Immaculate Conception Parish, Pandi - Souvenir Program

Immaculate Conception Parish, Pandi - Souvenir Program Maging bahagi ng isang natatanging PAGLALATHALA ng PANANAMPALATAYA sa ika-150 ANIBERSARYO ng PAROKYA.

06/09/2025

𝗞𝗔𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔

NOBENARYO| Agosto 30 - Setyembre 07
Nobena - ika-5 ng umaga
Banal na Misa - ika-6 ng umaga

PRUSISYON | Setyembre 07
Ika-6:30 ng gabi

KAPISTAHAN | Setyembre 08
Banal na Misa - ika-6 ng umaga



DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGPAPAHAYAG NG MAGANDANG BALITA TUNGKOL SA PANGINOON | Abril 8, 2024 | Parokya ng Inmaculada Con...
07/04/2024

DAKILANG KAPISTAHAN NG PAGPAPAHAYAG NG MAGANDANG BALITA TUNGKOL SA PANGINOON | Abril 8, 2024 | Parokya ng Inmaculada Concepcion | Banal na Misa ng ika-6:00 ng umaga 🙏

10/02/2024

𝐏 𝐀 𝐔 𝐍 𝐀 𝐖 𝐀

Ipinababatid po sa lahat na sa darating na Linggo, ika-11 ng Pebrero ay ang ating pagdiriwang ng Pistang Pasasalamat. Kaugnay po nito tayo po ay magkakaroon na Prusisyon sa ganap na ika-6:00 ng Gabi, kasama ang mga Patron ng bawat Barangay na nasasakupan ng ating Parokya.

Ang ruta ng Prusisyon ay magsisimula sa ating Parokya papuntang Kale - Osmeña St. - Gulod
- M. C. Bernardo Central School pabalik sa ating Simbahan.

Pauna napo ang aming paumanhin sa abala na maaaring maidulot ng naturang gawain sa araw na ito. Inaasahan din po ang inyong pakikiisa at lubos na pang-unawa sa nasabing pagdiriwang na ito.

Maraming Salamat po.



Pistang Pasasalamat
06/02/2024

Pistang Pasasalamat

𝙋𝙄𝙎𝙏𝘼𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙎𝘼𝙎𝘼𝙇𝘼𝙈𝘼𝙏 2024

𝙏𝙧𝙞𝙙𝙪𝙤
Pebrero 8-10, 2024
Banal na Misa: Ika-6:00 ng Gabi

(Wala po tayong banal na Misa sa Umaga mula sa Huwebes hanggang Sabado upang magbigay daan para sa Triduo ng ating Pistang Pasasalamat)

𝘼𝙧𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙥𝙞𝙨𝙩𝙖𝙝𝙖𝙣
Pebrero 11, 2024
Mga Banal na Misa:
Ika-6:00 ng Umaga
Ika-7:30 ng Umaga

Misa Mayor:
Ika-5:00 ng Hapon

Prusisyon:
Ika-6:00 ng Gabi (kasama ang mga Patron ng bawat SPPC na sakop ng ating Parokya)



02/02/2024

Mga ka-VERBUM, mamaya, kita-kita po muli tayo upang magkuwentuhan tungkol sa PUNO ayon sa Banal na Kasulatan. Asahan ninyong PUNÔ na naman tayo ng kaalaman mamaya. Ika-8 ng gabi, kita-kits! :-)

02/02/2024

𝙋𝘼𝘽𝘼𝙏𝙄𝘿

Maaari ng dalhin sa Parokya o sa ating mga Kapilya sa pamamagitan ng ating mga SPPCs ang mga lumang palaspas mula ngayong araw, ika-2 ng Pebrero hanggang sa ika-11 ng Pebrero, 2024.

Ang rito ng pagsusunog ng lumang mga palaspas o Silab-Sala ay sa ika-13 ng Pebrero sa ganap na ika-5:00 ng Hapon.

Maraming Salamat po!



31/01/2024

𝑺 𝑶 𝑼 𝑽 𝑬 𝑵 𝑰 𝑹 𝑷 𝑹 𝑶 𝑮 𝑹 𝑨 𝑴

Bayan ng Diyos, maging bahagi ng isang makasaysayang pagtanaw kung paanong ang Diyos ay umibig sa atin!

Ating balikan at ipagabunyi ang bunga ng ating pagsisikap sa ating parokya na sama-samang naglalakbay tungo sa pagdiriwang ng 150 Taong Anibersaryo ng Pagkatatag ng ating Parokya, ang Inmaculada Concepcion.

Ating ilalathala sa natatanging paraan ang ating mga IPAGPAPASALAMAT, maging ating sariling Pamilya, Negosyo, Pagkilala, at iba pang nais na maging bahagi ng bawat pahina ng ating SOUVENIR PROGRAM.

Para sa buong detalye, makipag-ugnayan po tayo sa ating mga SPPCs o kaya naman ay sa tanggapan ng ating parokya.

Tara at sariwain natin ang diwa ng ating pananampalataya sa hudyat ng Tunog ng Kasaysayan.


Address

JP Rizal Street, Poblacion
Pandi
3014

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Immaculate Conception Parish, Pandi - Souvenir Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share