27/06/2026
27 ππππ 2026 | π
πππππ π
ππ ππππππ π
πππππππππ πππππ & ππππππ ππππππππππππ πππ
Nag-uumapaw ang aming pasasalamat sa Diyos sa matagumpay na pagdaraos ng Family for Christ Fellowship Rally and Clergy Appreciation Day. Maraming salamat sa ating panauhing tagapagsalita, Hon. Marlo S. Trambulo, sa pagbibigay ng hamon at inspirasyon sa gawaing ito na may temang βA Shepherd of the Great Shepherd: Honoring the Heart that Leads and Intercedes for Usβ (1 Pedro 5:2-4), muli nating naranasan ang biyaya ng pagkakaisa bilang isang pamilya kay Kristo at ang kahalagahan ng mga pastol na patuloy na gumagabay sa atin sa pananampalataya.
Maraming salamat sa ating mga kaparian at mga lingkod ng Simbahan, lalo't higit sa ating Kura-Paroko, Reb. Pdr. Shalom Arnold Potoy, na walang sawang naglilingkod, nagtuturo, at nananalangin para sa sambayanan ng Diyos. Nawaβy patuloy kayong palakasin ng Panginoon sa inyong banal na bokasyon at ministeryo.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa Parish Council, Sectoral Officers, Chapel Officers at sa bawat pamilyang nakibahagi sa ating gawain. Ang inyong presensya, suporta, at pakikiisa ang naging daan upang maging makabuluhan at pinagpala ang ating pagtitipon. Dalangin namin na ang mga aral, inspirasyon, at biyayang ating tinanggap ay patuloy nating maisabuhay sa ating mga tahanan, simbahan, at komunidad. Sa Diyos ang lahat ng papuri, pasasalamat, at kaluwalhatian!