04/10/2026
Yps Bible Study 😍
Messenger: sis Janice Saddul
Pagmamahal ba sa Diyos itong gagawin ko?
Matthew 22:37-38 (NIV)
Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind. This is the first and greatest commandment.
Andami nating choices.diba?
• Magpo-post ba ako ng ganito?
• Sasama ba ako sa lakad na ‘to?
• Manliligaw ba ako kahit alam kong hindi pa ito time ni Lord?
• Gagawa ba ako ng shortcut sa school/work?
Kaya bago magdesisyon, tanungin nating ang sarili:
Will this bring glory to God or just glory to myself?
Am I doing this because I love Him or because I want to please others?
Pagmamahal ba sa Diyos itong gagawin ko?
Sa FAMILY
Napapansin mong may hindi pagkakaunawaan sa bahay. May nasabi si mama/tatay na hindi mo nagustuhan. Gusto mo na lang sabayan ng sigaw o sabihan ng masasakit na salita.
Pagmamahal ba sa Diyos itong isasagot ko sa magulang ko?
Ang pagmamahal sa Diyos ay naipapakita sa paggalang at pagpapasensya sa pamilya, kahit minsan mahirap.
Ephesians 6:1-2
Children, obey your parents in the Lord, for this is right. 'Honor your father and mother' which is the first commandment with a promise.
Sa SCHOOL/ WORK
May chance kang manggaya sa project o magpasa ng hindi ikaw ang gumawa. Easy win. Walang makakahuli.
Pagmamahal ba sa Diyos itong gagawin ko para lang makalusot?
Integrity ang ina-honor ni Lord, hindi shortcuts.
May napansin kang unfair practice sa team — may isang coworker na palaging late pero tinatakpan ng isa pang teammate na close sa TL. Nakikita mo na naapektuhan ang ibang kasamahan at ang team performance, pero ayaw mong matawag na “sip-sip” o “pakialamero.”
Pagmamahal ba sa Diyos itong pananahimik ko, o pinoprotektahan ko lang ang sarili ko?
Makakatulong ba ito sa ikabubuti ng team, o magdadala ng lamat sa relasyon?
Ang pagmamahal sa Diyos ay hindi lang tahimik na panalangin — minsan, pagpapakatotoo rin ito sa tama kahit uncomfortable.
Proverbs 10:9
Whoever walks in integrity walks securely, but whoever takes crooked paths will be found out.
Sa MINISTRY / CHURCH
Napipilitan ka na lang mag-serve sa church, at parang ginagawa mo na lang ito para sa tao or para mapansin.
Pagmamahal ba sa Diyos ang nagmo-motivate sa service ko, o gusto ko lang ng appreciation?
God looks at the heart. Hindi Siya after sa performance kundi sa worship mo through service.
Colossians 3:23-24
Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters, since you know that you will receive an inheritance from the Lord as a reward. It is the Lord Christ you are serving.
Sa RELATIONSHIP
May nanliligaw o nililigawan ka na hindi believer, o alam mong hindi pa ito 'God's timing' pero gusto mo ng kilig.
Pagmamahal ba sa Diyos itong relasyon na pinapasok ko?
Kung ang relasyon ay maglalayo sa'yo kay Lord, then it’s not love — it’s distraction.
2 Corinthians 6:14
Do not be yoked together with unbelievers. For what do righteousness and wickedness have in common? Or what fellowship can light have with darkness?
Sa SOCIAL MEDIA
Nag-iisip kang mag-post ng content na medyo daring, sarcastic, or pa-trending, kahit alam mong hindi ito nagpapakita ng good testimony bilang Christian.
Pagmamahal ba sa Diyos itong post na ‘to?
Kung si Jesus ang unang makakakita ng feed mo, would you still post it?
1 Corinthians 10:31 (NIV)
So whether you eat or drink or whatever you do, do it all for the glory of God.
Ang pagmamahal kay Lord hindi lang sa salita, kundi sa bawat bahagi ng buhay natin — sa pamilya, trabaho, ministry, relasyon, at social media. Ang tunay na pagmamahal sa Diyos ay makikita sa mga desisyon at actions natin, pati na rin sa mga choices na ginagawa natin kahit walang nakakakita. Huwag tayong mag-settle sa mga madaling way o pa-trending na bagay. Ang goal natin ay magbigay kaluwalhatian kay Lord sa lahat ng ginagawa natin.
Mahal mo ba si Lord? Ipakita mo sa bawat galak, hamon, at mga pagkakataon na dumadaan sa buhay mo. Huwag matempt sa shortcuts, pakitang-tao, o mga bagay na maglalayo sa’yo kay Jesus. Kung tunay ang pagmamahal natin kay Lord, gagawin natin ang tama — hindi dahil sa tao, kundi para sa Kanya.