Pinamalayan Alliance of Christian Churches

Pinamalayan Alliance of Christian Churches Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pinamalayan Alliance of Christian Churches, Sta. Rita, Pinamalayan, Oriental Mindoro.

JESUS REIGNS PINAMALAYAN
29/11/2020

JESUS REIGNS PINAMALAYAN

PACC supports Brigada Eskwela 2019 in Pilot School
20/05/2019

PACC supports Brigada Eskwela 2019 in Pilot School

Pacc Funeral Service In loving memory of, Ptr. Edwin Semilla
26/01/2019

Pacc Funeral Service

In loving memory of, Ptr. Edwin Semilla

PACC DAWN WATCH 7 ANNIVERSARY
24/11/2015

PACC DAWN WATCH 7 ANNIVERSARY

Tuwing ika-6 ng gabi
21/07/2014

Tuwing ika-6 ng gabi

Tuwing Lunes, ika- anim ng gabi
21/07/2014

Tuwing Lunes, ika- anim ng gabi

21/07/2014
25/11/2013
25/11/2013

WALANG MALIIT KUNG SAMA-SAMA
Isang malaking kagalakan ang pumawi ng "Sobrang Lungkot " ko kahapon ng makatanggap ako ng balita mula sa aming Treasurer na umabot na sa Php. 20,221,25 mula pa lamang sa 5 churches ng PACC! Marami pang nangakong mag re-remit ng kanilang Sacrificial Giving na ginawa sa nakaraang 2 Linggong Pananambahan at ang mga pledges ng mga churches na ibibigay na lang na tulong sa mga biktima ng YOLANDA ang kanilang budget na nakalaan sa Christmas Fellowship.
Kung titignan, mas marami ang maliliit at mahihirap na mga iglesya ang kasapi ng Pinamalayan Alliance of Christian Churches (PACC) , pero dahil sa paghipo ng Banal na Espiritu at pagnanais ng mga kapatiran na maging malaking pagpapala at tulong sa mga nasalanta ng bagyo, bumuhos ang maraming tulong. Patunay ang mga sako-sakong damit na aming natanggap, mga panalangin na patuloy na nagbibigay hamon para sa iba na magbigay pa at tumulong!
Tunay ngang walang maliit na halaga kung itoy pagsasamasahin upang makagawa ng isang malaking tulong sa iba!
Maraming salamat po sa inyong lahat at patuloy tayong pagpalain ng ating Dakilang Diyos!

Mula po sa inyong kalihim,
PTR. ARNEL PALACIO

22/11/2013
14/11/2013

Mga minamahal na kapatid kay Kristo:
Pinamalayan Alliance Of Christian Churches (PACC)
Oriental Mindoro Ambassadors For Christ (OMA-C)

Isang malaking himala ang pag iwas ng Super Bagyong Yolanda ang ating nasaksihan at naranasan noong nakaraang Biyernes at Ssbado. Taliwas sa inaasahang pinsala sa ating lalawigan ( Silangan Mindoro) , nagising tayo sa isang maaliwas na umaga matapos ang nakakatakot na madilim na may kasamang malalaks na ulan at hangin ang magdamag.
Kaalinsabay nito bumungad sa mga balita sa telebisyo, radyo at peryodiko ang kalunus-lunos na pinsala ng Bagyong Yolanda, ang malakas na hangin at ulan ay nagdulot ng mga landslides, pagbagsak ng mga puno, pagkasira ng iba’t ibang mga gusali, paaralan, simbahan at mga tahanan pati nga linya ng mga kumunikasyon. Tumambad din sa ating panunuod sa TV ang mga nagkalat na mga bangkay, bata, matanda, lalake at babae, mahirap o mayaman man. Mga kaanak na umiiyak at naghahanap ng mga nawawalang mga mahal sa buhay.
Sa pagbuhos ng mga tulong at suporta sa Leyte, particular sa Tacloban , kung saan na sentro ang pinsala ng bagyo, may ibang mga lalawigan na nangangailang ng tulon gaya ng Iloilo, Cebu, ilang bayan sa Oriental at Occidental Mindoro, Davao Oriental, Surigao del Norte, at Palawan ay nananawagan rin ng tulong upang muling makabangon sa pagkalugmok sa pinsala ng delubyo.
Bilang mga mananampalataya, ang pangyayaring ito ay isang malaking responsibilidad at hamon na dapat nating akuin upang ipadama, ibahagi at ipakita ang ating malasakit sa ating mga kababayan. Tayo ay tinawag upang tumulong sa mga nagdadalamhati. Isa itong pagkakataon na dapat nating samantalahin upang makapag ministeryo sa mga namimighati at nangangailangan.
Kaya ang panawagan ng Pinamalayan Alliance Of Christian Churches (PACC) at Oriental Mindoro Ambassdors for Christ (OMA-C), ang magka-isa ang lahat ng mga manggagawa, mga pastor at maging mga ordinaryong miyembro ng iglesya, na tumulong na magbibigay upang makalikom ng pondo para sa gagawing Relief Operation, Maaari po rin po tayong magbigay ng mga banig, kulambo, kumot, damit, mga delatang pagkain, noddles, tubig, bigas at iba pang puede nating ipamahagi.
Malugod po naming inaasahan ang inyong agarang pagtugon sa panawagang ito, maari pong maki pag –ugnayan sa inyong lingkod para sa inyong mga tanong at iba pang detalye patungkol sa gawaing ito.
Patuloy po tayong pagpalain ng ating Dakilang Panginoong Hesus.
“ Sapagkat ako’y nagutom at inyong pinakain, nauhaw at inyong pinainom…..Ako’y walang maisuot at inyong pinaramtam….” Mateo 25:35-36

PTR. ARNEL C. PALACIO
KALIHIM
PACC/OMA-C

cELEBRATING GOD'S fAITHFULNESS
29/07/2013

cELEBRATING GOD'S fAITHFULNESS

Address

Sta. Rita, Pinamalayan
Oriental Mindoro
5208

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pinamalayan Alliance of Christian Churches posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share