24/05/2026
ππ ANG LAHAT PO AY MALUGOD NA INAANYAYAHAN! ππ
Makiisa at makisaya po tayo sa pagsisimula bukas ng pagdiriwang para sa Founding Anniversary ng ating minamahal na Barangay Iling Proper! Kasunod nito ang ibaβt ibang masasayang aktibidad bilang paghahanda at pagbibigay-pugay sa kapistahan ng ating P**ng Santisima Trinidad.
Isang taos-pusong pasasalamat po sa patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan ng ating barangay at simbahan. Tunay ngang buhay na buhay ang diwa ng ating tema:
βBastaβt Sama-sama ay Kayang-Kaya: Pista ng Pagkakaisa sa Parokya.β
Inaanyayahan po namin ang bawat isa na makilahok, makiisa, at maging bahagi ng makabuluhan at masayang pagdiriwang na ito. Sama-sama nating ipagdiwang ang biyaya ng pagkakaisa, pananampalataya, at pagmamahalan bilang isang komunidad. β¨π
π PAALALA:
Panatilihin po nating maayos, masaya, at mapayapa ang lahat ng programa at aktibidad. Iwasan po natin ang anumang maaaring makasagabal sa pagdiriwang upang higit nating maipadama ang tunay na diwa ng Founding Anniversary at ang taimtim na pagpaparangal sa ating P**ng Santisima Trinidad na siyang sentro ng ating pagdiriwang. π
Kung mayroon po kayong mga katanungan o nais linawin, bukas po ang ating tanggapan ng barangay at opisina ng Parokya upang kayo ay matulungan.
Maraming salamat po, at excited na po kaming makasama kayo simula bukas! Kita-kits po tayo! πππ