17/07/2022
(Ang Kahalagahan nito sa Talambuhay ni Propeta Mohammad s.a.w.)
Ang Ghadīr Khumm ay naging tanyag dahil sa isang pangyayaring naganap doon sa panahon ng Propeta Mohammad (saw) habang pauwi siya mula sa kanyang kahuli-huling pag- . Ganito ang pagsasalaysay ni tungkol sa nasabing pangyayari:
”...لَمَّا تفرغ عليه السلام مِنْ بَيَانِ الْمَنَاسِكِ وَرَجَعَ إِلَى الْمَدِينَةِ بَيَّنَ ذَلِكَ فِي أَثْنَاءِ الطَّرِيقِ، فَخَطَبَ خُطْبَةً عَظِيمَةً فِي الْيَوْمِ الثَّامِنَ عَشَرَ مِنْ ذِي الْحِجَّةِ عَامَئِذٍ وَكَانَ يَوْمَ الْأَحَدِ بِغَدِيرِ خُمٍّ تَحْتَ شَجَرَةٍ هُنَاكَ، فَبَيَّنَ فِيهَا أَشْيَاءَ.“ [ابن كثير: البداية والنهاية ط إحياء التراث (5/ 227)]
“Nang matapos niyang ipahayag ang mga rituwal [ng Hajj] at bumalik sa Madīnah, ipinahayag ito [ng Propeta (saw)] habang nasa daan [pauwi], at nagbigay ng isang dakilang sermon noong ika- ng taong iyon [10AH], araw ng Linggo, sa Ghadīr Khumm, sa ilalim ng isang punong-kahoy doon, at ipinahayag niya ang mga bagay-bagay.”
📚 Ibn Kathīr:Al-Bidāyah wan'Nihayah 5/227 (Printed by Ihyā at-Turāth)
Nangyari ang paglalahad ng Khutbah o sermon sa tanghaling tapat, sa kasagsagan ng init ng araw sa isang mala-desyertong lugar, pagkatapos nilang magsagawa ng SalātozZohr. Pagpapatuloy ni IBN KATHĪR:
”قَالَ زَيْدُ بْنُ أَرْقَمَ وَأَنَا أَسْمَعُ: نَزَلْنَا مَعَ رَسُولِ الله مَنْزِلًا يُقَالُ لَهُ وَادِي خُم فَأَمَرَ بِالصَّلَاةِ فَصَلَّاهَا بهجير. قال: فخطبنا وظل رسول الله بثوب على شجرة ستره مِنَ الشَّمْسِ.“ [ابن كثير: البداية والنهاية ط إحياء التراث (5/ 231)]
Sinabi ni Zayd b. Arqam habang ako’y nakikinig: “Huminto kami, kasama ang Rasūlollah (saw), sa isang lugar ng tinatawag na lambak ng Khumm. Pagkatapos, iniutos niya na mag-Salāt, kaya nag-Salāt siya sa kabila ng matinding init ng tanghaling-tapat”. Sinabi niya [ni Zayd]: “Tapos, naglahad siya ng Khutba [sermon] sa amin habang liniliman siya ng damit [na nakakabit] sa punong-kahoy para matakpan siya sa araw.”
📚 Ibn Kathīr : Al-Bidāyah wanNihayah 5/231 (Printed by: Ihyā at-Turāth)
TANONG :
Ano ba ang mga “bagay-bagay” na nabanggit ng Propeta (saw) na naging dahilan upang ituring ito ni Ibn Kathīr bilang “dakilang sermon”?
SAGOT :
Ganito rin ang pagpapatuloy ni Ibn Kathīr sa kanyang salaysay:
..لما رجع رسول الله مِنْ حَجَّةِ الْوَدَاعِ وَنَزَلَ غَدِيرَ خُمٍّ أَمَرَ بِدَوْحَاتٍ فَقُمِمْنَ ثُمَّ قَالَ: " كَأَنِّي قَدْ دُعِيتُ فأجبت، إني قد تركت فيكم الثقلين كِتَابُ اللَّهِ وَعِتْرَتِي أَهْلَ بَيْتِي، فَانْظُرُوا كَيْفَ تَخْلُفُونِي فِيهِمَا، فَإِنَّهُمَا لَنْ يَفْتَرِقَا حتَّى يَرِدَا عَلَيَّ الْحَوْضَ، ثُمَّ قَالَ: اللَّهُ مَوْلَايَ وَأَنَا وَلِيُّ كُلِّ مُؤْمِنٍ، ثُمَّ أَخَذَ بِيَدِ عَلِيٍّ فَقَالَ: مَنْ كُنْتُ مَوْلَاهُ فَهَذَا وَلِيُّهُ، اللَّهُمَّ والِ مَنْ وَالَاهُ وعادِ مَنْ عَادَاهُ "...
قَالَ شَيْخُنَا أبو عبد الله الذهبي وهذا حَدِيثٌ صَحِيحٌ. [ابن كثير: البداية والنهاية (5/ 228)]
“…nang bumalik ang Rasūlollah(s) mula sa Hajjatol Wadā’ [kahuli-huling Hajj] bumaba siya sa Ghadeer Khumm at iniutos niya [na k*muha] ng mga dahon ng palmera na [ginamit] pangwalis. Pagkatapos ay sinabi niya: “Marahil ako’y ipapatawag na [i.s.: sasakabilang-buhay siya] at aking tatanggapin.
"Katotohanan, iniwan ko sa inyo ang [dalawang mabigat at mahalagang bagay]: ang ni Allāh at ang aking angkan, aking .”
Bantayan ninyo kung papaano ang pakikitungo ninyo sa kanilang dalawa paglisan ko.
Sadyang silang dalawa ay HINDI kailanman makapaghihiwalay hanggang sa makarating sila sa akin sa [aking] Lawa-lawaan.”
Pagkatapos, sinabi niya:
“Si Allāh ay aking , at ako ay ng bawa’t nananampalataya.” Pagkatapos, hinawakan niya ang kamay ni ‘Alī at sinabi niya:
“Sinuman ang [k*mikilala na] ako ay kanyang MAWLĀ, ito din [si ‘Alī] ay WALĪ niya.”
O Allāh, mahalin po Ninyo ang sinumang magmamahal sa kanya; ay ituring po Ninyong kaaway ang sinumang makipagaway sa kanya…”
Sinabi ng aming Shaykh na si Abū Abdillāh Az-Zahabī: “Ang Hadīth na ito ay SAHĪH.
📚 Ibn Kathīr: Al-Bidāyah wan Nihayāh, 5/228]
Kaya, dalawa ang mahalagang pagtuunan ng pasin sa talumpati ng Mahal na Propeta(s) sa lugar at araw na iyon: 1) Ang tagubilin niya tungkol sa “Thaqalayn”; at 2) Ang pagpapa-kilala niya ng “Mawlā”, gaya ng kanyang pagiging “Mawlā”, paglisan niya.
TANONG :
Ano ba ang “Thaqalayn”… at bakit itinuring ito na mabigat at mahalaga?
SAGOT :
Ang dalawang mabigat at mahalagang bagay [Thaqalayn] ay nabanggit sa nakaraang Hadīth. Magbigay pa tayo ng iba pang mga Hadīth kaugnay dito sa ilalim ng bawa’t pangunahing paksa upang mahimay nang maayos at magkaroon ng malawak at malinaw na kaalaman: ang Qur-ān at ang Ahlol Bayt (as).
”...وَأَنَا تَارِكٌ فِيكُمْ ثَقَلَيْنِ: أَوَّلُهُمَا كِتَابُ اللهِ فِيهِ الْهُدَى وَالنُّورُ فَخُذُوا بِكِتَابِ اللهِ، وَاسْتَمْسِكُوا بِهِ " فَحَثَّ عَلَى كِتَابِ اللهِ وَرَغَّبَ فِيهِ، ثُمَّ قَالَ: ”وأَهْلُ بَيْتِي أُذَكِّرُكُمُ اللهَ فِي أَهْلِ بَيْتِي، أُذَكِّرُكُمُ اللهَ فِي أَهْلِ بَيْتِي، أُذَكِّرُكُمُ اللهَ فِي أَهْلِ بَيْتِي.“ [صحيح مسلم - كتاب 44 / بَابُ - 4 (4/ 1873)]
“...At ako ay nag-iiwan sa inyo ng dawalang mabigat na bagay [Thaqalayn]: ang isa sa dalawa ay ang Aklat ni Allāh na napapalooban ng gabay at liwanag; kaya’t kunin ninyo ang Aklat ni Allāh at panghawakan ninyo ito” - hinimok niya sila hinggil sa Aklat ni Allāh at hinikayat niya sila para magkahumiling doon. Pagkatapos sinabi niya: “at ang aking Ahlol Bayt. Pinapaalaala ko sa inyo si Allāh hinggil sa aking Ahlol Bayt; pinapaalaala ko sa inyo si Allāh hinggil sa aking Ahlol Bayt; pinapaalaala ko sa inyo si Allāh hinggil sa aking Ahlol Bayt...”
📚 Şahīh Muslim:Kitāb 44 - Bāb 4, 4/1873
Bukod sa Şahīh Muslim, makikita rin sa mga susunod na mga Hadīth na Şahīh, na itong dalawa ang tinutukoy na Thaqalayn.
[أَخَذْتُمْ] at [تمسكتم]
”يا أيها الناس! إني قد تركت فيكم ما إن #أخذتم به لن تضلوا، كتاب الله وعترتي أهل بيتي.“ [الألباني: سلسلة الأحاديث الصحيحة... (4/ 355) # 1761]
“O mga tao! Katotohanan ako ay nag-iwan sa inyo ng bagay na
“kung “kung panghahawakan niyo ito ay niyo ito ay hindi kayo maliligaw magpakailanman”
ang Aklat ni Allāh at ang aking angkan, aking Ahlol Bayt.”
📚 Al-Albānī:Silsilatol Ahādīth aş-Şahīhah..., 4/355 # 1761
Şahīh din ang hatol ni Al-Albānī sa kaparehong Hadīth na nabanggit sa
📚Sunan At-Tirmizī: 5/662 #3786].
Ganito naman ang ibang salaysay ng Hadīth:
”إني تركت فيكم ما إن أخذتم به لن تضلوا بعدي، الثقلين، أحدهما أكبر من الآخر، كتاب الله حبل ممدود من السماء إلى الأرض، وعترتي أهل بيتي، ألا وإنهما لن يتفرقا حتى يردا علي الحوض.“
أخرجه أحمد (3 / 14 و 17 و 26 و 59) وابن أبي عاصم (1553 و 1555) والطبراني (2678 - 2679) والديلمي (2 / 1 / 45) . وهو إسناد حسن في الشواهد. [الألباني: سلسلة الأحاديث الصحيحة... (4/ 357)]
“Katotohanan ako ay nag-iwan sa inyo ng bagay na kung “Katotohanan ako ay nag-iwan sa inyo ng bagay na kung panghahawakan niyo ito ay hindi kayo maliligaw magpakailanman paglisan ko. Ang isa sa dalawa ay gihit na dakila kay sa isa: ang Aklat ni Allāh, na tali na nakaabot sa lupa mula sa langit, at ang aking angkan, aking Ahlol Bayt. [Tandaan ninyo na] silang dalawa ay hindi mahihiwalay sa isa’t isa hanggang dumating silang dalawa sa akin sa [aking] Lawa-lawaan.”
Itinala ni Ahmad (3/14, 17, 26, 59) at ni Ibn Abī‘Āşim (1553, 1555) at ni Aţ-Ţabrānī (2678-2679) at ni Ad-Daylamī (2/1/45). [Sinabi ni Al-Albānī]: Ang Isnad ay Hasan batay sa mga iba pang mga katibayan. 📚Al-Albānī:Silsilatol Ahādīth aş-Şahīhah..., 4/355
Ayon naman kay ShaykhAl-Arnaūţ, na isa rin dalubhasang Sunnī sa larangan ng Hadīth, sa kanyang hatol sa parehong riwāyah sa MusnadAhmad: Hadīth na Şahīh [حديث صحيح]
📚 Musnad Ahmad: 18/114 # 11561
Mapapansin na ang katagang [أَخَذْتُمْ] ang ginamit para sa mga katagang “panghahawakan ninyo”. Ito naman ang mga Hadīth na Şahīh kung saan sa halip ang ginamit na salita ay [تمسكتم]:
”إني تارك فيكم ما إن #تمسكتم به لن تضلوا بعدي أحدهما أعظم من الآخر كتاب الله حبل ممدود من السماء إلى الأرض وعترتي أهل بيتي ولن يتفرقا حتى يردا علي الحوض فانظروا كيف تخلفوني فيهما.“ (صحيح) ... الروض النضير 977، المشكاة 6144. [الألباني: صحيح الجامع الصغير وزيادته (1/ 482) # 2458 - 1134]
“Katotohanan ako ay nag-iiwan sa inyo ng bagay na kung “Katotohanan ako ay nag-iiwan sa inyo ng bagay na kung panghahawakan niyo ito’y niyo ito’y hindi kayo maliligaw magpakailanman. Ang isa sa dalawa ay gihit na dakila kay sa isa: ang Aklat ni Allāh, na tali na nakaabot sa lupa mula sa langit, at ang aking angkan, aking Ahlol Bayt. Hindi sila mahihiwalay sa isa’t isa hanggang dumating silang dalawa sa akin sa Lawa-lawaan. Kaya’t bantayan ninyo kung papaano kayo makikitungo sa kanilang dalawa paglisan ko.” [Sinabi ni Al-Albānī] na: Şahīh… Ar-Rawdhon Nadīr 977; Al-Mishkāt 6144.]
📚Al-Albānī:Şahīhol Jāmi’iş Şaghīr wa Ziyādātoh, 1/482 # 2458-1134
SAHĪH din ang hatol ni Al-Albānī sa kaparehong Hadīth na nabanggit sa
📚 Sunan At-Tirmizī: 5/663 #3788
Dapat tandaan na ang tagubulin ng Propeta(saw) ay “PANGHAWAKAN”, at HINDI lamang "mahalin" (أحببتم) na bugso ng damdamin. Syempre, lalong hihigpit ang paghawak kung may kaakibat na pagmamahal.
mula sa
Mapapansin sa mga nakaraang mga Hadīth na kaya iniutos ng Propeta (saw) na pang-hawakan ang Qur-ān at Ahlol Bayt (as) ay dahil ito ang magbibigay ng kaligtasan ng Tao upang hindi sila malihis sa Tamang Daan at tuluyan nang maligaw ang landas.
Kasama ito sa mga dahilan kaya itinuring ang Qur-ān at Ahlol Bayt (as) na mabigat at mahalaga.
Mababatid din mula sa mga nabanggit na mga Hadīth na ang Qur-ān at ang Ahlol Bayt(a) ay hindi makapaghihiwalay sa isa’t isa hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay.
Maglahad pa tayo ng dalawang Şahīh na Hadīth kaugnay nito:
”إِنِّي تَارِكٌ فِيكُمُ الثَّقَلَيْنِ: كِتَابَ اللهِ، وَأَهْلَ بَيْتِي، وَإِنَّهُمَا لَنْ يَتَفَرَّقَا حَتَّى يَرِدَا عَلَيَّ الْحَوْضَ.“
هَذَا حَدِيثٌ صَحِيحُ الإِسْنَادِ عَلَى شَرْطِ الشَّيْخَيْنِ وَلَمْ يُخَرِّجَاهُ.
[التعليق - من تلخيص الذهبي]: 4711 - على شرط البخاري ومسلم. [الحاكم: المستدرك على الصحيحين (3/ 160) # 4711]
“Katotohanan ako ay nag-iiwan sa inyo ng Thaqalayn [dalawang mabigat at mahalagang bagay]: ang Aklat ni Allāh, at ang aking Ahlol Bayt.
“Katotohanan, silang dalawa ay hindi mahihiwalay sa isa’t isa hanggang dumating silang dalawa sa [aking] Lawa-lawaan.”
[Sinabi ni Al-Hākim]: Ito’y Hadīth na Şahīh ang Isnād ayon sa pamantayan ni Al-Bukhārī at Muslim, at hindi nila ito inilabas.
[Pahayag mula sa “[Pahayag mula sa “Talkhis” ni Az-Zahabī: “4711- naayon sa sa pamantayan ni Al-Bukhārī at Muslim.”
📚 Al-Hākim:Mustadrak aş-Şahīhayn, 3/160 # 4711
”عَلِيٌّ مَعَ الْقُرْآنِ وَالْقُرْآنُ مَعَ عَلِيٍّ لَنْ يَتَفَرَّقَا حَتَّى يَرِدَا عَلَيَّ الْحَوْضَ.“
هَذَا حَدِيثٌ صَحِيحُ الْإِسْنَادِ... وَلَمْ يُخَرِّجَاهُ " [التعليق - من تلخيص الذهبي] 4628 - صحيح. [الحاكم: المستدرك على الصحيحين (3/ 134) # 4628]
“Si ‘Alī ay kasama ng Qur-ān at ang Qur-ān ay kasama ni ‘Alī. Hindi sila mahihiwalay sa isa’t isa magpakailanman hanggang dumating silang dalawa sa [aking] Lawa-lawaan.”
[Sinabi ni Al-Hākim]: Ito’y Hadīth na Şahīh ang Isnād... at hindi nila ito inilabas.
[Pahayag mula sa “[Pahayag mula sa “Talkhis” ni Az-Zahabī: “4628- Şahīh.”
📚 Al-Hākim:Mustadrak aş-Şahīhayn, 3/160 # 4711
Ang hindi paghihiwalay ng dalawa ay hindi “physical”. Ang mga aral at mensahe ng Qur-ān at Ahlol Bayt (as) ay iisa; ibig sabihin, hindi lilihis ang Ahlol Bayt (as) sa Qur-ān. Dahil dito, magkatuwang ang Qur-ān at Ahlol Bayt (as) para sa tiyak na kaligtasan.
Ang Ahlol Bayt (as) LAMANG ang bukod-tanging grupo ng mga Muslim na sinaksihang ng SAHĪH na SUNNAH na HINDI MAHIHIWALAY sa QUR-ĀN; kaya, minarapat ni Propeta Mohammad (saw) na panghawakan at sila paglisan niya.
At ito rin ay ipinaaalaala sa ating sa tuwing tayo'y nagsa-Salāt:
Allāhomma salli 'alā Mohammad, wa Āle Mohammad... 🤲🤲🤲
CTTO: Shaykh Kamil Unda