13/09/2026
“Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito.” — Mateo 18:22
Sa bawat awit na aming iniaalay, hindi lamang tinig ang aming pinagbubuklod, kundi mga pusong tinuturuan ding magpatawad, umunawa, at magmahal. ❤️
Bilang mga lingkod sa pag-awit. Hindi kami mga perpektong tao. May mga pagkakataong nagkakamali, nagkakasamaan ng loob, napapagod, at nasasaktan. Ngunit ipinapaalala sa atin ng Panginoon na kung paanong paulit-ulit Niya tayong pinatatawad, ganoon din dapat nating matutuhang patawarin ang isa’t isa.
Ang tunay na paglilingkod ay hindi lamang nasusukat sa ganda ng aming harmonya, kundi sa pagkakaisa ng aming mga puso. Sapagkat mahirap umawit ng papuri sa Diyos kung ang puso naman ay puno ng sama ng loob.
Nawa’y sa bawat himig na ating inaawit, maging paalala kami na ang isang pusong marunong magpatawad ay pusong tunay na marunong magmahal. At sa bawat paglilingkod, nawa’y maging instrumento tayo ng kapayapaan, pagkakaisa, at awa ng Diyos.
Kami ang Octa Virtus De Maria Chorale — mga tinig na naglilingkod, pusong natutong magpatawad, at buhay na iniaalay para sa kaluwalhatian ng Diyos.
“Hindi sapat na tayo ay pinatawad; tinatawag din tayong magpatawad.” ❤️