1905-2010
ANG NAGKAKAISANG IGLESYA METODISTA
Isang Misyonero sa katauhan ni DR.Marvin Rader kasama si Pastor Catalino Santos ang nagdala ng mensahe ng Diyos at pananampalatayang
Metodista sa BINUANGAN . Nadama ng
mga kapatid na ito ang init ng pananampalataya kaya't dahil sa kagalakang naramdaman at sa katotohanang natuklasan ipinangaral nila sa nayon
ang mabuting balita, kung saan nahikaya't a
ng dalawang haligi ng Romano Katoliko na sina Tiburcio "Busyo" Delos Reyes at
Arcadio "Kadyo" Mendoza hanggang sa mga sumunod na taon naging matatag ang Iglesya Metodista sa Binuangan. Noong sumapit ang ikalawang digmaan pandaigdig nanirahan ang mga hapones sa Binuangan ng Ilang panahon at bago sila tuluyang umalis, snunog
nila ang boong baryo kasama ang bahay sambahan. Matapos ang ikalawang digmaan, taglay pa rin ang pag-asa at pananampalataya
at sa pangunguna ni Pastor Julian Santiago muling bumangon ang kanyang Iglesya , Isang malaking tolda ang naging ang naging pansamantalang
naging bahay sambahan kasunod ang pagpupunyaging maisaayos ito . Sa taong 1999 nasubok ang katatagan ng Iglesya, ito ang panahon kung saan nilubog ng tubig baha ang bahay sambahan. Nilamon
ng tubig ang apat na sulok nito, nguni't patuloy paring nananambahan kahit babad sa tubig ang mga paa basa ang mga damit
at ginawin sa lamig ang buong katawan subali't dahil sa INIT ng pananampalataya at sa biyaya ng Diyos ang bawat isa ay hindi natinag tinalo ng
init na ito ang lamig na nararamdaman . Hanggang sa kasalukuyan, patuloy paring nagpupuri at nananampalataya sa Panginoon ang nagkakaisang IGLESYA METODISTA NG BINUANGAN