SFC Lucena - Kapisanan ng Mahal na Birhen Dolorosa

SFC Lucena - Kapisanan ng Mahal na Birhen Dolorosa Itinatag ang Kapisanan ng Mahal na Birhen Dolorosa ng Lucena sa panahon ng panunungkulan ni +Mons. Pedro Baldovino.

Layunin ng kapisanan at ng pahinang ito na ipalaganap ang debosyon sa mga hapis ng Mahal na Birhen Dolorosa

13/04/2026

Ang Maringal na Pagpasok ng Ina ng Awa at ang Sambayanang Pag-awit ng Salve Regina

31/03/2026

Ang Pagbabalik ng Turumba sa Simbahan. Sa Birhen!

28/03/2026

VIERNES DE DOLORES 2026. SA BIRHEN!

28/03/2026

Turumba de Lucena 2026. Sa Birhen!

Ang Ina ng Awa ng Angono, Rizal
27/03/2026

Ang Ina ng Awa ng Angono, Rizal

BAKIT TINATAWAG NA "INA NG AWA" ANG MAHAL NA BIRHEN DOLOROSA?Marahil ay ipinagtataka ng mga nakababasa kung bakit tinata...
27/03/2026

BAKIT TINATAWAG NA "INA NG AWA" ANG MAHAL NA BIRHEN DOLOROSA?

Marahil ay ipinagtataka ng mga nakababasa kung bakit tinatawag na "Ina ng Awa" ang imahen ng Mahal na Birhen Dolorosa. Kung ang Birheng Nagdadalamhati ay "Our Lady of Sorrows", bakit "Ina ng Awa" at hindi "Ina ng Hapis?"

Dito sa Pilipinas, may ilang mga bayan pa rin na nakasanayang tawaging "Ina ng Awa" ang Mahal na Birhen Dolorosa, partikular sa mga probinsya ng Laguna at Rizal. Halimbawa na lamang sa bayan ng Sta. Cruz sa Laguna, may isang "dambana" na nakatalaga sa Ina ng Awa na matatagpuan sa poblacion. Ito ay dinarayo ng mga deboto sapagkat marami diumanong mga himala at pagpapala ang kanilang natatanggap sa pamamagitan ng Mahal na Birhen Dolorosa, ang Ina ng Awa. Maging ang mga kapatid nating Aglipay sa ilang lugar sa Laguna ay nananatiling Ina ng Awa ang tawag sa kaniya, ang iba nama'y tumatawag sa kanya ng "Lelang". Sa bayan naman ng Lumban, bukod sa Ina ng Awa, kilala din ang Mahal na Birhen Dolorosa sa tawag na "Anda Via". Napanatili rin sa bayan ng Siniloan, Famy at Pakil ang katawagang Ina ng Awa na iniuukol sa Mahal na Birhen Dolorosa. Sa probinsya naman ng Rizal, partikular sa bayan ng Angono, nananatiling Ina ng Awa ang tawag nila sa Mahal na Birhen Dolorosa. Ngunit saan nga ba nag-ugat ang pagtawag ng Ina ng Awa sa imahen ng Mahal na Birhen Dolorosa?

Kung babalikan ang kasaysayan, ang pistang ito alay sa Mahal na Birhen ng Hapis ay lumago noong ika-11 hanggang ika-12 siglo, partikular na sa mga Benedictine Monks. Sa pagsapit ng ika-14 hanggang ika-15 siglo, ito ay patuloy na lumaganap at ipinagdiwang na sa buong Simbahan.

Noong 1482, ang kapistahang ito ay isinama sa Roman Missal sa ilalim ng taguring "Our Lady of Compassion" na sa literal na pagsasalin sa wikang Tagalog ay nangangahulugang "Mahal na Birhen ng Pagkahabag o Pagkaawa", na siyang pinagmulan ng taguring "Ina ng Awa". Binibigyang-diin nito ang labis na pagmamahal ng ating Mahal na Ina at ang kanyang pakikiisa sa pagpapakasakit ng kanyang Bugtong na Anak. Ang salitang "compassion" ay hango mula sa salitang Latin na "cum" at "patior" na nangangahulugang "to suffer with" o "makiisa sa pagpapakasakit". Noong 1727, itinakda ni Papa Benedicto XIII ang kapistahang ito sa kalendaryo ng Simbahan tuwing Biyernes bago ang Linggo ng Palaspas na siyang ipinagdiriwang natin ngayon, ang Viernes de Dolores. Ang pagdiriwang na ito ay inalis noong magkaroon ng mga pagbabago sa Roman Missal noong 1969, ngunit maraming bayan ang magpahanggang-ngayon ay nanatili at nagpatuloy sa pagdiriwang ng Viernes de Dolores.

Noong 1668, ang kapistahan ng Mahal na Birhen Dolorosa ay itinakda tuwing araw ng Linggo matapos ang Setyembre 14. Idinagdag ito sa kalendaryo ng Simbahan noong 1814, at ito ay permanente nang itinakda ni Papa Pio X upang ipagdiwang tuwing Setyembre 15 ng bawat taon sa taguring Mahal na Birhen Dolorosa (Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati sa Misal)

Ang pagdiriwang naman ng Viernes de Dolores sa Katedral ni San Fernando ay napasimulan noong taong 2021 sa pangunguna ng Pamilya Parga. Sa kapahintulutan at pagsang-ayon ng dating pangulo ng Kapisanan, +Gng. Timotea Muñoz, ay nakapagsagawa ng siyam na araw na pagpaparangal at nobena sa karangalan ng Mahal na Birheng Dolorosa. Sa taon ding ito unang nasilayan ang bagong imahen na nasa pangangalaga ng pamilya na siyang pararangalan at ipagpipista tuwing Viernes de Dolores. Payak lamang ang mga naging pagdiriwang noon dahil sa restriksyon ng COVID-19. Kalaunan, ang pagsisiyam at pagpipista tuwing Viernes de Dolores ay naging bahagi na rin ng mga aktibidad ng samahan.

Noon namang taong 2020, nakatakda na sanang isagawa ang kauna-unahang Turumba de Lucena na bunga ng naging pagdalaw ng Pilgrim Image ng Mahal na Birhen mula sa Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen Dolorosa sa Dolores, Quezon noong 2019 para sa isasagawang Canonical Coronation noong 2020 ngunit ito naantala at hindi nagkaroon ng katuparan dahil sa pandemya. Naisakatuparan at naganap ang kauna-unahang Turumba de Lucena noong Marso 31, 2023, Viernes de Dolores, na nagpatuloy na hanggang sa kasalukuyan.

Taun-taon ay patuloy pang nadaragdagan ang mga taong sumasama sa nasabing pagdiriwang. Isinasagawa rin ang Turumba tuwing ika-15 ng Setyembre.

SANGGUNIAN:
The Feast of Our Lady of Sorrows, Fr. William Saunders, https://catholiceducation.org/en/culture/the-feast-of-our-lady-of-sorrows.html

(Isinulat, sinaliksik at isinalin sa wikang Filipino ni Bro. Jhelo Parga)

26/03/2026

PAGBASA
Marso 27, 2026
Paggunita sa Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati

UNANG PAGBASA
Jeremias 20, 10-13

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Naririnig kong nagbubulungan ang karamihan.
Tinagurian nila akong “Kilabot saanman.”
Sinasabi nila, “Isuplong natin! Isuplong natin!”
Pati matatalik kong kaibiga’y naghahangad ng aking kapahamakan.
Wika pa nila, “Marahil ay malilinlang natin siya;
pagkatapos, dakpin natin at paghigantihan.”
Subalit ikaw’y nasa panig ko, Panginoon, malakas ka’t makapangyarihan;
Madarapa ang lahat ng umuusig sa akin, hindi sila magtatagumpay kailanman.
Mapapahiya sila sapagkat hindi sila magwawagi.
Mapapahiya sila habang panahon, at ito’y hindi na makakalimutan.
Makatarungan ka kung sumubok sa mga tao,
Panginoon, Diyos na Makapangyarihan,
alam mo ang laman ng kanilang mga puso’t isip.
Kaya’t ikaw ang maghiganti sa mga kaaway ko, ipinagkakatiwala ko sa mga kamay mo ang aking kapakanan.
Awitan ninyo ang Panginoon, inyong purihin ang Panginoon
sapagkat inililigtas niya ang mga api mula sa kamay ng mga gumagawa ng masama.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 7

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

O Panginoon kong aking kalakasan,
minamahal kita nang tunay na tunay.
Panginoo’y batong hindi matitibag,
matibay kong muog at Tagapagligtas.

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

D’yos ko ang sa akin ay s’yang nag-iingat,
Tagapagtanggol ko at aking kalasag.
Sa ‘yo, Panginoon, ako’y tumatawag,
sa mga kaaway ako’y ‘yong iligtas.

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

Gapos ako ng tali ng kamatayan;
siniklot ng alon ng kapahamakan.
Nabibingit ako sa kamatayan,
nakaumang na sa labi ng libingan.

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

Kaya’t ang P**n ay tinawag ko;
sa aking kahirapan, humingi ng saklolo.
Mula sa templo n’ya, tinig ko’y narinig,
umabot sa kanya ang aking paghibik.

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Juan 6, 63k. 68k

Salita mo, Kristong mahal,
Espiritung bumubuhay,
nagtuturo’t umaakay
sa nagnanais makamtan
ang langit na walang hanggan.

MABUTING BALITA
Juan 10, 31-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, ang mga Judio’y kumuha ng bato upang batuhin si Hesus. Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus:

“Maraming mabubuting gawa mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin ba sa mga ito ang dahilan at ako’y inyong babatuhin?” Sinagot siya ng mga Judio, “Hindi dahil sa mabuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos! Sapagkat nagpapanggap kang Diyos gayong tao ka lang.” Tumugon si Hesus, “Hindi ba nasusulat sa inyong Kautusan, ‘Sinabi ko, Mga diyos kayo?’ Mga diyos ang tawag ng Kautusan sa mga pinagkatiwalaan ng salita ng Diyos, at hindi maaaring tanggihan ang sinasabi ng Kasulatan. Ako’y hinirang at sinugo ng Ama; paano ninyong masasabi ngayon na nilalapastangan ko ang Diyos sa sinabi kong ako ang Anak ng Diyos? Kung hindi ko ginagawa ang mga ipinagagawa ng aking Ama, huwag ninyo akong paniwalaan. Ngunit kung ginagawa ko iyon, paniwalaan ninyo ang aking mga gawa, kung ayaw man ninyo akong paniwalaan. Sa gayun, matitiyak ninyong nasa akin ang Ama at ako’y nasa kanya.”

Tinangka na naman nilang dakpin siya, ngunit siya’y nakatalilis. Muling pumunta si Hesus sa ibayo ng Jordan, sa pook na noong una’y pinagbibinyagan ni Juan. Nanatili siya roon, at maraming lumapit sa kanya. Sinabi nila, “Si Juan ay walang ginawang kababalaghan, ngunit totoong lahat ang sinabi niya tungkol sa taong ito.” At doo’y maraming sumampalataya kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

TINGNAN | Nakahanda na ang imahen ng Mahal na Birhen Dolorosa, ang Ina ng Awa, para sa ika-6 na Taong Pagdiriwang ng Vie...
26/03/2026

TINGNAN | Nakahanda na ang imahen ng Mahal na Birhen Dolorosa, ang Ina ng Awa, para sa ika-6 na Taong Pagdiriwang ng Viernes de Dolores bukas.

Ang lahat ay inaanyayahang dumalo sa isasagawang Friday Devotion sa ganap na ika-4:00 ng hapon na susundan ng Banal na Misa. Matapos ito ay isasagawa ang Turumba de Lucena na babagtas sa piling mga lansangan ng ating lungsod.

Ang lahat ng dadalo ay iminumungkahing magsuot ng kulay lila o violet na kasuotan.

Sa Birhen!

TINGNAN | Ikasiyam na Araw ng Pagsisiyam sa karangalan ng Mahal na Birhen DolorosaTagapamuno: Bro. Daniel de OcampoMarch...
26/03/2026

TINGNAN | Ikasiyam na Araw ng Pagsisiyam sa karangalan ng Mahal na Birhen Dolorosa
Tagapamuno: Bro. Daniel de Ocampo
March 26, 2026

Address

Quezon Avenue, Brgy. 5
Poblacion
4301

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SFC Lucena - Kapisanan ng Mahal na Birhen Dolorosa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share