagot siya, “Panginoon, nalalaman po ninyo ang lahat ng bagay; nalalaman ninyong iniibig ko kayo.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Pakanin mo ang aking mga tupa. Tandaan mo: noong kabataan mo pa, ikaw ang nagbibihis sa iyong sarili at lumalakad ka kung saan mo ibig. Ngunit pagtanda mo, iuunat mo ang iyong mga kamay at iba ang magbibihis sa iyo at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig.” Sinabi niya ito upang ipakilala kung paano mamamatay si Pedro at sa gayo’y mapararangalan niya ang Diyos. Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Hesus, “Sumunod ka sa akin!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

PAGNINILAY:
Malapit na tayong matapos sa ating pagninilay sa Muling Pagkabuhay ni Hesukristo. Noong nakaraang Linggo, ipinagdiriwang natin ang kanyang Pag-akyat sa Langit. At ngayong darating na Linggo, ipagdiriwang natin ang Pentekostes, ang araw na bumaba ang Espiritu Santo sa mga Apostol.

Kaya maririnig natin sa Ebanghelyo kung paanong ipinaghahanda ni Hesus ang kanyang mga alagad para sa magiging misyon ng Simbahan. Ang tagpuan ay sa dalampasigan ng Lawa ng Tiberias matapos siyang magpakita sa kanila habang sila’y nangingisda sa Lawa. Nagkaroon ng malaking huli ng isda ang 7 alagad na nasa bangka, nakilala nila ang Panginoon, at sila’y nag-almusal. Matapos nito, tinanong ni Hesus si Simon Pedro nang 3 beses kung mahal siya nito. Kaya 3 beses sinabi ni San Pedro na lubos niyang minamahal ang Panginoon. Ito yung kabayaran at pangbawi ng Apostol noong 3 beses niyang ipinagkaila si Hesus nang ito’y idadala kay Poncio Pilato upang hatulan ng kamatayan. Bagamat naiyak si Pedro dahil naalala niya ang kanyang ginawang pagtatatwa sa kanyang Panginoon, nabatid niya na alam nito ang lahat tungkol sa kanya at sa katotohanang mahal niya ito. At pinatibay ni Hesus ang tungkulin ni San Pedro na alagaan ang mga tupa. Ito yung magiging misyon ni San Pedro bilang kauna-unahang Santo Papa ng ating mahal na Simbahang Katolika. At hinula rin ni Kristo na sa huli ng pamumuno ng Apostol sa Simbahan, siya’y ipagpapatay sa isang lugar na sinabi ng Panginoon na “hindi niya magugustuhan”.

Kaya nga n’ung una, nang si Pedro ay hatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpapako sa krus, nagtago sa labas. Biglang nagpakita ang Panginoong Hesus sa kanya, at tinanong niya nito, “Quo vadis, Domine?” “Saan kayo pupunta, Panginoon?” Sagot ni Hesus, “Ako’y papunta sa Roma upang sa pangalawang pagkakataon, ako’y ipapako sa krus.” Kaya bumalik si Pedro at hiniling na siya’y ipako sa krus ng patiwarik dahil sa kababang-loob ng kanyang kahinaan, ngunit pinalakas ng Panginoong Hesus na natupad na niya ang kanyang misyon. Makikita natin ang lubos na pagkikilala ni San Pedro kay Hesus. Marami nang beses ipinatotoo ni Pedro na si Hesus ay ang Kristo at Salitang nagbibigay-buhay. At nakita natin na kahit nagkasala siya, pinatawad pa rin siya ng Panginoon dahil may malaking misyong siyang ginampanan para sa pag-uunlad ng Simbahan.

Sa totoo, ganyan ang naging buhay ng mga Apostol, na kahit pinabayaan nila ang kanilang Panginoon nang ginapit nito ang Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus, nagpakita si Hesus sa kanilang nang maraming beses, at ang mensahe ng kanyang Muling Pagkabuhay ay bagong pag-asa at bagong buhay. Kaya ang Muling Pagkabuhay ay nagsilbing ugat ng pagpaparangal ng mga Apostol, at ito rin ang pinakaugat ng ating pananampalataya bilang mga Kristiyanong Katoliko. Sa kabila ng ating mga kahinaan sa buhay, nawa’y palagi nating alalahanin na mahal tayo ng Diyos, at patuloy tayo sa pagtutupad ng ating misyon dito sa lupa upang mas makilala ang Paghahari ng Diyos sa bawat isa.

-Reynald Perez
from: awitatpapuri.com

TIGNAN | Ang kaganapan ng Parish General Assembly 2026 na pinangunahan ng ating papalabas na Kura Paroko, Rev. Fr. John ...
21/05/2026

TIGNAN | Ang kaganapan ng Parish General Assembly 2026 na pinangunahan ng ating papalabas na Kura Paroko, Rev. Fr. John Nathan Ma. Maagma, OFMConv. at ang bagong talagang Kura Paroko, Rev. Fr. Dominic Ma. Lim, OFMConv. Ito ay tanda ng opisyal na pagtuturn over sa bagong pamumuno ng ating Parokya at sa pagkilala sa bagong kura paroko.

IKA-21 NG MAYO, 2026 || HUWEBES SA IKA-7 LINGGO NG PASKO NG MULING PAGKABUHAYUNANG PAGBASA [Mga Gawa 22, 30; 23, 6-11]No...
20/05/2026

IKA-21 NG MAYO, 2026 || HUWEBES SA IKA-7 LINGGO NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY

UNANG PAGBASA [Mga Gawa 22, 30; 23, 6-11]
Noong mga araw na iyon, ibig matiyak ng pinuno kung ano nga ang sakdal ng mga Judio laban kay Pablo, kaya’t pinagpulong niya kinabukasan ang mga punong saserdote at ang buong Sanedrin, saka kinalagan si Pablo, ipinanaog at iniharap sa kanila.

Alam ni Pablo na doo’y may mga Saduseo at Pariseo, kaya’t sinabi niya nang malakas, “Mga kapatid, ako’y Pariseo, anak ng mga Pariseo. Dahil sa pag-asa kong muling mabubuhay ang mga patay ako’y nililitis ngayon.” Matapos itong sabihin ni Pablo, nagtalu-talo ang mga Pariseo at ang mga Saduseo, at nahati ang kapulungan. Sapagkat ang sabi ng mga Saduseo, hindi muling mabubuhay ang mga patay at walang anghel o espiritu, subalit ang mga Pariseo nama’y naniniwala sa lahat ng ito. At lumakas ang kanilang sigawan. Tumindig ang ilan sa mga eskribang kapanig ng mga Pariseo at malakas na tumutol. “Wala kaming makitang pagkakasala ng taong ito. Ano kung may isang espiritu o isang anghel na nagsalita sa kanya?”

At nang maging mainitan na ang kanilang pagtatalo, natakot ang pinuno na baka lurayin nila si Pablo, kaya’t pinapanaog niya ang mga kawal, ipinakuha si Pablo at ipinapasok sa kuta.

Kinagabihan, tumayo ang Panginoon sa tabi ni Pablo at sinabi sa kanya, “Lakasan mo ang iyong loob! Nagpatotoo ka tungkol sa akin dito sa Jerusalem; ganyan din ang gawin mo sa Roma.”

SALMO RESPONSORYO [Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10. 11]
[D’yos ko, ang aking dalangi’y ako’y iyong tangkilikin.]
O Diyos, ako’y ingatan mo, ingatan ang iyong lingkod,
ang hangad ko ay maligtas kaya sa ‘yo dumudulog;
“Ika’y aking Panginoon,” ang wika ko sa aking Diyos,
“Kabutihang tinanggap ko, ay ikaw ang nagkaloob.”
Ikaw lamang, O P**n ko, ang lahat sa aking buhay,
ako’y iyong tinutugon sa lahat kong kailangan.

Pinupuri ko ang P**n na sa akin ay patnubay.
Kahit gabi diwa niya ang sa aki’y umaakay.
Nababatid ko na siya’y kasama ko oras-oras.
Sa piling n’ya kailanma’y hindi ako matitinag.

Kaya’t ako’y nagdiriwang, ang diwa ko’y nagagalak.
Ang lagi kong nadarama’y hindi ako matitinag.
Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay malagak,
sa balon ng mga patay upang doon ay maagnas.

Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan,
sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan;
Ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.

MABUTING BALITA [Juan 17, 20-26]
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, tumingala si Hesus at nanalangin, “Amang banal, hindi lamang ang aking mga alagad ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag. Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako’y nasa iyo, gayun din naman, maging isa sila sa atin upang maniwala ang sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin. Ang karangalang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila’y ganap na maging isa, gaya nating iisa: ako’y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa. At sa gayun, makikilala ng sanlibutan na sinugo mo ako, at sila’y iniibig mo katulad ng pag-ibig mo sa akin.”

“Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay mo sa akin, upang mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha ang sanlibutan. Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa, upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso nila at ako nama’y sumakanila.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PAGNINILAY:
Kung ating babalikan ang Ebanghelyo ngayon, ang pinakamagandang pahayag dito ni Hesus ay “Maging ISA nawa silang lahat” (Juan 17:21). Itong pahayag ang naging inspirasyon sa pagsulat ni Papa San Juan Pablo II sa kanyang ensiklikal na pinamagatang “Ut Unum Sint,” na ang layunin ay magkaisa ang lahat ng mga Kristiyano. Kaya pala ang taong 2020 ay itinalaga ng ating lokal na Simbahan bilang “Taon ng Ekumenismo, Diyalogo sa iba’t ibang Relihiyon, at Katutubong Mamamayan”. Tuwing ika-18 hanggang ika-25 ng Enero, itinalaga ng buong Simbahang Katolika bilang Linggo ng Panalangin para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano. At sa buong Simbahan din, patuloy ang mga gawain upang isulong ang kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng lahat ng mga Kristiyano at iba pang kasapi ng ibang relihiyon. Ngunit kailangan nating iklaro ang ang layunin ito ay hindi upang mawalay sa katotohanang ang ating Simbahan ay ang tunay na itinatag si Hesukristo. Kundi ang nais nating gawin ay makipag-usap at makipag-ugnayan sa mga kapatid nating humiwalay sa Deposito ng Pananampalataya. Kahit mahirap ipanumbalik sila pauwiin sa pagiging Katoliko, ang dapat nating bigyang pansin ngayon ay ang pagkakaroon ng maayos ng relasyon sa kanila.

Sa kabila ng pagkakaiba ng mga paniniwala at tradisyon ng bawat denominasyon, mahalaga na ipakita natin bilang mga tunay na Katoliko sa ating mga kapatid ang pagkakilanlan ng Kristiyanismo: ang pag-ibig. At kung babalikan natin ang Ebanghelyo, ito yung panalangin ni Hesus sa Ama nating Diyos na tayo’y magkaisa upang tayo’y kanyang ingatan hanggang makamit natin ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan. Bukod pa rito, ang paanalangin din ni Hesus ay ang pagkakilala ng buong sanlibutan sa Ama nating Diyos, katulad ng pagkilala niya sa Ama. Kaya ito ay hamon sa atin bilang mga Kristiyanong Katoliko, na sa ating pakikipag-isa sa ating kapwang Kristiyano, pa’no pa kaya ang ating pakikipagtungo sa ibang tao na may ibang paniniwala at relihiyon?

-Reynald Perez
from: awitatpapuri.com

IKA-20 NG MAYO, 2026 || MIYERKULES SA IKA-7 LINGGO NG PASKO NG MULING PAGKABUHAYUNANG PAGBASA [Mga Gawa 20, 28-38]Noong ...
19/05/2026

IKA-20 NG MAYO, 2026 || MIYERKULES SA IKA-7 LINGGO NG PASKO NG MULING PAGKABUHAY

UNANG PAGBASA [Mga Gawa 20, 28-38]
Noong mga araw na iyon, sinabi ni Pablo sa matatanda ng simbahan ng Efeso: “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng kabilang sa kawan, sapagkat inilagay sila ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang simbahan ng Diyos, na kanyang tinubos sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang sariling Anak. Alam kong pagkaalis ko’y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad na sisilain ang kawan. Mula na rin sa inyo’y lilitaw ang mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mapasunod ang mga alagad, at sa gayo’y mailigaw sila. Kaya’t mag-ingat kayo, at alalahanin ninyong tinuruan ko kayo gabi’t araw sa loob ng tatlong taon — at maraming luha ang pinuhunan ko.”

“At ngayo’y itinatagubilin ko kayo sa Diyos at sa kanyang salita na nagpapahayag ng kanyang kagandahang-loob. Siya ang makapagpapatibay sa inyo at makapagbibigay ng lahat ng pagpapalang inilaan niya sa lahat ng kanyang pinapaging-banal. Hindi ko hinangad ang pilak, ginto o pananamit ninuman. Alam ninyong nagbanat ako ng buto upang kumita ng ikabubuhay naming magkakasama. Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagpapagal ay dapat ninyong tulungan ang mahihirap. Alalahanin ang mga salita ng Panginoong Hesus: ‘Higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap.’”

Pagkasabi nito, lumuhod si Pablo at nanalanging kasama nila. Silang lahat ay umiiyak at hinagkan si Pablo. Labis nilang ikinalungkot ang kanyang sinabing siya’y hindi na nila makikita uli. At siya’y inihatid nila sa barko.

SALMO RESPONSORYO [Salmo 67, 29-30. 33-35a. 35b-36k]
[Tanang mga kaharian, ang P**ng D’yos ay awitan.]
Sana’y iyong ipadama ang taglay mong kalakasan,
ang lakas na ginamit mo noong kami’y isanggalang.
Magmula sa Jerusalem, sa iyong tahanang templo,
na pati ang mga hari doo’y naghahandog sa iyo.

Umawit sa Panginoon ang lahat ng kaharian,
awitan ang pagpupuri’t ang P**n ay papurihan!
Purihin ang naglalakbay sa matandang kalangitan;
mula roo’y maririnig ang malakas niyang sigaw!

Ipahayag ng balana ang taglay na kalakasan,
siya’y hari ng Israel, maghahari siyang tunay;
‘yang taglay niyang lakas ay buhat sa kalangitan.
Kahanga-hanga ang Diyos sa santwaryo niyang banal,
siya ang Diyos ng Israel na sa tana’y nagbibigay
ng kapangyariha’t lakas na kanilang kailangan.

MABUTING BALITA [Juan 17, 11b-19]
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, si Hesus ay tumingala sa langit, nanalangin at ang wika: “Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa, kung paanong tayo’y iisa. Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalang ibinigay mo sa akin. Inalagaan ko sila at ni isa’y walang napahamak, liban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang Kasulatan. Ngunit ngayon, ako’y papunta na sa iyo; at sinasabi ko ito habang ako’y nasa sanlibutan upang mapuspos sila ng aking kagalakan. Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita; at kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi na sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Hindi ko idinadalanging alisin mo sila sa sanlibutan, kundi iligtas mo sila sa Masama! Hindi sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo’y katotohanan. Kung paanong sinugo mo ako sa sanlibutan, gayun din naman, sinusugo ko sila sa sanlibutan. At alang-alang sa kanila’y itinalaga ko ang aking sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

PAGNINILAY:
Habang tayo’y lumalapit sa Dakilang Kapistahan ng Pentekostes, na siya namang katapusan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, ang tumatak na salita sa ating Ebanghelyo ngayon ay “pagtatalaga” (“consecration” sa Wikang Ingles”). Kadalasan naririnig natin ang salitang “pagtatalaga” o “consecration” sa mga gawain ng Simbahan. Sa mga panalangin, mayroong pagtatalagang ginaganap sa karangalan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at ng Kalinis-linisang Puso ni Maria. Sa Misa, itong tinatawag nating Konsagrasyon ay ang pinakamahalagang bahagi sa liturhiya, na kung saan ang tinapay at alak na itinataas ng Pari ay nagiging tunay na Katawan at Dugo ni Kristo [sacramental presence]. Kaya makikita natin ang kahalagahan ng pagtatalaga ay upang ilapit natin ang ating sarili patungo sa Diyos sa pamamagitan ng mga banal na misteryo na ipinagdiriwang ng Simbahan at sa pamamagitan din ng mga panalangin ng ating Inang si Maria.

Ang ating Ebanghelyo ay ang panalangin ni Hesus sa Ama para sa kanyang mga alagad. N’ung panahong iyon, malapit nang maihayag ang kaluwalhatian nito sa pamamagitan ng Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay ni Kristo. Kaya ipinapanalangin ni Hesus sa Diyos nawa’y ingatan ang kanyang mga hinirang at italaga sila sa katotohanang dala ng salita ng buhay. Tayo ay itinatalaga niya sa Ama upang mas mapalapit tayo sa Diyos na patuloy na nagmamahal sa atin. Kung paano sinusugo ng Diyos Ama ang Diyos Anak, ganun rin tayo isinusugo upang magbunga ng magagandang ani mula sa ating kabuhayan at pananampalataya. Ito yung misyon na kailangan nating tuparin bilang miyembro ng Sambayanan ng Diyos.

At ito rin ang paalala ni San Pablo sa mga namumuno sa Efeso na ingatan nila ang Simbahan ng Diyos na tinubos sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo. At ang Simbahang ito na kinabibilangan natin ay tunay ngang itinayo ni Hesus upang hindi manaig man ang anumang kapangyarihan ng kadiliman. At kahit may nais ang-angkin na ang kanyang relihiyon ay tunay, samantala ang iba ay mali, hindi pa rin matitinag ang pangako ng Diyos sa kanyang mga tunay na hinirang. Kung palagi natin siyang nakikilala sa pamamagitan ng pagninilay ng Salita at pagdalo sa Misa, nawa’y italaga natin ang ating mga puso’t isipan sa kanya upang manindigan tayo sa katotohanang patuloy niyang ipinapahayag sa atin.

-Reynald Perez
from: awitatpapuri.com

ARE YOU PASSIONATE ABOUT GRAPHIC DESIGNS, PHOTOGRAPHY, OR ANY MEDIA-RELATED EXPERIENCE? MAYBE GOD CALLS YOU TO SERVE IN ...
19/05/2026

ARE YOU PASSIONATE ABOUT GRAPHIC DESIGNS, PHOTOGRAPHY, OR ANY MEDIA-RELATED EXPERIENCE? MAYBE GOD CALLS YOU TO SERVE IN SOCCOMM!!!📸
We are recruiting for a new member of the SOCIAL COMMUNICATIONS AND MEDIA MINISTRY!🎥🔎
QUALIFICATIONS:
-Baptized Roman Catholic
-At least have received the First Communion and Confirmation
-At least 15 years old and above
-Willing to be trained/ to learn
-Willing to attend meetings and service schedules
-Always available in schedules
BE PART OF OUR SOCCOM TEAM AND JOIN US NOW!!!

ARE YOU PASSIONATE ABOUT GRAPHIC DESIGNS, PHOTOGRAPHY, OR ANY MEDIA-RELATED EXPERIENCE? MAYBE GOD CALLS YOU TO SERVE IN SOCCOMM!!!📸

We are recruiting for a new member of the SOCIAL COMMUNICATIONS AND MEDIA MINISTRY!🎥🔎

QUALIFICATIONS:
-Baptized Roman Catholic
-At least have received the First Communion and Confirmation
-At least 15 years old and above
-Willing to be trained/ to learn
-Willing to attend meetings and service schedules
-Always available in schedules

BE PART OF OUR TEAM AND JOIN US NOW!!!

You can PM us via Soccomm Page or look for Kuya Lord! See you mga kapatid!!!

Layout by: Rhian Gray

IKA-19 NG MAYO, 2026 || MARTES SA IKA-7 LINGGO SA PASKO NG MULING PAGKABUHAYUNANG PAGBASA [Mga Gawa 20, 17-27]Noong mga ...
18/05/2026

IKA-19 NG MAYO, 2026 || MARTES SA IKA-7 LINGGO SA PASKO NG MULING PAGKABUHAY

UNANG PAGBASA [Mga Gawa 20, 17-27]
Noong mga araw na iyon, mula sa Mileto, si Pablo’y nagpasugo sa Efeso at ipinatawag ang matatanda sa simbahan roon. Pagdating nila ay kanyang sinabi:

“Nalalaman ninyo kung paano ko ginugol ang buong panahong ipinamalagi ko sa inyo, mula nang unang araw na ako’y tumuntong sa Asia. Buong pagpapakumbaba akong naglingkod sa Panginoon at lumuluhang nagtiis ng maraming pagsubok dahil sa mga pagtatangka ng mga Judio. Hindi ako nangiming magsabi sa inyo ng anumang ikabubuti ninyo sa aking pagtuturo at pangangaral sa inyo, maging sa hayagan at sa bahay-bahay. Ipinangaral ko maging sa mga Judio at sa mga Griego na dapat nilang talikdan ang kanilang kasalanan at manumbalik sa Diyos, at manalig sa ating Panginoong Hesukristo. Ngayon sa utos ng Espiritu, ako’y pupunta sa Jerusalem, at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon. Ito lamang ang aking alam: sa bawat bayang dinalaw ko, ipinahayag sa akin ng Espiritu Santo na ang naghihintay sa akin doo’y pagkabilanggo at kapighatian. Subalit walang halaga sa akin ang aking buhay, maganap ko lamang ang aking tungkulin at matapos ang gawaing ibinigay sa akin ng Panginoong Hesus — ang pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos.”

“Nakisalamuha ako sa inyo samantalang nangangaral ako tungkol sa paghahari ng Diyos. Ngayon, alam kong hindi na ninyo ako makikitang muli. Kaya’t sa araw na ito’y sinasabi ko: hindi ako ang mananagot kung mapahamak ang sinuman sa inyo. Sapagkat ipinahayag ko ang lahat ng nilalayon ng Diyos para sa inyo; wala akong inilingid na anuman.”

SALMO RESPONSORYO [Salmo 67, 10-11. 20-21]
[Tanang mga kaharian, ang P**ng D’yos ay awitan.]
Dahil sa ’yo, yaong ulang masagana ay pumatak,
lupain mong natuyo na’y nanariwa at umunlad.
At doon mo pinatira yaong iyong mga lingkod,
ang mahirap nilang buhay sa biyaya ay pinuspos.

Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas
at may dala araw-araw, ng pasanin nating hawak.
Ang ating Diyos ay isang Diyos na ang gawa ay magligtas,
ang Diyos ang Panginoon, Panginoon nating lahat!
Sa bingit ng kamataya’y hinahango tayo agad.

MABUTING BALITA [Juan 17, 1-11a]
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, tumingala si Hesus sa langit at ang wika, “Ama, dumating na ang oras: parangalan mo ang iyong Anak upang maparangalan ka naman niya. Sapagkat pinagkalooban mo siya ng kapangyarihan sa sangkatauhan, upang magbigay ng buhay na walang hanggang sa lahat ng ibinigay mo sa kanya. Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at si Hesukristo na iyong sinugo. Inihayag ko rito sa lupa ang iyong karangalan; natapos ko na ang ipinagagawa mo sa akin. Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang karangalang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang sanlibutan.”

“Ipinakilala kita sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan. Sila’y iyo; ibinigay mo sila sa akin, at tinupad nila ang iyong salita. Ngayo’y alam na nilang mula sa iyo ang lahat ng ibinigay mo sa akin; sapagkat itinuro ko sa kanila ang lahat ng aking nabatid sa iyo at tinanggap naman nila. Natitiyak nilang ako’y galing sa iyo, at naniniwala silang ikaw nga ang nagsugo sa akin.”

“Idinadalangin ko sila, hindi ang sanlibutan kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila’y iyo. Ang lahat ng sa akin ay iyo, at ang lahat ng iyo ay akin; at pararangalan ako sa pamamagitan nila. At ngayon, ako’y pupunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PAGNINILAY:
Malapit na tayo sa wakas ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon. Matapos ang Dakilang Kapistahan ng kanyang Pag-akyat, ipagdiwang naman natin nitong darating na Linggo ang Dakilang Kapistahan ng Linggo ng Pentekostes.

Makikita natin sa Ebanghelyo ang wakas ng mga diskurso ni Hesus sa Huling Hapunan nang ipanalangin niya ang kanyang mga alagad. Alam ni Hesus ang mangyayari sa kanya bago pa man siya’y bumalik patungo sa Ama. Kaya ang panalangin niya ay ingatan nawa ng Diyos ang kanyang mga hinirang na hindi sila’y maligaw sa ibang landas. Hindi ipinalangin ni Hesus ang “mundo” na ang kahulugan nito ay ang mga makamundong bagay na nakakaabala sa ating pagtuon sa mga bagay na makalangit. Kaya sa pagsapit ng kanyang Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus, nais na mapangaralan ang kanyang Pangalan sa hantungan ng kanyang Muling Pagkabuhay.

Kaya makikita natin sa panalangin ni Kristo ang katatagan ng mga alagad na ituloy ang misyon na sinimulan niya kahit siya’y nasa langit niya. Ito ang ipinakita ni San Pablo sa Unang Pagbasa nang sabihin niya sa mga taga-Efeso na pumuspos sa kanila ang Espiritu Santo. Handa na si San Pablo na harapin ang kanyang mga kaaway sa Jerusalem na may maitim na balak laban sa kanya, sapagkat siya’y patuloy na tatayo bilang isang mabuting saksi para kay Kristo. Nawa tayo rin ay maging mga mabuting saksi ng Panginoon sa oras ng kagipitan at pagsubok sa buhay.

-Reynald Perez
from: awitatpapuri.com

Address

Marytown Circle Greenfields I Novaliches
Quezon City
1124

Telephone

+639399840876

Website

http://web.facebook.com/frajohnn.mags

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kolbe Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Kolbe Parish:

Share