Nuestra Señora de la Soledad de Maquinaya

Nuestra Señora de la Soledad de Maquinaya The official page of Cofradia de la Nuestra Señora de La Soledad de Maquinaya.
(1)

{𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈} Ngayong araw, ika-8 ng Pebrero, ipinagdiriwang ng Bayan ng Pateros ang Pistang Bayan alay kay Santa Marta de P...
08/02/2026

{𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈}
Ngayong araw, ika-8 ng Pebrero, ipinagdiriwang ng Bayan ng Pateros ang Pistang Bayan alay kay Santa Marta de Pateros. Pagbati sa Dambanang Pangdiyosesis ni Santa Marta, Parokya ni San Roque, Pateros sa kanilang pagdiriwang ng Pistang Bayan. Viva Santa Marta de Pateros!

𝗣𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗞𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗧𝗔
O Diyos na makapangyarihan, dahil sa dakila mong pagmamahal sa sangkatauhan ay nagkatawang-tao ang iyong Anak at nakipamuhay sa amin. Natagpuan niya sa iyong lingkod na si Sta. Marta ang walang pasubaling pagtanggap sa kanyang tahanan nang may masiglang paglilingkod at galak sa pakikipagkaibigan.
Nawa ay maging laging bukas ang aming puso sa pagtanggap sa iyong Anak na si Hesus na ang nais ay ang pakikinig sa kanyang Salitang nagbibigay buhay at tinawag na pinagpala ang lahat ng nagsasabuhay nito.

Sa halimbawa ng ulirang panananalig ni Sta. Marta, ay maging buo ang loob namin na ipahayag na si Hesus ang Mesias, ang Anak ng Diyos, ang aming Buhay at Muling Pagkabuhay.

Pakumbabang iniluluhog namin na ibuhos mo ang Iyong masaganang pagpapala sa amin na nakaka-alaala sa malalim na pag-ibig at pananampalataya na ipinakita ni Sta. Marta sa iyong Anak. Alang-alang sa mga panalangin ni Sta. Marta ay ipagkaloob mo ang aking kahilingan (banggitin ang kahilingan) kung ito ay para sa kagalingan ko at kaluwalhatian mo.

At sa wakas ng aming paglalakbay dito sa lupa, ay masapit nawa ang tahanang inihanda ni Hesus para sa amin sa langit at mamalas ang iyong kaluwalhatian kasama ng lahat ng mga banal at ng lingkod mong si Sta. Marta.

Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

𝐌𝐚𝐫𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐭𝐚𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧,
𝘬𝘢𝘮𝘪'𝘺 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘥𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯.

(Magdarasal ng isang Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati para sa intension ng Santo Papa)

———————————————
*For Inquiries and questions, you may message this page so that admins and moderators can respond to your question/s
*Parish office is open 8:00 am - 11:30 am in the morning and 1:00 pm - 4:00 pm in the afternoon Tuesday-Sunday.
———————————————
𝗙𝗢𝗟𝗟𝗢𝗪 𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗨𝗦 𝗢𝗡 𝗢𝗨𝗥 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗔 𝗔𝗖𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗦:
𝗗𝗶𝗼𝗰𝗲𝘀𝗲 𝗼𝗳 𝗜𝗯𝗮 - 𝗜𝗺𝗺𝗮𝗰𝘂𝗹𝗮𝘁𝗲 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵 - 𝗕𝗮𝗿𝗿𝗲𝘁𝘁𝗼:
https://www.facebook.com/icpbarretto/
𝗜𝗖𝗣 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵:
https://www.facebook.com/ICPBYM/
𝗖𝗼𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗜𝗻𝗺𝗮𝗰𝘂𝗹𝗮𝗱𝗮:
https://www.facebook.com/icpbarrettomusicministry/
𝗡𝘂𝗲𝘀𝘁𝗿𝗮 𝗦𝗲𝗻𝗼𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗹𝗮 𝗦𝗼𝗹𝗲𝗱𝗮𝗱 𝗱𝗲 𝗠𝗮𝗾𝘂𝗶𝗻𝗮𝘆𝗮:
https://www.facebook.com/SoledadDeMaquinaya/




𝗣𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗧 𝗦𝗔𝗕𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗟𝗘𝗗𝗔𝗗 𝗗𝗘 𝗠𝗔𝗤𝗨𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔Mga kapatid, ngayong araw ...
07/02/2026

𝗣𝗔𝗡𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗧 𝗦𝗔𝗕𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗥𝗛𝗘𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗟𝗘𝗗𝗔𝗗 𝗗𝗘 𝗠𝗔𝗤𝗨𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔

Mga kapatid, ngayong araw ng Sabado ating iluhog ang mga kahilingan at ang ating mga dasal sa ating Mahal na Birhen ng Soledad ng Maquinaya.

𝗡𝘂𝗲𝘀𝘁𝗿𝗮 𝗦𝗲𝗻𝗼𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗹𝗮 𝗦𝗼𝗹𝗲𝗱𝗮𝗱 𝗱𝗲 𝗠𝗮𝗾𝘂𝗶𝗻𝗮𝘆𝗮,
𝘪𝘱𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘱𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪.

———————————————
*For Inquiries and questions, you may message this page so that admins and moderators can respond to your question/s
*Parish office is open 8:00 am - 11:30 am in the morning and 1:00 pm - 4:00 pm in the afternoon Tuesday-Sunday.
———————————————
𝗙𝗢𝗟𝗟𝗢𝗪 𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗨𝗦 𝗢𝗡 𝗢𝗨𝗥 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗔 𝗔𝗖𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗦:
𝗗𝗶𝗼𝗰𝗲𝘀𝗲 𝗼𝗳 𝗜𝗯𝗮 - 𝗜𝗺𝗺𝗮𝗰𝘂𝗹𝗮𝘁𝗲 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵 - 𝗕𝗮𝗿𝗿𝗲𝘁𝘁𝗼:
https://www.facebook.com/icpbarretto/
𝗜𝗖𝗣 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵:
https://www.facebook.com/ICPBYM/
𝗖𝗼𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗜𝗻𝗺𝗮𝗰𝘂𝗹𝗮𝗱𝗮:
https://www.facebook.com/icpbarrettomusicministry/
𝗡𝘂𝗲𝘀𝘁𝗿𝗮 𝗦𝗲𝗻𝗼𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗹𝗮 𝗦𝗼𝗹𝗲𝗱𝗮𝗱 𝗱𝗲 𝗠𝗮𝗾𝘂𝗶𝗻𝗮𝘆𝗮:
https://www.facebook.com/SoledadDeMaquinaya/






{𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈}Ngayong araw, ika-5 ng Pebrero ipinagdiriwang ng Bayan ng Santa Maria, Bulacan ang kapistahan ng Mapaghimalang ...
05/02/2026

{𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈}
Ngayong araw, ika-5 ng Pebrero ipinagdiriwang ng Bayan ng Santa Maria, Bulacan ang kapistahan ng Mapaghimalang Birhen, Pintakasi ng Bayan ng Santa Maria at ang Maningning na Tala ng Lalawigan ng Bulacan, La Purisima Concepcion de Santa Maria. Pagbati sa Minor Basilica and Parish of La Purisima Concepcion - Santa Maria sa kanilang pagdiriwang ng Pistang Bayan. Viva La Virgen!

𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐒𝐀 𝐋𝐀 𝐏𝐔𝐑𝐈𝐒𝐈𝐌𝐀 𝐂𝐎𝐍𝐂𝐄𝐏𝐂𝐈𝐎𝐍
O Kalinis-linisang Birheng Maria, aming La Purísima Concepción, buong kababaang-loob kaming dumudulog sa iyo.
Tulungan nawang makarating sa Poong Maykapal ang aming panalangin, upang mailayo sa lahat ng kasalanan at hindi mabulid sa anumang kapahamakan. Sa liwanag ng Banal na Espiritu, kami nawa ay matulad sa iyong kababaang-loob, pagka masunurin at lubos na pananalig, nang kami ay maging karapat-dapat sa buhay na handog ng Diyos.
O Maria, ina ni Hesus at aming ina, ikaw ang aming buhay, katamisan at pag-asa. Amen.

𝐋𝐚 𝐏𝐮𝐫𝐢𝐬𝐢𝗺𝐚 𝐂𝗼𝐧𝐜𝐞𝐩𝐜𝐢𝗼𝐧, 𝒊𝒑𝒂𝒏𝒂𝒍𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏 𝒎𝒐 𝒌𝒂𝒎𝒊!

———————————————
*For Inquiries and questions, you may message this page so that admins and moderators can respond to your question/s
*Parish office is open 8:00 am - 11:30 am in the morning and 1:00 pm - 4:00 pm in the afternoon Tuesday-Sunday.
———————————————
𝗙𝗢𝗟𝗟𝗢𝗪 𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗨𝗦 𝗢𝗡 𝗢𝗨𝗥 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗔 𝗔𝗖𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗦:
𝗗𝗶𝗼𝗰𝗲𝘀𝗲 𝗼𝗳 𝗜𝗯𝗮 - 𝗜𝗺𝗺𝗮𝗰𝘂𝗹𝗮𝘁𝗲 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵 - 𝗕𝗮𝗿𝗿𝗲𝘁𝘁𝗼:
https://www.facebook.com/icpbarretto/
𝗜𝗖𝗣 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵:
https://www.facebook.com/ICPBYM/
𝗖𝗼𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗜𝗻𝗺𝗮𝗰𝘂𝗹𝗮𝗱𝗮:
https://www.facebook.com/icpbarrettomusicministry/
𝗡𝘂𝗲𝘀𝘁𝗿𝗮 𝗦𝗲𝗻𝗼𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗹𝗮 𝗦𝗼𝗹𝗲𝗱𝗮𝗱 𝗱𝗲 𝗠𝗮𝗾𝘂𝗶𝗻𝗮𝘆𝗮:
https://www.facebook.com/SoledadDeMaquinaya/




{𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈}Ngayong ika-3 ng Pebrero ipinagdiriwang ng mga taga Tambo, Buhi ang kapistahan ng kanilang Patrona ang Nuestra ...
03/02/2026

{𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈}

Ngayong ika-3 ng Pebrero ipinagdiriwang ng mga taga Tambo, Buhi ang kapistahan ng kanilang Patrona ang Nuestra Senora de la Soledad de Tambo. Pagbati sa Sanctuario Arquidiocesano y Parroquia de Nuestra Señora de la Soledad sa kanilang pagdiriwang. Viva La Virgen!

———————————————
*For Inquiries and questions, you may message this page so that admins and moderators can respond to your question/s
*Parish office is open 8:00 am - 11:30 am in the morning and 1:00 pm - 4:00 pm in the afternoon Tuesday-Sunday.
———————————————
𝗙𝗢𝗟𝗟𝗢𝗪 𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗨𝗦 𝗢𝗡 𝗢𝗨𝗥 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗔 𝗔𝗖𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗦:
𝗗𝗶𝗼𝗰𝗲𝘀𝗲 𝗼𝗳 𝗜𝗯𝗮 - 𝗜𝗺𝗺𝗮𝗰𝘂𝗹𝗮𝘁𝗲 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵 - 𝗕𝗮𝗿𝗿𝗲𝘁𝘁𝗼:
https://www.facebook.com/icpbarretto/
𝗜𝗖𝗣 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵:
https://www.facebook.com/ICPBYM/
𝗖𝗼𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗜𝗻𝗺𝗮𝗰𝘂𝗹𝗮𝗱𝗮:
https://www.facebook.com/icpbarrettomusicministry/
𝗡𝘂𝗲𝘀𝘁𝗿𝗮 𝗦𝗲𝗻𝗼𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗹𝗮 𝗦𝗼𝗹𝗲𝗱𝗮𝗱 𝗱𝗲 𝗠𝗮𝗾𝘂𝗶𝗻𝗮𝘆𝗮:
https://www.facebook.com/SoledadDeMaquinaya/




{𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃}Ngayong ika-9 ng Enero ipinagdiriwang natin ang Pambansang Kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno. Bilang ...
08/01/2026

{𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃}
Ngayong ika-9 ng Enero ipinagdiriwang natin ang Pambansang Kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno. Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ating parokya sa kapistahan ito, ang Banal na Misa po sa araw na ito ay sa ganap na ika-5 ng hapon at susundan ng Maringal na Prusisyon sa karangalan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno. Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa pagdiriwang. Viva Poong Hesus Nazareno!

———————————————
*For Inquiries and questions, you may message this page so that admins and moderators can respond to your question/s
*Parish office is open 8:00 am - 11:30 am in the morning and 1:00 pm - 4:00 pm in the afternoon Tuesday-Sunday.
———————————————
𝗙𝗢𝗟𝗟𝗢𝗪 𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗨𝗦 𝗢𝗡 𝗢𝗨𝗥 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗔 𝗔𝗖𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗦:
𝗗𝗶𝗼𝗰𝗲𝘀𝗲 𝗼𝗳 𝗜𝗯𝗮 - 𝗜𝗺𝗺𝗮𝗰𝘂𝗹𝗮𝘁𝗲 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵 - 𝗕𝗮𝗿𝗿𝗲𝘁𝘁𝗼:
https://www.facebook.com/icpbarretto/
𝗜𝗖𝗣 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵:
https://www.facebook.com/ICPBYM/
𝗖𝗼𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗜𝗻𝗺𝗮𝗰𝘂𝗹𝗮𝗱𝗮:
https://www.facebook.com/icpbarrettomusicministry/
𝗡𝘂𝗲𝘀𝘁𝗿𝗮 𝗦𝗲𝗻𝗼𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗹𝗮 𝗦𝗼𝗹𝗲𝗱𝗮𝗱 𝗱𝗲 𝗠𝗮𝗾𝘂𝗶𝗻𝗮𝘆𝗮:
https://www.facebook.com/SoledadDeMaquinaya/




MISSING!!!📍We are saddened to inform everyone that the Niño Jesus from our Belen was STOLEN  this morning between 9:30 A...
03/01/2026

MISSING!!!📍

We are saddened to inform everyone
that the Niño Jesus from our Belen

was STOLEN this morning between 9:30 AM and 11:30 AM.
Jan. 3, 2026

If you notice any suspicious activity or if anyone attempts to sell an image matching its description, please contact the Parish Office or the Ministry Coordinator immediately.

We appeal to the conscience of those involved to return this sacred image to the parish,

You may contact this number if you have information: 09568692162

Narito ang talaan ng mga Mass Sponsors 2025 para sa Simbang Gabi (7:30 PM) at Misa de Aguinaldo (4:30 AM). Isang paanyay...
15/12/2025

Narito ang talaan ng mga Mass Sponsors 2025 para sa Simbang Gabi (7:30 PM) at Misa de Aguinaldo (4:30 AM).

Isang paanyaya sa lahat na makiisa sa banal na pagdiriwang habang sabay-sabay nating inaalala ang tunay na diwa ng Pasko—ang pananampalataya, pagkakaisa, at paglilingkod sa kapwa.

29/11/2025

𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗠𝗜𝗦𝗜𝗡𝗧𝗔 𝗞𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 𝗔𝗬 𝗚𝗔𝗟𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪!

Isang simbahan, sama-sama tayo laban sa kasakiman ng kurapsyon ng ating bansa. Ang Diocese of Iba - Immaculate Conception Parish - Barretto ay muling nakikiisa sa panawagan ng bayan para sa hustisya at katotohanan sa pagpapatuloy ng Trillion Peso March ngayong araw, Nobyembre 30, sa EDSA People Power Monument.

Hinihikayat namin ang lahat na magsuot ng puti bilang sagisag ng pagkakaisa, paninindigan, at taimtim na panalangin ng sambayanang Pilipino para sa katotohanan at katarungan.

HINDI BA KAYO NATATAKOT SA DIYOS?



———————————————
*For Inquiries and questions, you may message this page so that admins and moderators can respond to your question/s
*Parish office is open 8:00 am - 11:30 am in the morning and 1:00 pm - 4:00 pm in the afternoon Tuesday-Sunday.
———————————————
𝗙𝗢𝗟𝗟𝗢𝗪 𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗨𝗦 𝗢𝗡 𝗢𝗨𝗥 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗔 𝗔𝗖𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧𝗦:
𝗗𝗶𝗼𝗰𝗲𝘀𝗲 𝗼𝗳 𝗜𝗯𝗮 - 𝗜𝗺𝗺𝗮𝗰𝘂𝗹𝗮𝘁𝗲 𝗖𝗼𝗻𝗰𝗲𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝗶𝘀𝗵 - 𝗕𝗮𝗿𝗿𝗲𝘁𝘁𝗼:
https://www.facebook.com/icpbarretto/
𝗜𝗖𝗣 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵:
https://www.facebook.com/ICPBYM/
𝗖𝗼𝗿𝗼 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗮 𝗜𝗻𝗺𝗮𝗰𝘂𝗹𝗮𝗱𝗮:
https://www.facebook.com/icpbarrettomusicministry/
𝗡𝘂𝗲𝘀𝘁𝗿𝗮 𝗦𝗲𝗻𝗼𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗹𝗮 𝗦𝗼𝗹𝗲𝗱𝗮𝗱 𝗱𝗲 𝗠𝗮𝗾𝘂𝗶𝗻𝗮𝘆𝗮:
https://www.facebook.com/SoledadDeMaquinaya/






AVE MARIA PURISIMA, SIN PECADO CONCEBIDA!
27/11/2025

AVE MARIA PURISIMA, SIN PECADO CONCEBIDA!

Address

Immaculate Conception Parish, National Highway, Barrio Barretto
Olongapo City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nuestra Señora de la Soledad de Maquinaya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share