22/08/2026
Ngayong ika-22 ng Agosto 2026, muling isinagawa ng mga kasapi ng Marello’s Altar Knights at Marellettes ang makabuluhang Lipat Santo, kung saan pansamantalang tinanggap ng isang pamilya sa kanilang tahanan ang mga imahen nina San Tarcisio, San Carlo Acutis, at San Jose Marello. Layunin ng banal na gawaing ito na mapalalim ang pananampalataya at debosyon, habang pinatitibay ang ugnayan ng bawat kasapi sa pamamagitan ng panalangin.
Sa isinagawang pagtitipon, sama-samang nagdasal ang mga kasapi ng Santo Rosaryo at Nobena, bilang pasasalamat sa mga biyayang ipinagkakaloob ng Diyos at paghingi ng patnubay, lakas, at pagpapala. Lubos din ang aming pasasalamat sa pamilyang buong puso at pagmamahal na nagbukas ng kanilang tahanan upang maging lugar ng panalangin at pagdalaw ng mga banal na imahen.
Nawa’y magsilbing inspirasyon sa bawat isa ang halimbawa nina San Tarcisio, San Carlo Acutis, at San Jose Marello upang patuloy na mamuhay sa pananampalataya, pagkakaisa, at tapat na paglilingkod sa Diyos, sa Simbahan, at sa kapwa.
San Tarcisio, San Carlo Acutis, at San Jose Marello, ipanalangin ninyo kami.