04/10/2025
πππΌππ @ππ±: ππΌπππΌππΌππΌππππΌπ, ππΌππππππππππΏ, πΌπ ππΌππΌππΌπππΌππΌππΌππΌ!
Noong 2010, sa pangunguna ng Franciscans of Our Lady of Divine Providence at ng kanilang nag-iisang mother superior na si Mo. Mary Peter Camille A. Marasigan, FLDP, isinilang ang isang samahang kabataan na naglalayong mamuhay ayon sa halimbawa ni San Francisco de Assisi. Mula sa pangalang Munting Alagad ni San Francisco, ngayo'y kinikilala bilang Munting Kabataang Alagad ni San Francisco (MKASF).
Sa loob ng labinlimang taon, tayo ay naging tahanan ng mga kabataang nagsusumikap maging mapagpakumbaba, mabait, tapat, matatag, at may pananampalataya β mga birtud na nagbibigay saysay sa ating paglilingkod at pananampalataya.
π§π₯ππ©ππ:
Ang MKASF ay nagsimula bilang isang maliit na grupo ngunit ngayon ay patuloy na lumalago, nagiging daluyan ng pagkakapatiran, pag-ibig sa kapwa, at pagiging buhay na saksi ng Ebanghelyo para sa ikabubuti ng bawat isa.
π π’π§π§π’:
"Munting Kabataang Alagad ni San Francisco, bearer of Godβs Goodness."
Ngayon, sa ating ika-15 anibersaryo, ipinagdiriwang natin ang hindi matatawarang biyaya ng Diyos sa ating samahan. Nawaβy magsilbi itong paalala na ang kabataan ay mahalagang katuwang sa simbahan at lipunan β mga alagad na handang maglingkod, magmahal, at maghatid ng pag-asa.