Kalendaryo Ng Katesismong Katoliko

Kalendaryo Ng Katesismong Katoliko Tulong at Gabay sa Pamilyang Pilipino sa Pagpapalalim ng Pananampalatayang Katoliko.

AYON SA SALITA NG DIYOS:Sinabi ni Jesus, "Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit.  Mabubuhay m...
27/08/2026

AYON SA SALITA NG DIYOS:

Sinabi ni Jesus, "Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. At ang tinapay ay ang aking katawan na ibibigay ko upang mabuhay ang sangkatauhan" (Juan 6:51).

Si Jesus ang Tinapay ng Buhay na nagbibigay sa atin ng buhay na walang hanggan. Hindi ito panandalian na pantawid gutom o pamatid ng ating pagka-uhaw. Siya mismo ang ating buhay. Si Jesus ang nagpakilala na Siya ang pagkaing nagbibigay-buhay na mula sa langit, ang lumalapit sa Kanya ay hindi na magugutom at ang nananalig sa Kanya ay hindi na mauuhaw kailanman. Ang Banal na Eukaristiya ay napakahalaga sapagkat ito ang naglalapit sa atin kay Jesus dahil sa pakikipag-isa sa Kanya at nagbibigay lakas upang makasunod tayo sa kalooban Niya.

SALITA NG DIYOS NA PANGHAHAWAKAN:

"Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin" (1 Corinto 11:24).

ANG HAMON SA PAMILYA:

Magbasa ng isang kwento sa Bibliya araw-araw at pagnilayan ito.

Agosto 27, 2026SI JESUS SA ANYO NG TINAPAYAno ang konsagrasyon at paano tayo makikibahagi dito?Ang Turo ng Simbahan:Ang ...
26/08/2026

Agosto 27, 2026
SI JESUS SA ANYO NG TINAPAY

Ano ang konsagrasyon at paano tayo makikibahagi dito?

Ang Turo ng Simbahan:

Ang konsagrasyon o "consecration" ang pinakamahalagang bahagi ng Banal na Misa sapagkat sa bahaging ito ang tinapay at alak ay tunay na nagiging katawan at dugo ni Kristo sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Sa Huling Hapunan sinabi ni Jesus. "Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin." Samakatuwid hindi lamang ito basta tinapay, ito ay nagiging tunay na katawan ng Panginoong Jesukristo at ito ay nangyayari rin sa konsagrasyon na siyang pinakasagradong bahagi ng misa sapagkat sa kapangyarihan ng Espiritu Santo ay tunay na nakakapiling natin si Jesus sa anyo ng tinapay at alak. Kaya nga inaasahan tayo na manahimik, lumuhod at magbigay galang kay Jesus na tunay na kasama natin (KIK 1413). At sa tuwing tinatanggap natin Siya sa Banal na Komunyon sa anyong tinapay at alak ay nagiging bahagi din Siya ng ating katawan kung kaya dapat nating ihandang mabuti ang ating sarili sa pagtanggap sa kanya (KPK 1702).

AYON SA SALITA NG DIYOS:Samantalang sila'y kumakain, dumampot ng tinapay si Jesus, matapos magpasalamat sa Diyos ay kany...
26/08/2026

AYON SA SALITA NG DIYOS:

Samantalang sila'y kumakain, dumampot ng tinapay si Jesus, matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinagpira-piraso at ibingay sa mga alagad. "Kunin ninyo; ito ang aking katawan" wika Niya. Hinawakan Niya ang saro, at matapos magpasalamat ay ibinigay sa kanila; at uminom silang lahat (Markos 14:22-23).

Ipinakita ni Jesus ang paghahanda sa Banal na Eukaristiya na kung saan dinampot, nagpasalamat, pinagpira-piraso at ibinigay ang tinapay at alak bilang kanyang katawan at dugo. Ang Eukaristiya ay tinatawag ding hapunan ng Panginoon, sapagkat sa tuwing ipinagdiriwang natin ang Eukaristiya, ginugunita natin ang huling hapunan ni Jesus. Ito rin ay tinatawag na Banal na Sakripisyo, dahil sa bawat pagdiriwang ay ginugunita natin ang pagpapakasakit at kamatayan sa Krus ng ating Panginoon sa isang hindi madugong pamamaraan.

SALITA NG DIYOS NA PANGHAHAWAKAN:

"Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin" (1 Corinto 11:24).

ANG HAMON SA PAMILYA:

Magbasa ng isang kwento sa Bibliya araw-araw at pagnilayan ito.

Agosto 26, 2026LITURHIYA NG EUKARISTIYAAno ang Liturhiya ng Eukaristiya?Ang Turo ng Simbahan:Ang Liturhiya ng Eukaristiy...
26/08/2026

Agosto 26, 2026
LITURHIYA NG EUKARISTIYA

Ano ang Liturhiya ng Eukaristiya?

Ang Turo ng Simbahan:

Ang Liturhiya ng Eukaristiya ang ikalawang bahagi ng Banal na Misa na nagsisimula sa pag-aalay hanggang sa pagsusugo sa atin. Sa bahagi ng Liturhiya ng Eukaristiya ay muling binabalikan ng pari ang apat na mahahalagang kilos at salita ni Jesus noong huling hapunan bago siya mamatay sa krus. Ito ay muling nagaganap upang ang tunay na presensiya ng ating Panginoong Jesus ay ating makaisa sa pamamagitan ng pagsasalo-salong ito tanda ng kanyang pagmamahal para sa ating lahat.

Ang mga sangkap ng Liturhiya ng Eukaristiya ay may apat na kilos ni Kristo sa Huling Hapunan: 1. Kinuha (Paghahanda ng mga alay), 2. Nagpasalamat (Panalangin Eukaristiya), 3. Pinagpira-piraso (Paghahati ng tinapay) at 4. Ibinigay (Pakinabang o komunyon) (KPK 1712).

AYON SA SALITA NG DIYOS:"At ang katulad naman ng binhing nahasik sa matabang lupa ay ang mga taong dumirinig at umuunawa...
25/08/2026

AYON SA SALITA NG DIYOS:

"At ang katulad naman ng binhing nahasik sa matabang lupa ay ang mga taong dumirinig at umuunawang mabuti sa mensahe, kaya't ito ay namumunga ng sagana, may tig-iisandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu" (Mateo 13:23).

Ang mga binhing nalaglag sa matabang lupa ay ang mga taong nakikinig at pinagninilayan ang Salita ng Diyos. Ganito ang nangyayari sa atin kung tayo ay nakikinig ng mabuti sa mga pagbasa at homiliya na ibinabahagi sa Banal na Misa sa bahagi ng Liturhiya ng Salita. Ang mga pagbasa ay tunay na Salita ng Diyos at may lakas at nagbibigay-buhay sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Kaya nga ang bawat isa sa atin ay inaanyayahang makinig, magnilay at isabuhay ang mensahe ng Salita ng Diyos.

SALITA NG DIYOS NA PANGHAHAWAKAN:

"Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin" (1 Corinto 11:24).

ANG HAMON SA PAMILYA:

Magbasa ng isang kwento sa Bibliya araw-araw at pagnilayan ito.

Agosto 25, 2026LITURHIYA NG SALITA NG DIYOSAno ang Liturhiya ng Salita ng Diyos?Ang Turo ng Simbahan:Ang Liturhiya ng Sa...
24/08/2026

Agosto 25, 2026
LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS

Ano ang Liturhiya ng Salita ng Diyos?

Ang Turo ng Simbahan:

Ang Liturhiya ng Salita ng Diyos ang unang bahagi ng Banal ma Misa. Ito ay binubuo ng mga pagbasa, kasama ang pagpapaliwanag ng pari sa pamamagitan ng homiliya at nagtatapos sa panalangin ng bayan. Ito ay napakahalaga sapagkat sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan na binabasa sa Misa ay nagsasalita sa atin ang Diyos.

Ang Liturhiya ng Salita ng Diyos ay binubuo ng mga sulat ng propeta, aklat ng Lumang Tipan, sulat ng mga apostol at ng Ebanghelyo; pagkatapos ay ang homiliya na nagpapayong tanggapin at isagawa ang salitang ito bilang tunay na Salita ng Diyos. Sapagkat sa Liturhiya ng Salita, ang Diyos ay tunay na nagungusap, tayo ay inaasahang maging magalang, taimtim na pakinggan at pagnilayan ang mga pagbasa (KIK 1349, KIK 141).

AYON SA SALITA NG DIYOS:Nang siya'y kasalo na nila sa pagkain, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos; pagkat...
24/08/2026

AYON SA SALITA NG DIYOS:

Nang siya'y kasalo na nila sa pagkain, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos; pagkatapos, pinagpirapiraso iyon at ibinigay sa kanila. Noon nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila si Jesus, subalit siya'y biglang nawala sa kanilang paningin. Nasabi nila sa isa't isa, kaya pala nag-aalab ang ating mga puso habang tayo'y kinakausap niya sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang mga kasulatan (Lukas 24:30-32).

Sa pakikinig sa Salita ng Diyos, paghahati-hati ng tinapay at pakikisalo sa kanila ni Jesus ay nakilala ng mga alagad ang Panginoon. Ganito rin ang nagaganap sa Banal na Misa, sa pamamagitan ng dalawang bahagi nito: ang Liturhiya ng Salita ng Diyos at Liturhiya ng Eukaristiya. Kaya bigyan natin ng importansya ang pagdiriwang ng Misa, tanda ng walang hanggang pagmamahal sa atin ni Jesus.

SALITA NG DIYOS NA PANGHAHAWAKAN:

"Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin" (1 Corinto 11:24).

ANG HAMON SA PAMILYA:

Magbabasa ng isang kwento sa Bibliya araw-araw at pagninilayan ito.

Agosto 24, 2026ANG DALAWANG BAHAGI NG MISAAno ang dalawang bahagi ng Misa?Ang Turo ng Simbahan:Ang Liturhiya ng Salita n...
23/08/2026

Agosto 24, 2026
ANG DALAWANG BAHAGI NG MISA

Ano ang dalawang bahagi ng Misa?

Ang Turo ng Simbahan:

Ang Liturhiya ng Salita ng Diyos at ang Liturhiya ng Banal na Eukaristiya, ang dalawang mahalagang bahagi ng Banal na Misa. Sa dalawang bahaging ito ay tunay na nakakasama natin si Jesus, sa kanyang salita at sa pagbibigay niya ng Kanyang katawan sa bahagi ng komunyon. Ang Liturhiya ng Salita at Liturhiya ng Eukaristiya ay bumubuo ng isang akto ng pagsamba (SC 56); sa katunayan ang hapag na inihanda para sa Eukaristiya ay kapwa Salita ng Diyos at katawan ng ating Panginoon. Dito nagsisimula ang hapag ng Panginoon na muling nabuhay kasama ng kanyang mga alagad; sa daan ipinaliwanag niya ang mga Kasulatan at saka naupong kasalo sila, "kumuha ng tinapay, binigyan ng bendisyon, hinati iyon at ibinigay sa kanila" (KIK 1364). Tayo ay nagkakatipon tuwing Linggo upang makinig sa Salita ng Diyos at pagkatapos ay tanggapin ang Kanyang katawan at dugo sa anyo ng tinapay at alak sa bahagi ng komunyon.

AYON SA SALITA NG DIYOS:"Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo.  Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin" ...
23/08/2026

AYON SA SALITA NG DIYOS:

"Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin" (Lukas 22:19).

Sinabi ni Jesus, gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin." Ang bilin na ito ay tinupad ng mga apostol at pinagpatuloy ng Simbahan sa pamumuno ng Santo Papa, mga Obispo at mga kaparian kasama ang lahat na binyagan. Ang Banal na Eukaristiya ang pinakamataas na uri ng panalangin sapagkat ang Diyos na ating sinasamba ay tunay nating nakakasama sa anyo ng tinapay at alak. Tayo'y inaasahan na makiisa ng may kamalayan, buo at aktibong pakikiisa sa pananalangin, pakikinig sa Salita ng Diyos, pag-awit at pagtugon, lalo na ang pagtanggap natin sa katawan at dugo ni Jesus ng may pananampalataya.

SALITA NG DIYOS NA PANGHAHAWAKAN:

"Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin" (1 Corinto 11:24).

ANG HAMON SA PAMILYA:

Panagutan ang misyon natin na ipahayag at ipagtanggol ang pananampalataya, sa simpleng paraan ay tumulong sa gawaing misyon ng Simbahan.

Agosto 23, 2026ANG PAGTATATAG NG BANAL NA EUKARISTIYABakit itinatag ni Jesus ang Banal na Eukaristiya?Ang Turo ng Simbah...
22/08/2026

Agosto 23, 2026
ANG PAGTATATAG NG BANAL NA EUKARISTIYA

Bakit itinatag ni Jesus ang Banal na Eukaristiya?

Ang Turo ng Simbahan:

Itinatag ni Jesus ang Banal na Eukaristiya sapagkat nais Niyang iligtas ang lahat ng tao. Ang Banal na Eukaristiya ay tanda ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa atin sapagkat sa pagdiriwang nito ay paulit-ulit nating ginugunita ang kanyang pag-aalay ng buhay para sa ating kaligtasan. Ito rin ang ugat ng ating lakas bilang Kristiyano sapagkat dito ay tunay natin siyang nakakasama upang bigyan tayo ng grasya sa lahat ng pagsubok natin sa buhay.

Sa Huling Hapunan ay itinatag ni Jesus ang Banal na Eukaristiya upang patuloy nating alalahanin ang kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay at ipagdiwang ito hanggang sa Kanyang pagbabalik. Ang Eukaristiya ang pinakasentro, puso at buhay ng Simbahan kung saan sama-sama nating ipinagdiriwang ang Banal na Misa. Tinuturo rin sa atin ang mga pangunahing bagay sa pananampalatayang Katoliko na magkaroon ng mas malalim, mas personal at mas mapagnilay na pag-unawa ng Eukaristiya bilang isang handog ng pagmamahal ng Diyos para sa atin (KIK 1323-1324).

Address

Malamig Calapan City
Oriental Mindoro

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kalendaryo Ng Katesismong Katoliko posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share