17/08/2025
Harana kay Maria: Isang Gabi ng Awit at Pag-ibig 🎶
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-25 Anibersaryo ng Dedikasyon ng Altar ng Our Lady of Peace Parish, malugod po naming kayong inaanyayahan sa isang espesyal na concert alay sa ating Mahal na Ina, si Maria.
📅 September 6, 2025 (Sabado)
🕢 7:30 ng gabi
📍 Our Lady of Peace Parish Church, Press Drive, Fourth Estate Subd., Sucat Paranaque City, Parañaque, Philippines
🎟️ For tickets: http://bit.ly/4lBO6cz
Inaanyayahan po namin kayong maging bahagi ng gabing ito na puno ng pananampalataya, pag-asa, at pag-aalay. Sama-sama po nating ipagdiwang ang kabutihan ni Inang Maria sa pamamagitan ng musika at panalangin.
Munting paalala lamang po:
Ang seating arrangement sa araw ng concert ay first come, first served. Mas mabuting dumating nang maaga upang makakuha ng magandang pwesto.
Tara na po’t makiisa! Harana kay Maria, mula sa pusong may pananampalataya at pasasalamat💙