18/08/2026
ππππππ πππππππππ ππ ππππππππππ π
Sa gitna ng matinding pag-ulan at pagbaha dulot ng Habagat, sama-sama tayong manalangin para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan na higit na nangangailangan ng tulong.
Sa tulong at pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria, ipagkatiwala natin sa Panginoon ang bawat pamilyang apektado ng kalamidad. Nawaβy sila ay pagkalooban ng lakas, pag-asa, at kaligtasan.
Isama rin natin sa ating panalangin ang ating mga rescuers at frontliners na walang pagod na naglilingkod at nagsasakripisyo upang mailigtas ang buhay ng iba.
Birheng Maria, Ina ng Laging Saklolo, ipanalangin mo kami.
Panginoon, iligtas at ingatan Mo po ang aming mga kababayan. Amen.