BALIK ISLAM OF THE PHILIPPINES

BALIK ISLAM OF THE PHILIPPINES Islam founded by HEART... LOVE FOR HUMANITY. ANYONE WHO LIKE TO SHARE ZAKAT & ZADAKAH JUST SEND IT TO;

BANCO DE ORO
ACCT. NAME; DENIS L.

Created by individuals who want to seek the PLEASURE of Allah (swt) for the purpose of spreading Islam in the light of the Prophet Muhammad's (saw) Sunnah. HONG
ACCT. # ; 008250019933
BRANCH; PURE GOLD , CALAPAN CITY, ORIENTAL MINDORO

SWIFT CODE ; BNORPHMM
CP # +639095291912 ask for IMAM ISHMAEL "DENIS" HONG

MASJID CONSTRUCTION AT BRGY. ZONE 3, SOCORRO, ORIENTAL MINDOROUNDER THE SUPERVISION & ADMINISTRATION OF MINDORO ISLAMIC ...
25/10/2025

MASJID CONSTRUCTION AT BRGY. ZONE 3, SOCORRO, ORIENTAL MINDORO

UNDER THE SUPERVISION & ADMINISTRATION OF MINDORO ISLAMIC RESEARCH CENTER INC. (MIRCI)
BY IMAM ISHMAEL DENIS HONG
CHAIRMAN / AMEER & FOUNDER OF MIRCI..

SINO MAN ANG MAGTULONGAN SA PAGTATAGUYOD NG DEEN ISLAM AY ITATAGUYOD DIN NI ALLAH swt. DITO SA MUNDO AT SA KABILANG BUHAY.
AT DINO MAN ANG TUMULONG MAGTAYO NG BAHAY DASALAN MASJID PARA KAY ALLAH swt. AY IPAGAPATAYO DIN NI ALLAH swt. NG PALASYO SA KABILANG BUHAY..

HELP BUILD MASJID..

THE MORE PEOPLE COME BACK TO ISLAM THE MORE MASJID WE NEED TO BUILD.. IN SHAA ALLAH..

FI'SABILILLAH..
ALHAMDULILLAH..
JAZAKHALLAHUKHAIRAN TO ALL YOUR DU'A & SUPPORT..

SOON WILL BE COMPLETED..IN SHAA 'ALLAH..AMEEN..

11/01/2024
24/12/2023

ng Pagtitiis ( Sabr )

Ang pagtitiis ay may tatlong uri:



- Pagtitiis sa pagsunod sa mga utos ng Allah, pagtititiis na makagawa ng kasalanan at pagtitiis sa mga itinadhanang pangyayari o pagsubok. Katotohanan ang mundo ay lugar ng pagsubok, suliranin, pagod at hirap, takot o pagkabahala at walang kapahingaan. Sarap nito’y pabago-bago, kondisyon niya ay paiba-iba, tamis niya ay nagmamaliw.



At ilan sa dunong o aral mula sa Allah na ginawa ang mundo na puno ng kapighatian, kalungkotan, at napakaraming pagsubok upang hindi makalimutan ng mga tao ang kanilang Panginoon, Kanyang Paraiso at pagsamba sa Kanya. At ilan din sa biyaya at pagmamahal mula sa Allah kung saan hindi Niya ginawa sa Kanyang alipin na makaranas ng dalawang paghihirap o pagsamahin ang dalawang pagkatakot, kaya kapag dumating sa alipin ang hirap o takot sa mundo, o kaya dumampi sa kanya ang lungkot, pagkaligalig, o biglang dumatal sa kanya ang sakuna, katotohanan itinataas lamang ng Allah ang kanyang antas sa Kabilang buhay, at pagkakalooban siya ng napakainam na tahanan at ibibigay sa kanya ang gantimpala ng walang pagbibilang. Kahit na ang tinik na sumugat sa kanya at sa kabila niyon siya ay nagtitiis at naghahangad ng gantimpala mula sa Allah, magiging kabayaran ito ng kanyang mga kasalanan at itataas ang kanyang antas.



Nanaisin ng mga tumatamasa ng kaginhawaan sa mundo na ang mga katawan nila ay pag-aalisan ng laman sa nakikita nilang gantimpala ng mga pumasa sa pagsubok. Kaya’t sinuman ang dinatnan ng pagsubok o suliranin, pagod at hirap sumandal siya sa Panginoon ng kalangitan at kalupaan sapagkat ang Kanyang tulong ay abot-kamay, pagkalinga Niya ay napakalawak, kabutihan Niya ay sumasaklaw sa lahat, nagbibigay lunas sa mga suliranin, tumutulong sa mga nangangailangan, sumasagot sa mga kahilingan at nagtatanggol ng mga inaapi.



Tinipon ng Allah para sa mga matiisin ang apat na bagay na hindi inipon sa iba ito ang: magandang balita, Salawat(mga biyaya at kapatawaran), habag at patnubay. Sabi ng Allah:

{ datapwa’t magbigay ng magandang balita sa mga matimtiman sa pagbabata. Na kung sila ay makaranas ng kapinsalaan (pagsubok ay nagsasabi: “Katotohanang kami ay pag-aangkin ni Allah at sa Kanya kami magbabalik. Sila ang mga tumatanggap ng Salawat (mga biyaya at kapatawaran) at ng habag mula sa kanilang Panginoon at sila ang tunay na napapatnubayan. }[1]



Sabi ng Sugo ng Allah 9: “ Walang isang muslim na tinamaan ng pagsubok at kanyang sasabihin: Anuman ang itinakda ng Allah katotohanang kami ay pag-aari ng Allah at sa Kanya kami magbabalik, O Allah gantimpalaan po Ninyo ako sa pinsalangdumatal sa akin, at palitan ito ng mas mainam, maliban sa papalitan ito ng Allah para sa kanya ng mas mainam.”[2]



“Mga makakatulong sa pagtitiis”



Malaman na ang Allah ay gumagawa ng anumang Kanyang naisin, at yan ang Kanyang Batas o Tadhana.
Nang dahil sa huling hantungan ng alipin ay sa Allah, dapat niyang malaman na ang mundong ito ay sandaling paglalakbay lamang gaano man ito katagal, na iiwan din niya ito kaagad o hindi kalaonan at haharapin niya ang kanyang Panginoon gaya ng unang pagkalikha sa kanya walang magulang, pamilya, kayamanan subalit haharap siya kasama ang kanyang mabuti o masamang nagawa.
Ang masaksihan ng alipin ang magagandang gantimpala na ipinangako ng Allah sa sinumang nagpapatawad at nagtitiis.
Ang malaman na kung sasaktan man siya sa gawaing para sa Allah o dahilan sa pagsunod sa utos ng Allah ay hindi nararapat sa kanya ang bumawi, sapagka’t kung sinaktan siya sa landas ng Allah, ang kanyang gantimpala ay mula sa Allah.
Ang masaksihan na ang Allah ay kapiling ng mga nagtitiis, minamahal at kinaglulugdan, at sinuman na kapiling niya ang Allah ililigtas siya sa anumang makakasama o makakapinsala, na kung saan walang sinuman ang makahaharang nito sa mga nilikha maliban sa Allah.
Ang malaman na kapag siya ay nagtiis, ang Allah ang kanyang tagapagtanggol at nararapat lamang, kaya hindi dapat magsarili (humingi ng tulong sa Allah) sapagkat ang Allah ang mainam na tagapagtanggol.
Ang malaman na ang mga dumaratal na pagsubok ay maaring kapatawaran ng mga kasalanan o di kaya upang itaas ang kanyang antas.


“Ang pagtitiis sa Sunnah”



Sinabi ng butihing Propeta 9:



“ Kamangha-mangha ang kalagayan ng isang mu’min, lahat ng gawain niya ay pawang nakakabuti sa kanya, at hindi mo makikita yaon maliban lamang sa isang mu’min. Kapag dumating sa kanya ang kabutihan nagpapasalamat at iyon ang makabubuti sa kanya at kapag tinamaan naman ng sakuna nagtitiis at yaon din ang makabubuti sa kanya.”[3]



“ At katotohanan na kapag minahal ng Allah ang lipon ng mga tao susubukan niya ang mga ito, kaya’t sinuman ang magtitiis mapasakanya ang pagkalugod at sinuman ang magalit mapasakanya ang galit.”[4]



“ Patuloy na daranas ang mananampalataya (lalaki o babae) ng mga pagsubok sa kanyang sarili, anak at ari-arian hanggang sa humarap siya sa Allah na walang anumang bahid ng kasalanan.”[5]



“Mga kasabihan tungkol sa Sabar”



Sinabi ni Omar bin Al-khattab 0: “ Natagpuan namin ang pinakamainam na pamumuhay sa pagtitiis.” At ayon naman kay Ibn Mas’ud 0: “ Ang pagtitiis ay kalahati ng pananampalataya at ang kapanatagan ay siyang buong pananampalataya.” Sinabi ni Shaikhul Islam Ibn Taymiyyah e: “ Isa sa pagiging ganap ng biyaya ng Allah sa Kanyang mga alipin ang daranas sila ng matinding pagsubok o pinsala na siyang magdadala sa kanila tungo sa pagkilala sa Kaisahan ng Allah, hihiling sila sa Kanya lamang wala ng iba pa, kaya’t magiging malapit ang kanilang mga puso sa Kanya, magtitiwala at magbabalik sa Kanya, matitikman nila ang tamis ng pananampalataya at pagiging ligtas sa Shirk na kung saan mas mainam na biyaya kaysa pagkawala ng sakit o takot, kagaanan ng buhay o pagkawala ng hirap, sapagka’t ang mga yaon ay pawang pisikal na sarap at makamundong biyaya na maaaring matamo din ng di-mananampalataya ang mas mainam pa sa natamo ng mananampalataya. Subalit ang matatamong biyaya ng mga sumasampalataya sa Kaisahan ng Allah ay mas malawak pa kaysa sa pagbanggit nito, at bawat mu’min ay magkakamit sang-ayon sa kanyang pananampalataya.



“Ang nakaranas ng pinakamatinding pagsubok”



Sinabi ng Propeta 9: “ Pinakamatinding nakaranas ng pagsubok sa mga tao ay ang mga Propeta pagkatapos ang mga tulad nila, at tutulad pa sa kanila” [6], tunay na sinubukan na ng Allah ang pinakamamahal niya sa mga tao, pinakamarangal at pinakamalapit sa kanya, at iyon ang siyang dati ng pamamaraan upang itaas ang antas, makilatis ang mga mahal at masubukan ang kakampi, kaya unang dumatal sa mga Propeta ng Allah ang mga sakunang di inaasahan, subalit walang naidagdag sa kanila maliban sa lalo pa silang nagtiis at inihayag ang pagkalugod. Kung ang mga Propeta ay dumanas ng iba’t-ibang uri ng pagsubok at sakuna, tunay na ang pinakamarangal na nilikha at pinakamalinis sa mga tao si Propeta Muhammad 9ay dumanas din ng mas mahirap na pagsubok, magkaganun paman inatasan parin siya ang Allah na magtiis sa maraming bersikulo ng Maluwalhating Qur-an. Sabi ng Allah: { Kaya’t maging matiyaga ka (O Muhammad) na kagaya rin nang ginawa (noon) ng mga Sugo na may matatag na hangarin at huwag kang

mawalan ng pasensiya sa mga hindi sumasampalataya

[7]tunay na mananampalataya sa kanyang Panginoon at nagtitiwala sa Kanyang tulong.



Itininakda sa Ama nating si Adan 8ang pagsubok, at siya ang unang dumanas nito. Nilikha siya ng Allah sa Paraiso at itinuro sa kanya ang lahat ng mga pangalan at pinatirapa sa kanya ang mga anghel. Binawalan siyang kainin ang bunga ng isang puno subalit binulungan siya ni Satanas hanggang kumain siya, kaya ibinaba siya ng Allah sa lupa at pinagkaitan ng sarap ng buhay sa Paraiso na lalong nagpatindi ng kanyang suliranin. Pinatay ng isa sa kanyang dalawang anak ang kanyang kapatid, at nang tumagal ang kanyang kapighatian at iyak, at patuloy ang paghingi ng tawad, pagpapakumbaba at luha, pinatawad siya ng Allah, ginabayan, nilutas ang suliranin at iniligtas sa kapahamakan.



Ganyan ang dinanas ng mga Propeta, walang isa man sa kanila maliban sa dumanas ng mga pagsubok, si Noah, Abraham, Lut, Jonas, Moises, Hesus, Hakob, Job subalit ang tiwala nila sa Allah ay napakalaki at ang pagkalugod nila sa kanyang itinadhana ay nasaksihan ng lahat.



“Ang pagkakaroon ng Gabay at Pagtitiis”



Katotohanan na ang pagtitiis ay ilan sa mga dakilang katangian ng bagong gabay na hindi dapat mawala sa daan ng patnubay. Sapagka’t hindi maiwasan na mahaharap siya mula sa mga tao ng mga panunuligsa o paglayo kung hindi man siya sasaktan o parurusahan, subalit nang dahil sa pagtitiis patuloy siya sa tinatahak na landas, hindi iniinda anumang harapin na pagsubok sa landas nito.



O kayong mga mabubuti! O kayong mananampalataya! Kayo ang karapat-dapat magmamay-ari ng katangiang ito, sapagkat haharap kayo sa mga pahirap, at mga pasakit, nilisan ninyo ang inyong sariling kagustuhan at si Satanas, iniwan ang mga mahal sa buhay at sariling pagnanasa, naging maingat kayo sa mga limitasyon ng Allah pag-uutos man ito o pagbabawal, pagsasakatuparan man o pag-iwan. Mga kaaway ninyo ay marami at sasalungat sa inyo ay mas marami. Kaya anong sidhi ng pangangailangan ninyo ng pagtitiis?! Nang sa ganun matahak ninyo ang landas na mahirap. At matinding pakikibaka upang pasanin ang mga pagsalungat ng mga tao?! Tibayan ninyo ang inyong mga sarili sa pagpasan ng mga bagay na di ninyo nanaisin, wag mabahala at maghintay ng lunas na walang kapaguran sapagkat ito ay pamamaraan ng Allah upang makilala ang mabuti sa masama.



Anong sidhi rin ng pangangailangan ninyo ng pagtitiis kapag nahuli ang tulong at tagumpay mula sa Allah?! Sabi ng Allah:

{ At kayo ba ay nag-aakala na kayo ay magsisipasok sa Paraiso nang walang anumang (pagsubok sa inyo) na katulad ng dumatal sa mga nangauna sa inyo? Sila ay nakaranas ng mga matinding kahirapan at karamdaman at lubha silang nawalan ng katatagan, na maging ang Tagapagbalita at ang mga naniniwala na kasama niya ay nagsabi: “Kailan pa kaya daratal ang Tulong (Paglingap) ni Allah?” Katotohanan (tunay nga at walang pagsala), ang Tulong ni Allah ay malapit na! } [8]



Katotohanan tayo sa huling panahon na ito ay mas nangangailangan ng Pagtitiis, sapagkat ang kamalian ay lumaganap na at iba’t iba ang anyo, ganun din ang mga nananawagan tungo rito. Napalibutan tayo ng mga kaaway saan mang dako at sulok, at ang Propeta 9 ay nagbigay ng payo sa atin nang kanyang sabihin: “ Katotohanan sa likod ninyo ay mga araw ng pagtitiis, ang pagtitiis dito ay para bagang paghawak ng nagbabagang Apoy, ang matiisin sa kanila ay kahalintulad (ang gantimpala) sa 50 kalalakihan(sa kapanahunan ng sahabah), gumagawa sila ng tulad ng kanyang gawa.”[9]



Alalahanin ninyo na ang Pagtitiis at ang Tagumpay ay nakakamit pagkatapos ng pagod, pagsisikap at tiyaga. Sabi ng Allah: { At magsihingi kayo ng tulong (kay Allah) sa pagiging matimtiman at matiyaga at pag-aalay ng Salah (takdang pagdarasal). } [10]



Ang Pagtitiis ay siyang mabuti, pangangalaga ng Salaah, kataimtiman sa harap ng Allah, pagkatakot sa Kanya, panalangin at buong tiwala sa Kanya, dumarating ang gabay at nabubuksan ang mga nakasara. Ito ang panangga natin sa ating kalaban at kaagapay kapag nawalan na ng pag-asa sa mga tao.



Nararapat lamang na manalangin tayo sa Allah kagaya ng ilan sa lipon ng mga mananampalataya ng maharap sila kay Goliath at kanyang mga kabig, iniligtas sila ng Allah at nanaig sila kay Goliath at kanyang mga kabig, sila ay nanalangin: “ Aming Panginoon! Ibuhos Ninyo sa amin ang pagtitiyaga at gawin Ninyong matatag ang aming mga hakbang. Kami ay gawin Ninyong matagumpay laban sa mga walang pananampalataya.” At katulad ng panalangin ng tagasunod ni Moises at iniligtas sila ng Allah mula kay Paraon at winakasan ang buhay niya. Kanilang sinabi: “ Aming Panginoon! Ibuhos Ninyo sa amin ang pagtitiyaga at bawian mo kami ng buhay na mga Muslim.”

Hindi ba nararapat mo lamang silang tularan?



Tunay na inilarawan sa atin ng kasaysayan ang mga ehemplo sa larangan ng pagtitiis. Itinala sa kasaysayan ng pamilya ni Yasser ang pinakamalaking simbolo ng pagtitiis at pagpasan ng pinakamatinding uri ng pananakit. Namatay si Yasser 0sa matinding parusa at kanyang maybahay nang saksakin siya ni Abu Jahl sa kanyang maselang bahagi, si Abdullah naman nang siya ay panain at walang natira kundi si Ammar bin Yasser na siyang nagpatuloy ng daan tungo sa pagtitiis at sakripisyo upang pagsilbihan ang Islam. Ganoon din si Bilal sinubukan ng bagay na mahirap harapin at nagpasan ng pasanin na mahirap buhatin. Si Khabbab, ibn Mas’ud, Aisha, Ummu Salamah at maliban pa sa kanila 4 na nagtiis sa sakunang dumatal sa kanila sa landas ng Allah-pagsamahin nawa tayo at sila sa Paraiso-.



“ Limang magagandang Balita

para sa mga nakaranas ng Kahirapan”



Isinalaysay ayon kay Hasan Al-Basri ena kanyang sinabi: “ Nakamamangha ang taong dumatal sa kanya ang sakuna na nalimutan ang tungkol sa limang bagay na kung saan ginawa ng Allah para sa sinuman sa kanila na magsabi ng mga ito:



● Sabi ng Allah: { At katiyakang kayo ay Aming susubukan sa mga bagay na tulad ng pangamba at pagkagutom, (ang ilan) ay pagkalugi sa hanapbuhay o pagkawala ng kayamanan, pagkawala ng buhay, at pagkawala ng bungangkahoy (na inyong pinaghirapan) datapuwa’t magbigay ng magandang balita sa mga matimtiman sa pagbabata. Na kung sila ay makaranas ng kapinsalaan (pagsubok) ay nagsasabi: “Katotohanang kami ay pag-aangkin ni Allah at sa Kanya kami magbabalik. Sila ang mga tumatanggap ng Salawat (mga biyaya at kapatawaran) at ng habag mula sa kanilang Panginoon at sila ang tunay na napapatnubayan. } [11]



● { Ang mga (mapagkunwari) na nagsasabi sa mga tao (sumasampalataya): “ Katotohanan ang mga tao (mga pagano) ay nagtipun-tipon laban sa inyo (na malaking sandatahan), kung gayon inyong katakutan sila.” Datapuwa’t ito ay lalo (lamang) nagpasidhi sa kanilang pananampalataya, at sila ay nagsabi: “ Si Allah (lamang) ay sapat na sa amin, at Siya ang pinakamahusay sa pag-aayos ng lahat ng pangyayari (para sa amin).”} [12]

● { Ang aking (sariling) pangyayari (kahahantungan) ay inilalaan ko kay Allah; sapagkat si Allah ay lagi ng Nagmamasid sa Kanyang mga alipin.” Kaya’t pinangalagaan siya ni Allah sa mga kasamaan na kanilang binalak…} [13]

● { At (alalahanin) si Dhun-Nun (Jonah), nang siya ay lumisan na napopoot; na nag-aakala na siya ay hindi Namin susubukan (sa mga kapahamakan na mangyayari sa kanya). Kaya’t siya ay nanambitan sa mga (oras ng) kadiliman: “ La ilaaha illa Anta” (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Inyo [Allah]. Higit Kayong Maluwalhati (at Kataas-taasan) sa lahat ng (gayong kasamaan na kanilang itinatambal sa Inyo). Katotohanang ako ay nakagawa ng kamalian.” Kaya’t tinugon Namin ang kanyang panambitan, at Aming iniligtas siya sa kapighatian. Sa gayon Namin inililigtas ang mga sumasampalataya (na nanalig sa Kaisahan ni Allah, umiiwas sa kasamaan at gumagawa ng kabutihan). [14]

● { At sila ay hindi nagsasabi ng anuman maliban sa: “ Aming Panginooon! Patawarin Ninyo ang aming mga kasalanan at ang aming paglabag (sa mga tungkulin namin sa Inyo), patatagin Ninyo ang aming mga paa at Inyong pagkalooban kami ng tagumpay laban sa mga hindi nananampalataya.” Kaya’t ibinigay ni Allah sa kanila ang gantimpala sa mundong ito at ang pinakamainam na gantimpala sa Kabilang Buhay. At si Allah ay nagmamahal sa mga gumagawa ng kabutihan. }. [15]



Mga bagay na dapat isaalang-alang sa Pagtitiis:



1- Dapat na ang hangad sa pagtitiis ay ang Allah at ang Kanyang pagkalugod lamang. Sabi ng Allah: { At sila na nagsisipagtiis alang-alang sa kasiyahan ng kanilang Panginoon}

2- Ang magtiwala sa Allah at sa Kanyang tulong, ganun din ipaubaya ang kanyang buhay sa Kanya. Sabi ng Allah: { At sila na nagsisipagtiis at nagbigay ng buong tiwala sa kanilang Panginoon }

3- Namumunga ang pagtitiis sa buhay ng mga matakutin at mundo ng mga mataimtim. Sabi ng Allah: { Ngunit kung kayo ay mananatiling matiyaga (matatag) at maging Al-Muttaqun, wala ni isa mang katiting na kapinsalaan ang magagawa ng kanilang katusuhan sa inyo }

4- Namumunga ang pagtitiis kasama ng Salaah at pangangalaga nito. Sabi ng Allah: { At sila na nagsisipagtiis alang-alang sa kasiyahan ng kanilang Panginoon, at nag-aalay ng dasal nang mahinusay, at gumugugol mula sa biyaya na Aming ipinagkaloob sa kanila, nang lihim at lantad}

5- Namumunga ang pagtitiis kasama ng pagiging totoo, pagsamba, paggugol ng panahon sa landas ng Allah at paghingi ng tawad sa Kanya. Tunay na pinuri ng Allah ang mga alipin Niya na kung saan inihanda para sa kanila ang pinakamainam na gantimpala ng Kanyang sabihin: { (Sila) na matimtiman sa pagtitiyaga, ang mga tapat ( sa pananampalataya, sa salita at sa gawa), ang masunurin na may tapat na debosyon sa pagsamba kay Allah. Ang mga gumugugol at mga nananalangin at humihingi ng kapatawaran ni Allah sa mga huling oras ng gabi}

6- Namumunga ang pagtitiis sa pamamagitan ng paghahangad ng gantimpala mula sa Allah sa mga pagsubok na hinaharap, sabi ni Propeta Muhammad 9: “ Ang Allah ay nagsasabi: walang Akong gantimpalang igagawad sa Aking alipin kapag kinuha Ko sa kanya ang pinakamamahal niya(katulad ng pagkamatay ng malapit sa kanya ang magulang, anak, asawa, kaibigan atbp.) mula sa mga tao at pagkatapos nagtiis at naghangad ng gantimpala maliban pa sa Paraiso.”[16] Ang utos ng Allah ay yaong sinabi Niya: { Na kung sila ay makaranas ng kapinsalaan (pagsubok) ay nagsasabi: “Katotohanang kami ay pag-aangkin ng Allah at sa Kanya kami magbabalik.}



Tunay na ang pagtitiis ay kaagapay sa mundong ito at pagtaas naman ng antas sa kabilang buhay. Alamin mo na ang pagtitiis ay susi ng kaginhawaan at kasunod ng mahirap ay kagaanan. Kapag dumating sa puntong halos manghina kana alalahanin mo si Propeta Muhammad 9 ng siya ay lumabas ng Makkah patungong Taif upang magpalaganap ng Islam. At siya naman ay sinalubong ng pamayanan nito ng pananakit salita man o gawa. Hanggang sa binato siya at tinamaan ang kanyang paanan na kaagad naman tumulo ang dugo. Nang bumalik siya sa Makkah natulog siya pansamantala sa isang lugar na tinatawag na “Nakhlah” at lahat niyon ay ginawa niya ng nag-iisa at naglalakad lamang walang sasakyan. Kung ikaw ay saksaktan sa landas ng Allah basahin mo { Ngunit sila ay huwag mong saktan (pahirapan), at magtiwala ka kay Allah sapagkat Sapat na si Allah bilang Mapagkakatiwalaan }



Kung umagas ang dugo mula sa mukha mo alalahanin ang sinabi ng Sugo 9 habang pinupunasan ang dugo sa kanyang mukha : " O Allah! Patawarin mo ang aking mga tao sapagkat hindi nila batid (ang tama o katotohanan), at kapag nakita mo ang pananaig ng kasamaan alalahanin { at tungkol sa bula , ito ay naglalaho at ang makabubuti sa sangkatauhan ay mananatili sa kalupaan }



[1] [Al-Baqarah 2:155-157]

[2] Muslim

[3] Muslim

[4] Inulat ni At-Tirmidhi at sinabi na mabuting Hadith

[5] Inulat ni At-Tirmidhi at sinabi na mabuti at tama

[6] P. 31

[7] [Al-Ahkaf 18:35]

[8] [Al-Baqarah 2:214]

[9] At-Tabarani [Al-Awsat (17/117)]

[10] [Al-baqarah 2:45]

[11] [Al-Baqarah 2:155-157]

[12] [Al-Imran 3:173-174]

[13] [Ghafir 40:44-45]

[14] [Al-Anbiya 21:87-88]

[15] [Al-Imran 3:147-148]



[16] Al-Bukhari

ANG ALLAH(swt) ANG HIGIT NA NAKAKAALAM...
ALHAMDULILLAH...

MIRCI SERVICING HALAL NIKAH ISLAMIC MARRIAGE CEREMONY ALL OVER THE PHILIPPINE.WE ALSO PROCESSING LEGAL & REGISTERED MARR...
20/12/2023

MIRCI SERVICING HALAL NIKAH ISLAMIC MARRIAGE CEREMONY ALL OVER THE PHILIPPINE.

WE ALSO PROCESSING LEGAL & REGISTERED MARRIAGE CERTIFICATE.

JUST PM/DM
IMAM ISHMAEL Denis Hong
MIRCI CHAIRMAN/AMEER/FOUNDER
CP # +639274044634
+639095291912

JAZAKHALLAHUKHAIRAN...

Address

Brgy. Poblacion 4, Victoria. Oriental Mindoro
Oriental Mindoro
5205

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BALIK ISLAM OF THE PHILIPPINES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share