Bayugan Da'wah and Learning Islam

Bayugan Da'wah and Learning Islam Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bayugan Da'wah and Learning Islam, Religious Center, Purok 14 Molave Street Poblacion, Poblacion.

14/11/2022
14/11/2022

Isa sa pinakaunang dapat pagtuonan ng pansin ng isang tao kapag pumasok siya sa Islam ay ang sundin kung ano ang paraan na inutos sa atin ng Diyos sa abot ng ating makakaya mula sa pakikitungo sa iba tungo sa pananamit at pagsamba. Sapagkat ang ibig sabihin ng katagang "Muslim" ay yaong sumusunod sa kalooban ng Diyos.

Patungkol po sa inyong "Personalidad" ito ay sadyang magbabago ng kanya tungo sa pinakamainam kung araw-araw po ninyong isasabuhay ang Islam sa abot ng inyong makakaya. Hindi naman po kinakailangan na agad-agad ay kailangan ninyong iwaksi o alisin lahat ng kailangang iwaksi o mga ipinagbawal pag pinasok niyo ang Islam dahil ito ay hindi talaga makakayanan ngunit maganda po iyon kung kaya ng isang tao at hindi siya mahihirapan.

Ngunit kung siya ay mahihirapan, ito po ay magdedepende na sa kanyang kakayanan, ito ay nasa pagitan niya at ng kanyang panginoon. Maaaring dahan-dahanin niya ang pagwaksi sa mga ito hanggat hindi na maging mahirap para sa kanya ang pagtakwil dito maliban sa usapin ng mga pagsamba. Kinakailangan niya itong isakatuparan kahit pa hindi niya ito maisagawa sa ganap nitong kaparaanan. Maari siyang tumingin sa mga babasahing gabay sa pagdarasal habang ito ay ginagawa at iba pa.

Paunawa, hindi maaaring habang buhay nalang tayo magiging isang "Bagong Muslim" na walang alam sa kanyang pananampalataya. Kaya't sikapin natin pag-aralan ang ating relihiyon at isabuhay. kapag ito ay inyong magawa, paunti-unti ay matatagpuan ninyo ang tunay na kaligayahan sa inyong sarili at ang pagkakakontento, sapagkat ang inyong kaluluwa ay mapapalapit sa kanyang tunay na tagapaglikha.

Send a message to learn more

14/11/2022

Isa sa kagandahan ng habag ni Allah na sinuman ang taos-pusong magbalik-loob sa pagsamba sa Kanya at iwanan ang pagtatambal o pagsamba sa diyus-diyosan ay patatawarin ni Allah ang lahat ng kaniyang na unang mga kasalanan at papalitan ito ng kabutihan. Sinabi pa ni Propeta Muhammad na ang mga taong taos-pusong nagbabalik-loob kay Allah ay buburahin ang kanilang mga naunang kasalanan at sila ay magmimistulang mga bagong silang na sanggol na walang bahid ng kasalanan.

Ito po ay panibagong yugto ng inyong buhay kasama ang tunay na tagapaglikha at siyang panibagong simula para sa inyo. Kaya naway pag-igihin ninyo ang inyong pagsasabuhay ng Islam.

Ngayong kayo ay Muslim na, nararapat na sikapin ninyong iwasan ang mga ipinagbabawal at sundin ang mga ipinag-uutos sa abot ng inyong makakaya. Kung hindi niyo man kayang agad-agaran ay dahan-dahanin niyo po. Hindi naman kinakailangang pagdusahin ninyo ang inyong sarili sa mga bagay na hindi niyo pa kaya. Kaya't dahan-dahan lang ngunit tuloy-tuloy. Sinabi ng Propeta Muhammad “Ang kaibig-ibig na gawain sa Allah ay yung paunti-unti ngunit tuloy-tuloy.“ Ito ay para sa ating kaligtasan sa kabilang buhay kaya pagsikapan natin. Naway patatagin kayo ng Allah sa pananampalatayang ito.

Ngayong napasok niyo na ang pintuan ng Islam, ang pinakaunang kinakailangan niyo pong gawin ay ang alamin kung ano ang napapaloob dito na mga aral at katuruan at ang isabuhay kung anuman ang inyong mapag-aralan. Maaari niyo pong matutunan ang mga basic at mahahalagang dapat malaman ng isang Muslim gaya ng pagdarasal at paglilinis bago isagawa ang pagsamba sa app na ito na nakasaad din sa wikang Filipino.

Send a message to learn more

Address

Purok 14 Molave Street Poblacion
Poblacion

Telephone

+639919505008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bayugan Da'wah and Learning Islam posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share