23/01/2026
UNA ANG PAPURI: Giving God the Glory Due His Name
Psalm 96:8â10 (ESV)
âAscribe to the LORD the glory due his name; bring an offering, and come into his courts!
Worship the LORD in the splendor of holiness; tremble before him, all the earth!
Say among the nations, âThe LORD reigns! Yes, the world is established; it shall never be moved; he will judge the peoples with equity.ââ
WORSHIP MUST COME FIRST
Ang pagsamba sa Diyos ay hindi opsyonal at hindi pangalawaâito ay una.
Sa buong Kasulatan, malinaw na ipinapakita ng Diyos na bago ang anumang gawain, tagumpay, o pagkilos, ang pagsamba ang inuuna. Hindi ito simpleng bahagi ng programa; ito ang pundasyon ng ugnayan ng tao sa Diyos.
1. Ezra at ang Muling Pagtatayo ng Templo â Papuri Bago Pa Man Mabuo
Sa Ezra 3:10â11, nang itinatag pa lamang ang pundasyon ng temploâwala pang bubong, wala pang pader, wala pang kompletong gusaliâuna na silang naghandog ng papuri:
âWhen the builders laid the foundation of the temple of the LORD, the priests stood in their apparel with trumpets, and the Levites⌠with cymbals, to praise the LORD⌠And they sang responsively, praising and giving thanks to the LORD: âFor He is good, for His mercy endures forever toward Israel.ââ
(Ezra 3:10â11, NKJV)
Hindi pa tapos ang gawain, ngunit buo na ang pagsamba.
Ito ang malinaw na prinsipyo: worship muna, kahit nasa simula pa lamang ang proseso.
2. Nehemiah â Dedikasyon na Nauwi sa Papuri, Hindi Pagmamayabang
Sa Nehemiah 12:27, matapos ang matinding pagsubok, panlalait, at banta ng kaaway, ang unang ginawa sa dedikasyon ng pader ay hindi selebrasyon ng tao kundi solemn worship:
âNow at the dedication of the wall of Jerusalem they sought out the Levites⌠to celebrate the dedication with gladness, both with thanksgivings and singing, with cymbals and stringed instruments and harps.â
(Nehemiah 12:27, NKJV)
Ang diin ng teksto ay malinaw: ang pagtatapos ng gawain ay isinuko muna sa Diyos sa pamamagitan ng pagsamba, hindi sa sariling galing o tagumpay.
3. Paul at Silas â Papuri sa Gitna ng Kadiliman, Bago ang Pagliligtas
Sa Acts 16:25â26, wala pang himala, wala pang lindol, wala pang kalayaanângunit may papuri na:
âBut at midnight Paul and Silas were praying and singing hymns to God⌠Suddenly there was a great earthquake, so that the foundations of the prison were shaken.â
(Acts 16:25â26, NKJV)
Malinaw ang daloy ng pangyayari:
Papuri â pagkilos ng Diyos â pagbabago ng sitwasyon.
Hindi nila hinintay ang bukas na pinto bago umawit.
Umawit sila kahit sarado pa ang pinto.
WORSHIP IS ABOUT GOD, NOT ABOUT US
âAscribe to the LORD the glory due His name.â
Ang pagsamba ay hindi nakasentro sa kakayahan, emosyon, o presentasyon ng tao. Ito ay nakatuon sa pagbibigay sa Diyos ng kaluwalhatiang nararapat lamang sa Kanya.
Hindi tayo sumasamba upang ipakita ang ating galing, kundi upang kilalanin kung sino ang Diyos.
Ang tamang tanong sa worship ay hindi âAno ang kaya ko?â kundi âAno ang karapat-dapat sa Diyos?â
WORSHIP MUST BE EXCELLENT BECAUSE GOD IS HOLY
âWorship the LORD in the splendor of His holiness.â
Dahil ang Diyos ay banal, ang pagsamba sa Kanya ay nararapat na may kahusayan, paghahanda, at paggalang. Ang excellence sa worship ay hindi para sa papuri ng tao kundi isang handog ng karangalan sa Diyos.
Ang excellence ay hindi nangangahulugang perpekto, kundi maingat, sinadya, at may pagpapahalaga sa kabanalan ng Diyos.
WORSHIP IN SPIRIT AND IN TRUTH
Sabi ni Hesus:
âThe true worshipers will worship the Father in spirit and in truth.â
Ang tunay na pagsamba ay hindi lamang panlabas na gawain. Ito ay nagmumula sa pusong buhay sa Espiritu at sa pamumuhay na nakaayon sa katotohanan ng Salita ng Diyos.
Ang worship na may anyo ngunit walang puso ay isang palabas lamang.
Ang worship na may damdamin ngunit walang katotohanan ay walang pundasyon at hindi kailan man makaka angkla sa trono T PRESENSYA ng Diyos.
Ang nais ng Diyos ay pagsambang buoâIN spirit and IN truth.
WORSHIP DECLARES THAT THE LORD REIGNS
Kapag tayoây sumasamba, tayoây nagpapahayag na ang Diyos ang naghahariâhindi ang sitwasyon, hindi ang kakulangan, at hindi ang kaguluhan sa mundo.
Ang Papuri ay napaka makapangyarihang pahayag ng pananampalataya na ang Diyos ay dakila ngayon at magpakailan man.
Unahin natin ang Papuri!
Ito ang tamang tugon sa kabanalan ng Diyos at sa Kanyang paghahari.
Nawa ang ating pagsamba ay palaging:
⢠may paggalang
⢠may kahusayan
⢠at may katotohanan
Dahil ang Diyos ay banal at karapat-dapat sa lahat ng kaluwalhatian.
Amen.
----------------------------------------------
WORSHIP & WORD MINISTRY OUTREACH
Kailangan ba ng tulong ng inyong simbahan sa music at worship? đś
⢠Worship leading
⢠Playing as a full band
⢠Voice,Piano, guitar, bass, drums,
Music Theory, Aural Theory, Rhythm
⢠Teaching about true, biblical worship
⢠Preaching and sharing the Word of God (Preaching Sermon)
O baka nais ninyong mas maintindihan ng inyong congregation kung ano ang tunay na pagsamba sa isang banal na Diyosâhindi lang sa pag awit o pagtugtog, kundi sa buhay na iniaalay sa Kanya?
Nais po naming makatulong.
Dahil ang Diyos ay tapat, nais naming ibahagi ang kanyang pagpapala.
đŠ Just message us, at ang aming Senior Pastor ay masayang tutulong sa pamamagitan ng Training or Teaching Session para sa inyong simbahan mapa Live or Online man.
LIBRE po ito para sa lahat ng simbahan na nagnanais magbigay ng papuri at kaluwalhatian sa Diyosâwalang kapalit, walang kondisyon.
God is good. All the time.