24/08/2026
AGOSTO 24 | Kapistahan ni San Bartolome Apostol at Martir
Patron ng Barrio Sabang
PANALANGIN KAY APOSTOL SAN BARTOLOME
O maluwalhating San Bartolome, tinawag ka ni Hesus na taong walang pagkukunwari, at nakita mo ang tanda sa mundong ito na Siya ang Anak ng Diyos at Hari ng Israel. Ipagkaloob mo sa amin ang biyaya na sa tuwina ay huwag magbalatkayo at payak na tulad ng kalapati. Gayundin naman, tulungan mo kami na mapasa-amin ang biyaya ng lyong pananampalataya na makita ang mapagpalang kamay ng Diyos sa mga pangyayari sa pang-araw-araw naming buhay.
(Banggitin ang intensyon)
Nawa'y mapagtanto namin ang mga tanda ng panahon na maghahatid sa amin kay Hesus dito sa lupa at humantong nawa sa pakiki-pagkaisa namin sa kanya sa langit magpakailanman Amen.
San Bartolome Apostol, Ipanalangin mo Kami!