13/07/2022
Lakbay, patungo sa lugar na tila kadiliman ang tanging natatanaw.
Kadiliman na siyang dahilan kung bakit ang katotohan ay natatabunan.
-Katotohan upang maliwanagan sa mga bagay bagay na hindi maunawaan.
Saan? Saan nga ba tutungo ang lakbay na tatahakin ko.
Nasaan?
Nasaan na ang pag-asa sa bukas na tinatanaw magmula nung bata pa ako.
nasaan ang liwanag na gagabay sa tuwina
Bakit Tila ang ilaw ay humihina na.
Nasaan?
Nasaan ang noo'y Pastol na gumagabay?
Nasaan ang liwanag na laging sumisilay
Ngiting nakaukit sa mga labi ng matang malulumbay
Nasaan ang Panginoong, sa akin nagpapatibay?
Paano ba? paano nga ba matatagpuan?
Ano nga ba ang siyang magiging paraan upang misyon ay aking maunawaan.
Paano ba, paano ba aking lubusan mauunawaan ang bagay na hindi basta matagpuan.
Nakita ko! Nakikita ko
Ang Misyong na dapat tugunan,
Responsibilidad na dapat gampanan.
SVD ang ilaw na gumagabay, gumagabay upang ang katanungan ay matugunan
Nawaksihan na ang aking mga katanungan, katanungan na gumugulo sa aking isipan.
Misyong ipalaganap ang salita na magbubukas ng ating isipan,
isipang naguguluhan hindi alam ang tungo kung saan.
Liwanag ay akin ng tunay na nasaksihan. Liwanag na yumakap sa pusong may pananampalataya at pagmamahal.
Ako, ikaw, tayo ay may pag-asa, pag-asang magbibigay buhay pag tayo'y naliligaw na.
Pag asang Diyos ay aking lubusang makilala pa.
Salitang ibinahagi upang paglilingkod ay aking lubusang maisapuso pa.
ibinahagi mo, ibinahagi ang mabuting balita na magbubuklod sa isat isa. ibinahagi mo ang mabuting balita na magbibigay apoy sa pusong naliligaw na. Binuklod mo ang bawat isa upang mamulat ang mata kung gano kahalaga ang paglilingkod sa simbahan, diyos at sa bawat isa.
isa itong kaibigan at kapamilya na gagabayan ka patungo sa magandang umaga.
Salamat, salamat sa pagkakataong iyong binigay upang aming tuluyang maunawaan. Salamat sa banal na salitang inyong pinapalaganap marami kaming natutunang kaalaman. Salamat sa panahong iyong binigay liwanag ang puso at isipang naguguluhan. Salamat SVD, Salamat!
Credits to:
SVD YOUTH_ SAN JOSE DISTRICT