07/03/2026
AWANA STORE ποΈ
Ang Awana Store ay hindi lamang simpleng lagayan ng rewards β ito ay isang kasangkapan upang mahikayat ang ating mga bata na maging masipag, maging faithful, at manatiling active sa Children Ministry's Activities.
Sa bawat pagdalo, pakikiisa, pakikinig sa Salita ng Diyos, at magandang performance, sila ay nagkakaroon ng points na nagiging Awana Money na kanilang iniipon upang makapag-claim ng mga bagay na kanilang nagugustuhan. Sa simpleng paraang ito, natututo silang pahalagahan ang commitment, faithfulness, at ang kagalakan sa paglilingkod sa Panginoon sa murang edad.
Ngunit higit pa sa anumang laruan o school supplies, ang tunay na layunin nito ay ang paglago ng kanilang buhay kay Cristo at ang patuloy na pag-akay sa tamang landas. Sapagkat para sa atin, ang bawat bata ay mahalaga at karapat-dapat na hubugin sa pagkilala sa Kanya. π€
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng may mapagkumbabang pusong nagpaabot ng tulong pinansyal, nagbigay ng donasyon, at nakiisa sa pagbuo ng Awana Store na ito. Hindi po ito magiging posible kung wala ang inyong pagmamahal at suporta. Kayo po ay tunay na ginamit ng Diyos upang magdala ng kagalakan, inspiration, at pagpapala sa ating mga bata.
Ang puso ng family OIC MINDORO ay para rin sa mga bata β upang maibigay sa kanila ang nararapat na paglago sa Panginoon. ππ»
To God be all the glory.β¨