Ñuestra Señora delos Dolores de Turumba de Padre Garcia

Ñuestra Señora delos Dolores de Turumba de Padre Garcia Private Replica of Our Lady of Turumba from Padre Garcia, Batangas.

Ang Imahe ng TURUMBA sa PADRE GARCIA ay kinomisyon at natanggap ng pamilya Oliva noong February 20, 2016.Eto ay nililok ...
05/10/2024

Ang Imahe ng TURUMBA sa PADRE GARCIA ay kinomisyon at natanggap ng pamilya Oliva noong February 20, 2016.

Eto ay nililok at binuo ng sikat at nirerespetong iskultor mula sa lalawigan ng Bulacan na si G. JODEE JOSE.

Natanggap ang imahe na buo at kumpleto na sa damit at paunang metal accessories na syang makikita sa larawang ito.

Eto naman ay binasbasan ng sikat na Healing priest na si Fr. NELSON OSORIO OSJ sa tahanan ng pamilya OLIVA sa Brgy. Pansol, bayan ng Padre Garcia.

Sa BIRHEN!!!
🙏

Ang imahen ng orihinal na TURUMBA ay kasalukuyang nakadambana sa Simbahan ng Parokya ni San Pedro de Alcantara sa Pakil....
04/10/2024

Ang imahen ng orihinal na TURUMBA ay kasalukuyang nakadambana sa Simbahan ng Parokya ni San Pedro de Alcantara sa Pakil.

Ang pangalawang imahen at UNANG REPLICA (nasa larawan) ng Birheng Maria bilang Ina ng Pitong Hapis ay isang Idinadayo o iginagalang replika ng imahen ng Nuestra Señora de las Angustias mula sa Espanya.

_______

Sa BIRHEN! 🙏

Ang Mahal na Ina ng Pitong Hapis ng Turumba o "Nuestra Señora de los Dolores de Turumba" sa wikang kastila ay isang imah...
04/10/2024

Ang Mahal na Ina ng Pitong Hapis ng Turumba o "Nuestra Señora de los Dolores de Turumba" sa wikang kastila ay isang imahen ni Birheng Maria bilang Ina ng Pitong Hapis, na nakadambana sa Pakil, Laguna.

Ang salitang TURUMBA ay sinasabing pinagmulan sa pariralang Tagalog “Natumbá sa lakí ng tuwâ”.

Ang unang turumba sa pagpaparangal sa imahen ay idinaos noong Ika-14 ng Setyembre, 1788.

Ang imahen ng Birhen ay may sukat 9 at 11 pulgada (23 at 28 sentimetro), pinintang langis sa kambas. Ang mukha ni Maria ay napangiwi sa kirot mula sa punyal na sumubsob sa kanyang puso, na nanghula si Simeon.

_______

Sa BIRHEN! 🙏

Address

Padre Garcia

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ñuestra Señora delos Dolores de Turumba de Padre Garcia posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share