27/02/2022
SUNDAY PULOT
AGAPE FELLOWSHIP | 2.27.22 β¨
π Isa po sa mga realizations ko ay kung pano I show and express ang love sa Lord, na kulang ang words lang, na kailangan talaga ng effort. Nakarelate ako sa sinabi sa message, na kapag nasa simbahan grabe ang sinasabing pagmamahal sa Lord, pero kadalasan pag-uwi ng bahay hindi man yon maipakita. Most of the time, pag nasa bahay na, yung pride at galit ang nag-iiral at hirap minsan magpatawad -- alam kong mali yon. Ang challenge ko ngayon sa sarili ko ay baguhin yun sa tulong ng Lord. - Sis. Nica
π I learned that God loves us every single second of our lives, despite being hard-headed oftentimes. John 3:16 tells us all that, He has given His love through crucifixion. With that, all of the suffering and problems and problems in the world [because of our sins] have already been overcome by Jesus Christ. I humbly thank and praise God for that wonderful grace that He has been given to us. [Isa rin po sa mga pulot ko] sa message ni Ate Menchie na useless pala lahat ng praise and worship sa Lord if hindi nag mamanifest ang love natin sa ating kapwa. Kung love mo talaga si Lord dapat love mo din lahat ng tao. - Bro. Kien
π Ang pagmamahal ni Lord sa saatin ay hindi matatawaran kahit pa na makasalanan at nagkakasala tayo sa kanya day-by-day. Mas nalalaanan ko ng mahabang oras ang mga unimportant things pero pagdating sa Lord tinatamad na ako. Inaantok pagdating sa pray at pakikinog ng sermon, hindi nagbabasa ng bible, even pagdating sa songs, mas tinatangkilik pa yung mga kpop or any trending than worship, na those took more attention in me than knowing more about Jesus in our life -- kaya alam kong kailangan ko yun na ipabago sa Lord.
Sa usaping "love", kalimitan may mga personal traits tayong hinahanap or good qualifications para masabi nating worth it mahalin ang isang tao, pero I am comforted na ang Lord never sees me that way, He never looks at my physical appearance o maging sa mga kakulangan ko. I learned na kahit may mga imperfections ako, still, Jesus loves me. Narealize ko din na there are many cases between couples and partners na akala nila sila na at the end pero naghihiwalay din. Andun yung brokenness at paghihinayang ng mga couples. Pero as a Christian, who is in the process of knowing Jesus and his love, I think God is teaching me to love Him first kasi alam ko na kapag ang Lord ang ugat ng pagmamahal, He will guard my heart, He will make me better person, and He will prepare what is best for me.
Most of the time, hindi natin maintindihan ang kalooban at ang love ng Lord, pero narealize ko na yun pala ay dahil malayo ang loob ko o lumalayo ako kay Jesus. Kaya, I was reminded that, to love Him and to understand his love, I should commit myself to worship, prayer, confession of sins, reading the bible, and loving people in my life by accepting and forgiving them. In short, to fall love in Jesus Christ everyday. In this way, mago-glorify ang Lord and that's Love. - Sis. Dahlia
π Ang natutunan ko po kanina ay bago tayo magmahal ay una na tayong minahal ng Diyos. At ang pagmamahal Niya saatin ay kailanman hindi masusukat. At kapag marunong kang magmahal ay mayroong Diyos kang kinikilala. Ang pinaka last ko pong natutunan ay ang pag ibig daw ay hindi nakakasakit at kailanma'y hindi ito magdudulot ng pangamba sainyo at ikaw ay makakaranas ng kapayapaan sa buhay. - Bro. Eric
π The message was so timely and so personal to me. This past few months, I have had a lot of questions and spiritual struggles. Often times, I feel unloved, and my prayers seem to be unheard. Feeling ko lumalayo ang Lord, pero this fellowship reminded me na ang Lord hindi pala kailanman lumayo sakin, hindi tumigil ang kanyang pagmamahal, yung totoo ay nanatili iyon. Narealize ko na ako pala ang lumalayo na, ako pala yung gustong bumitaw, ako yung nakakalimot na lapitan siya. Salamat sa fellowship na to kasi narealize ko na his love also offers "hope" and multiple chances para bumalik at mapatawad Niya. However, I was reminded din na His love also disciplines and corrects. He wanted me to pursue righteousness through devoting a life of prayer and studying His word. Tama nga naman na kung gusto kong manatili sa kanyang pagmamahal and maunawaan ang kalooban Niya, kailangan na nananatili rin ako sa kanya. At kapag ginawa ko yun alam ko na hindi Niya hahayaan na maramdaman ko ang kakulangan ng Kanyang pagmamahal. - Sis. Mae
π Natutunan ko na ang love ng Lord is unconditional, hindi kayang sukatin ito. It is the love that accepts, forgives, and saves. Ito yung pagmamahal sa atin ni Jesus na sinacrificed nya ang kanyang buhay sa atin - - dahil sa mga kasalanan natin, dyan pa lang makikita na natin kung gaano tayo kamahal ng Panginoon. And isa pa po sa natutunan ko is kapag mahal natin si God dapat mahal din natin ang ating kapwa, dahil kapag hindi natin mahal ang ating kapwa parang nagsisinungaling tayo hindi lang sa ating sarili kundi na rin sa Panginoon. Sabi nga sa 1 John 4:20-21 "Whoever claims to love God yet hates a brother or sister is a liar. For whoever does not love their brother and sister, whom they have seen, cannot love God, whom they have not seen. And he has given us this command: Anyone who loves God must also love their brother and sister. And hindi lang dapat sinasabi na 'love ko si Jesus' pero sa loob loob may galit pala sa puso. So kaya dapat kapag sinabi natin na love natin si Jesus hindi lang natin sinasabi through words dapat may gawa din. -Sis. Kim
GLORY TO GOD β¨