02/02/2021
February 2, 2021
Mark 2:14-17 ESV
And as he (Jesus) passed by, he saw Levi the son of Alphaeus sitting at the tax booth, and he said to him, “Follow me.” And he rose and followed him. And as he reclined at table in his house, many tax collectors and sinners were reclining with Jesus and his disciples, for there were many who followed him. And the scribes of the Pharisees, when they saw that he was eating with sinners and tax collectors, said to his disciples, “Why does he eat with tax collectors and sinners?” And when Jesus heard it, he said to them, “Those who are well have no need of a physician, but those who are sick. I came not to call the righteous, but sinners.
Mapapansin natin dito na si Levi (Matthew) hindi nagdalawang isip na sumunod kay Jesus, na isip ko dito base sa sitwasyon nila noon, alam ng mga tax collector na ang tingin agad ng maraming tao sa kanila ay magnanakaw, at katulad ni (Zaccheo tax collector na alam nila sa sarili nila makasalanan sila. *nasa ibang ikwento siya ng Bible.) At sa panahon nila noon sa ilalim ng law sa pangagalaga ng Pariseo at scriba, ang mga katulad nila ay iniiwasan sapagkat para sa kanila noon ang makisalo sa tulad nila ay magkakasala din sa spiritual, kung kaya hindi din sila yung taong binabati sa daan, malalaman din natin yan sa sinabi ni Jesus na ang mga Pariseo ay nagpupurihan lang sa isa't-isa. Bilang isang tax collector alam mo makasalanan ka at yun din ang tingin sayo, tapos makikita mo na si Jesus ang tatawag sayo para sumunod sa Kanya. Dito sure ako na hindi pa nila alam na si Jesus ang Messiah ang alam ng marami Siya ay teacher, rabbi, man of God, tapos maririnig niya na si Jesus ang tumawag sa kanya hindi yun ginagawa ng Pariseo at scriba na bihasa at tagapagturo ng salita at law sa panahon na yun. Pero ang magandang nakita ko sa mga tulad ni Levi at Zaccheo hindi sila bulag sa kung ano sila, nakakalungkot sa panahon na yun na ang scriba at Pariseo ang bulag sa kasalanan nila.
Sa atin naway katulad kay Christ nakisalo Siya sa mga kasalanan subalit ni isang beses hindi Siya nagkasala, humarap Siya sa table sabi dito with sinners and tax collectors, para iparating sa kanila ang tungkol sa Kingdom of God. Nong mapuna si Jesus at ang mga alagad Niya ng mga Pariseo at scriba, dahil sa pakikipagsalo nila, sinabi Ni Jesus na "ang walang sakit ay hindi na kailangan ng mangagamot kundi yaong may sakit, hindi Ako naparito para sa mga matutuwid, kundi sa mga makasalanan." ,kung sana naunawaan ito ng mga Pariseo at scriba malalaman sana nila na walang matuwid kahit isa, at wala ding naging matuwid sa pagsunod lang sa kautusan tulad sa pinanghahawakan ng scriba at Pariseo at lahat tayo ay may matinding sakit at kailangan natin si Cristo, kasalanan ang matinding virus na sakit natin, matinding problema, at Si Jesus ang lunas para sa atin, Siya ay perpekto walang bahid ng kahit anong dumi o reject na alay para sa kasalanan natin. Ang masaklap alam niyo, si satan lang ang tumatawag sa tao sa kasalanang nagawa niya, at ganon din ang ginagawa ng mga may hawak ng kautusan noon, subalit hindi naman lahat may mababasa pa rin tayong mabubuti sa kanila.
Katulad kay Levi (Zaccheo wala sa passage na ito) nong maramdaman nila na welcome sila kay Jesus nagkakaroon talaga ng salo-salo at sure ako masaya sila non, sana bilang Christian, yes iba tayo sa unbeliever pero maalala sana lagi natin na katulad nila noon kailangan din nila marinig ang tungkol sa kaharian ng Diyos at wag tayo maging tulad sa Pariseo at scriba na sinasaliksik ang salita ng Diyos subalit, walang pag-ibig sa paligid, wag natin iparamdam na parang wala na talaga silang lugar sa Diyos at dahil sa biyaya din ng Diyos kaya tayo ay tinawag at, maging Christlike sapagkat nandito Siya sa mundo noon pero kaharian ng Diyos ang iniisip Niya bagamat Siya ay nakikisalamuha sa mga makasalanan hindi Siya nagkasala. Tanging Diyos lang ang nakakaalam sa kasalanan natin, pero hindi Niya tayo tinawag sa kasalanang nagawa natin, at Siya pa ang kumilos para anyayahan Niya tayo makisalo sa Kanya balang araw. Si Levi walang binanggit dito kung may magandang bagay ba siyang ginawa para maging qualified kay God, pero dito nagsimula para magamit din siya ng Diyos.