San Vicente Ferrer de Buliran

San Vicente Ferrer de Buliran The Roman Catholic Diocese of Cabanatuan
Saint John Nepomucene Parish-Cabiao
Saint Vincent Ferrer Chapel
Barangay Buliran,San Antonio, Nueva Ecija 3108

Flores de Maria sa Pamayanan ni Apo Enteng de Buliran 2026
25/05/2026

Flores de Maria sa Pamayanan ni Apo Enteng de Buliran 2026

FLORES DE MARIA SA PAMAYANAN NI APO ENTENG DE BULIRAN 2026
25/05/2026

FLORES DE MARIA SA PAMAYANAN NI APO ENTENG DE BULIRAN 2026

✨ HARANA KAY MARIA ✨“Sa bawat himala ay may pag-asa. Sa bawat patotoo ay may buhay na binago ng pagmamahal ng Diyos sa p...
25/05/2026

✨ HARANA KAY MARIA ✨

“Sa bawat himala ay may pag-asa. Sa bawat patotoo ay may buhay na binago ng pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ni Maria.” 💙

Inaanyayahan ang lahat sa isang banal at makabagbag-damdaming gabi ng awitan, panalangin, at pagbabahagi ng mga himala at buhay na patotoo ng mga debotong nakaranas ng kagalingan, paggabay, pag-asa, at biyaya sa tulong ng Mahal na Birheng Maria. 👑✨

Sa gitna ng mga pagsubok at dilim ng buhay, si Maria ang patuloy na tanglaw na umaakay sa atin palapit kay Kristo. Sa pamamagitan ng mga awiting alay at taimtim na pagdarasal, sama-sama nating ipagdiwang ang kanyang mapagkalingang pagmamahal bilang ating Ina at Reyna.

Maging bahagi ng gabing puno ng pananampalataya, inspirasyon, at debosyon bilang bahagi ng Tanglaw ni Maria 2026.

🗓 Mayo 27, 2026
🕔 5:00 PM – Banal na Misa
🕠 5:45 PM – Harana kay Maria
📍 Nepomuk Function Hall, Parokya ng San Juan Nepomuceno

💫 “Kay Maria, may pag-asa; kay Kristo, may kaligtasan.”

Halina at makiisa sa ating Pagdiriwang ng Banal na Liturhiya ng Salita Diyos, bukas, Mayo 24, 2026 Linggo sa ganap na Ik...
23/05/2026

Halina at makiisa sa ating Pagdiriwang ng Banal na Liturhiya ng Salita Diyos, bukas, Mayo 24, 2026 Linggo sa ganap na Ika -4:30 ng hapon

Mga larawang kuha mula sa ginanap na Harana kay Maria bilang Pagdiriwang sa Huing Gabi ng Pamamalagi ng Mahal na BIrhen ...
23/05/2026

Mga larawang kuha mula sa ginanap na Harana kay Maria bilang Pagdiriwang sa Huing Gabi ng Pamamalagi ng Mahal na BIrhen ng Fatima sa Pamayanan ng San Vicente Ferrer de Buliran noong Abril 18, 2026.

Viva La Virgen ng Fatima

Ang munting Seremonya ng Pagkokorona sa Mahal na Birhen ng Delas Florea de Buliran sa ginanap na 6th Flores de Maria.Tam...
23/05/2026

Ang munting Seremonya ng Pagkokorona sa Mahal na Birhen ng Delas Florea de Buliran sa ginanap na 6th Flores de Maria.

Tampok sa Gawain ang Living Rosary,na sa bawat butil ng Rosaryo ay binubuo ng Bulaklak at ng mga munting school supplies na ihahandog para sa mga mag-aaral.

Ang Setro ay pinangunahan ni Kapitana Rosalie Lalo Mendoza na kinatawan ni Sis Catherine Linsangan, ang Barangay Administrator
Ang pag-aalay ng Bugkos ng Bulaklak ay pinangunahan ni Sis. Virginia Santos-Head Catechist ng Parokya , na ginampanan ni Sis. Eva Santos ang Team Leader ng Katekista ng Buliran .

Ang Labindalawang Bituin ay pinangunahan ng Bukluran Head ng sta. Krus at Chapel Pastoral Council Chairperson ng San Gregorio na si Sis. Cristina Jimenez-Pantola

Ang pagpuputong ng Korona ay pinangunahan ng Isa sa mga G**o ng San Antonio Bagong Buhay Elementary School, Miyembro ng Catholic Womens League (CWL) at Camarera ng La Calvario na si Sis. Catherine Flores-Santiago.

Vivsa La Virgen Delas Flores de Buliran 🎉

Mga Larawang mula sa ginanap na Flores de Maria 2026 sa Pamayanan ng San Vicente Ferrer de Buliran noong Mayo 19, 2026.
23/05/2026

Mga Larawang mula sa ginanap na Flores de Maria 2026 sa Pamayanan ng San Vicente Ferrer de Buliran noong Mayo 19, 2026.

Mga larawang kuha mula sa ginanap na Grand Parade sa nakaraang Pistahan ni San Vicente Ferrer de Buliran noong Abril 14,...
22/05/2026

Mga larawang kuha mula sa ginanap na Grand Parade sa nakaraang Pistahan ni San Vicente Ferrer de Buliran noong Abril 14, 2026.


Mga larawang kuha mula sa Prusisyon sa Karangalan ni San VIcente Ferrer De Buliran, sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistaha...
22/05/2026

Mga larawang kuha mula sa Prusisyon sa Karangalan ni San VIcente Ferrer De Buliran, sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan noong Abril 15, 2026.


Mga larawang kuha sa Pag-aalay ng Banal na Sakripisyo ng Banal na Misa, sa pagdiriwan ng Dakilang Kapistahan ng Sinisint...
22/05/2026

Mga larawang kuha sa Pag-aalay ng Banal na Sakripisyo ng Banal na Misa, sa pagdiriwan ng Dakilang Kapistahan ng Sinisintang Pintakasi San Vicente Ferrer de Buliran, noong Abrl 15, 2026.

Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni Rdo. Padre. Mannie C. Barlis O Carm, ang Katuwang na Pari ng Parokya ng San Juan Nepomuceno.


Mga Larawang kuha mula sa ginanap na Tradisyunal na Salinan ng Hermandad (Pamunuan) makatapos ang Maringal na Prusisyon....
22/05/2026

Mga Larawang kuha mula sa ginanap na Tradisyunal na Salinan ng Hermandad (Pamunuan) makatapos ang Maringal na Prusisyon.

Ang Tradisyunal na Salinang ito ay ginaganap tuwing Kapistahan, makatapos an Prusisyon, bilang pormal na pagsasalin ng responsibilidad at tungkulin mula sa kasalukuyang Pamunuan patungo sa susunod na Pamunuan na siyang nakatalagang mangasiwa ng susunod na pistahan.

Tampok sa salinang ito ang pag aabutan ng imahen ni San VIcente Ferrer sa Hermano Mayor, ang imahen ng Mahal na BIrhen ng Santo Rosario bilang Hermana sa Mahal na Birhen na siya ring tatayo bilang ikalawang pangulo, at ang Krusipiho sa Nakatalagang Pangulo.

Maraming salamat sa HErmanda (Pamunuan) 2025-2026 sa pangunguna ng Hermano Mayor at Pangulo Bro. Jose at Sis. Luzviminda (+) De Belen. At sa Hermana sa Mahal na Birhen, Sis. Teresita Sabio Macaspac.

Pagbati rin sa susunod na Hermandad (Pamunuan) 2026-2027 sa pangunguna ng Hermano Mayor Bro. Efren at Sis. Josie Dayao, sa Hermana sa Mahal na Birhen at Pangulo Sis,. Maria Nellie Ortiz Luis-Magno. Gayundin sa mga Pangulo ng Kabataan, sa kalalakihan Bro. Bryan Mendoza at sa kababaihan naman ay si Sis. Jahna Samantha Shane Tuico.

Maraming maraming salamat din sa lahat ng taong ginamit na kasangkapan ng Panginoon upang maging matagumpay ang PIstahan 2026.

VIVA SAN VICENTE FERRER DE BULIRAN

Address

Buliran, San Antonio
Nueva Ecija
3108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Vicente Ferrer de Buliran posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share