13/09/2026
πPAGNINILAY sa Ika-24 Linggo ng Karaniwang Panahonπ
βοΈMateo 18, 21-35βοΈ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, lumapit si Pedro kay Hesus at nagtanong, βPanginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang aking kapatid na nagkasala sa akin? Hanggang pitong beses po ba?β
Sumagot si Hesus, βHindi ko sinasabing hanggang pitong beses, kundi hanggang pitumpung ulit na pito.β
Kaya't sinabi ni Hesus, βAng paghahari ng Diyos ay maitutulad sa isang haring nagpasiyang singilin ang kanyang mga lingkod. Nang siya'y magsimulang maningil, dinala sa kanya ang isang lingkod na napakalaki ng utang. Dahil wala itong maipambayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak at lahat ng kanyang ari-arian upang mabayaran ang utang.
Ngunit lumuhod ang lingkod at nagsumamo, βPagpasensiyahan po ninyo ako at babayaran ko nang lahat.β Naawa sa kanya ang hari, kaya't siya'y pinakawalan at pinatawad ang kanyang buong utang.
Paglabas ng lingkod, nakatagpo niya ang isa niyang kapwa lingkod na may maliit na utang sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinabing, βMagbayad ka ng utang mo!β Lumuhod ang kanyang kapwa lingkod at nagsumamo, βPagpasensiyahan mo ako at babayaran ko rin ang lahat.β Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ipinabilanggo niya ito hanggang sa mabayaran ang utang.
Nang makita ito ng ibang mga lingkod, sila'y lubhang nalungkot at isinumbong sa kanilang panginoon ang buong pangyayari. Ipinatawag siya ng hari at sinabi, βMasamang lingkod! Pinatawad ko ang iyong buong utang dahil nagsumamo ka sa akin. Hindi ba dapat ay naawa ka rin sa iyong kapwa lingkod, tulad ng pagkaawa ko sa iyo?β
Sa galit ng hari, ipinabilanggo niya ang lingkod hanggang sa mabayaran ang lahat ng kanyang utang.
βGayon din ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo taos-pusong patatawarin ang inyong kapatid.β
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.