15/06/2024
"Ikaw ang tunay na Diyos
Hari ng mga hari
Tapat kailanman, di nagbabago Si Yahweh ang ating Diyos" πΉπ€πΆ
Papuri sa Panginoon para sa natapos na LCCC 2024 Youth Camp, na may temang "Praise Unleashed: Experiencing Joy in Worship" (2 Corinthians 1:3-4) noong ika-12 hanggang ika-14 ng Hunyo 2024, sa Pila, Laguna.
Tunay na Siya ay tapat kailanman at hindi nagbabago. Sa loob ng dalawang gabi, umaapaw na biyaya at pagpupuri ang nasaksihan. Sa Kan'ya ang pasasalamat!
Nais din magpasalamat ng LCCC sa lahat ng magulang ng mga kabataang nakilahok sa gawain. Gayon din sa mga kabataang mismo na nagbigay ng oras upang lumago sa gawain ng Panginoon.
Sa mga manggagawang tumulong at ginamit ng Panginoonβmga musikero, youth leaders, pastors, at mga miyembro ng simbahan na naglutoβmaraming salamat!
Sa mga nagbigay at nagpaabot ng donasyon, maraming salamat po. Dahil sa inyong kagandahang-loob at kabutihang-puso, maraming kabataan ang nakadalo, nakaranas ng kagalakan, at lumago sa pananampalataya. Ang inyong suporta ay nagdulot ng malaking biyaya at naging daan upang maging matagumpay ang gawaing ito.
Paalala sa ating mga kabataan, nawa'y alalahanin ninyo ang lahat ng inyong natutunan sa camp na ito. Huwag kalimutan ang mga aral at biyayang inyong natamo, at patuloy na ipamuhay ang mga ito sa inyong pang-araw-araw na buhay. Ang tunay na pagsamba ay hindi nagtatapos sa camp, kundi ito'y nagpapatuloy sa bawat hakbang at desisyon na inyong gagawin.
Nawa'y patuloy tayong gabayan at pagpalain ng Panginoon sa ating mga buhay at gawain. Hanggang sa susunod na Youth Camp, sama-sama muli tayong magpuri at magalak sa Kanyang pangalan. Maraming salamat at pagpalain tayong lahat ng ating tapat na Diyos!