22/05/2026
𝐀𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐠𝐚𝐰 𝐬𝐚 𝐈𝐥𝐚𝐧𝐠! | 𝐓𝐑𝐈𝐕𝐈𝐀 #16
𝑨𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒔𝒕𝒐𝒍 𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒍𝒊𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏 𝒂𝒕 𝑺𝒂𝒎𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏𝒂𝒏: 𝑭𝒓. 𝑨𝒏𝒂𝒄𝒍𝒆𝒕𝒐 "𝑬𝒕𝒚" 𝑰𝒈𝒏𝒂𝒄𝒊𝒐
𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀-𝐏𝐀𝐑𝐎𝐊𝐘𝐀, 𝐀𝐋𝐀𝐌 𝐍𝐈𝐘𝐎 𝐁𝐀? 💡
Sa ating pagpapatuloy sa mga naging Kura Paroko ng Parokya ng San Marcos Ebanghelista, ating bigyang pugay ang mahigit na limang dekada ng tapat na pagsisilbi ni 𝐑𝐝𝐨. 𝐏. 𝐀𝐧𝐚𝐜𝐥𝐞𝐭𝐨 𝐈𝐠𝐧𝐚𝐜𝐢𝐨, ang ating 𝑰𝑲𝑨𝑳𝑰𝑴𝑨𝑵𝑮 𝑲𝑼𝑹𝑨 𝑷𝑨𝑹𝑶𝑲𝑶.
Narito ang mga kahanga-hangang Trivia tungkol sa kaniyang buhay-ministro:
Si Fr. Ety ay tubong Santa Monica, Hagonoy, Bulacan. Naordinahan siya bilang pari sa Diyosesis ng Malolos noong Dec 1, 1973.
Sa loob ng mahigit 50 taon naging espiritual na ama si Fr. Ety sa maraming Parokya sa Bulacan tulad ng San Pedro Apostol ( Tungkong Mangga, SJDM), Sto. Niño (Parada, Sta. Maria) at ilan pang bayan sa Paombong bago at matapos siya maglingkod sa Parokya ng San Marcos Ebanghelista.
Naging Boses din siya ng Kalikasan at Bayan. Hindi lamang sa loob ng Simbahan nakulong ang kanyang paglilingkod. Kilala si Fr. Ety bilang environmental advocate na nakikipaglaban para sa kalusugan ng komunidad sa mapanirang proyekto sa kalikasan.
Dahil sa kanyang mahaba at tapat na serbisyo, siya ngayon ay may kasalukuyang titulong 𝑷𝒂𝒔𝒕𝒐𝒓 𝑬𝒎𝒆𝒓𝒊𝒕𝒖𝒔. Sa kabila ng pagiging retirado, nanatili siyang matibay na haligi at inspirasyon sa mga nakababatang Pari at sa ating lahat.
Isang 𝑷𝑨𝑺𝑨𝑺𝑨𝑳𝑨𝑴𝑨𝑻 sa ating 𝑰𝑲𝑨𝑳𝑰𝑴𝑨𝑵𝑮 𝑲𝑼𝑹𝑨 𝑷𝑨𝑹𝑶𝑲𝑶 na nagturo sa atin na ang paglilingkod sa Diyos ay kaakibat ng pagmamahal sa kanyang mga likha at sa kapwa.
Kayo mga ka-Pluma, ano ang mga pinaka-hindi ninyo malilimutan na ala-ala kasama si Fr. Ety noong siya ay nasa San Marcos pa? I-comment na sa ibaba!
*** sumubaybay lamang sa ating page na ANG PLUMA-Parokya ng San Marcos Ebanghelista - Calumpit, Bulacan para sa mga dagdag na kaalaman at impormasyon.