Sta. Rita de Cascia Chapel - SBAP

Sta. Rita de Cascia Chapel - SBAP This is the official page of Sta. Rita de Cascia Chapel, Brgy. Mambangnan, San Leonardo, Nueva Ecija.

SEPTEMBER 08Feast of theNativity of theBlessed Virgin Mary-Prayer to La Niña MaríaO beloved La Niña María, pure and humb...
08/09/2026

SEPTEMBER 08
Feast of the
Nativity of the
Blessed Virgin Mary

-
Prayer to La Niña María

O beloved La Niña María, pure and humble Child of grace, we come before you with loving and trusting hearts. Teach us to be humble, patient, and faithful, and to always guide us closer to your Son, Jesus Christ. Under your loving mantle, keep us safe from harm and intercede for us in our daily needs.

Hail, Mary, full of grace,
the Lord is with thee.
Blessed art thou among women
and blessed is the fruit of thy womb, Jesus.
Holy Mary, Mother of God,
pray for us sinners,
now and at the hour of our death.
Amen.

La Niña María,
pray for us.

24/08/2026

MARAMING SALAMAT!

DANZANTES DE CASCIA
Bailando en honor de Santa Rita 🌹

Viva! Sta. Rita de Cascia!
Viva! San Bartolome Apostol!

24/08/2026

MARAMING SALAMAT!

DANZANTES DE CASCIA
Bailando en honor de Santa Rita 🌹

Sa pag sama, pag sayaw, para sa ating Mahal na Patrona!
Maraming Salamat din po,
Sa mga taong umilaw sa aming Mahal na Patrona.

Nawa'y tayong lahat ay ingatan at ipagdasal ng ating Patrona, Sta. Rita de Cascia.

📸 Khevin Jampil

Si Sta. Rita de Cascia saProcesión PatronalAugust 24, 2026
24/08/2026

Si Sta. Rita de Cascia sa
Procesión Patronal

August 24, 2026

TINGNAN:Handa na ang Karosa ng ating Mahal na Patron,Para sa Procesión Patronal.Kita kita po tayo ng 4:00 ng hapon,Sa Si...
24/08/2026

TINGNAN:

Handa na ang Karosa ng ating Mahal na Patron,
Para sa Procesión Patronal.

Kita kita po tayo ng 4:00 ng hapon,
Sa Simbahan sa Bayan.

Maraming Salamat po!

📸 Joriz Javier

PAANYAYA!Samahanan po natin ang ating Mahal na Patrona saProcesión Patronal: The Grand Procession in honor ofSt. Barthol...
24/08/2026

PAANYAYA!

Samahanan po natin ang ating Mahal na Patrona sa
Procesión Patronal: The Grand Procession in honor of
St. Bartholomew the Apostol.

August 24, 2026 (Ngayon)
4:00 PM
Simbahang Bayan (Parokya)

Magkita kita po tayo!

APUNG DITA SA PROCESIÓN PATRONALSanta Rita de CasciaManingning na Perlas ng Orden ng AgustinoPatrona ng mga Imposibleng ...
19/08/2026

APUNG DITA SA PROCESIÓN PATRONAL

Santa Rita de Cascia
Maningning na Perlas ng Orden ng Agustino
Patrona ng mga Imposibleng Bagay

Sa dakilang pagdiriwang ng ika-130 Anibersaryo ng Parokya ni San Bartolome Apostol, buong galak na makikiisa ang ating mahal na patrona, Santa Rita de Cascia, ang mapagmahal na Apung Dita ng Brgy. Mambangnan, sa maringal na Procesión Patronal.

Sa darating na Agosto 24, 2026, ganap na ika-4:00 ng hapon, sama-sama nating samahan si Apung Dita sa kanyang paglalakbay patungo sa Parokya ni San Bartolome Apostol, kasama ang iba pang mga patron at banal na debosyon ng ating pamayanan.

Nawa’y maging daan ang prusisyong ito upang maipahayag natin ang ating matibay na pananampalataya, taus-pusong pasasalamat, at patuloy na debosyon kay Santa Rita-ang huwaran ng pagtitiis, pagpapatawad, at matapat na pagtitiwala sa Diyos.

Mula sa Sta. Rita de Cascia Chapel, Brgy. Mambangnan, buong pagmamahal nating ihahatid ang ating patrona sa isang makasaysayang paglalakbay ng pananampalataya.

Santa Rita de Cascia, maningning na Perlas ng Orden ng Agustino, ipanalangin mo kami!

¡Viva Santa Rita de Cascia!
¡Viva Apung Dita!
¡Viva San Bartolome Apostol!








PROCESIÓN PATRONALThe Grand Procession in honor ofST. BARTHOLOMEW THE APOSTLESa paggunita ng 130 taon ng paglalakbay ng ...
19/08/2026

PROCESIÓN PATRONAL

The Grand Procession in honor of
ST. BARTHOLOMEW THE APOSTLE

Sa paggunita ng 130 taon ng paglalakbay ng Parokya ni San Bartolome Apostol, isang natatanging pagpapahayag ng pananampalataya ang ating masasaksihan, ang maringal na Grand Procession bilang bahagi ng ating pagdiriwang ng anibersaryo at kapistahan ng ating Pintakasi.

Sa ika-24 ng Agosto 2026, ating samahan sa prusisyon ang mga banal na imahen na kumakatawan sa yaman ng debosyon at pananampalatayang patuloy na namumuhay sa ating pamayanan. Sa kanilang paglalakbay sa ating mga lansangan, maging ang ating mga panalangin at pasasalamat ay maging bahagi ng bawat hakbang.

Ang prusisyon ay hindi lamang isang tradisyong ating minana. Ito ay paglalakbay ng isang pamayanang sumasampalataya, isang pagkakataong sama-sama nating ipahayag ang ating pagmamahal sa Diyos at ang ating pagtitiwala sa Kanyang patuloy na paggabay.

Sa loob ng 130 taon, maraming salinlahi ang naging saksi sa pagkalinga at biyayang dumaloy sa ating parokya. Ngayon, tayo naman ang magpapatuloy ng kuwento, dala ang pananampalatayang ipinasa sa atin at ang pag-asang ipagkakatiwala natin sa mga susunod na salinlahi.

Halina’t makiisa.
Tayo'y Manalangin.
Tayo'y Magpasalamat.
Maglakbay kasama ang ating mga Pintakasi.

San Bartolome Apostol, aming Pintakasi, ipanalangin mo kami!

¡Viva San Bartolome Apostol!




𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗪𝗔𝗜𝗡 | 𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟲Malugod na inaanyayahan ng Parokya ni San Bartolome Apostol ang buo...
10/08/2026

𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗔𝗪𝗔𝗜𝗡 | 𝗣𝗜𝗦𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗥𝗢𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟲

Malugod na inaanyayahan ng Parokya ni San Bartolome Apostol ang buong sambayanan na makiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ni San Bartolome Apostol at ng Ika-130 Taong Anibersaryo ng ating Parokya sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing espirituwal, pastoral, pangkultura, at pangkomunidad na inihanda para sa lahat.

Inaanyayahan po namin kayong paglaanan ng panahon ang bawat gawain bilang pagpapahayag ng ating pananampalataya, pasasalamat, at pagkakaisa bilang isang sambayanang Kristiyano.

Nawa’y ang pagdiriwang na ito ay maging pagkakataon upang higit nating mapalalim ang ating ugnayan sa Diyos at sa isa’t isa, habang sama-sama nating ipinagdiriwang ang mayamang kasaysayan at pamana ng ating Parokya.

📅 Agosto 15–24, 2026

“Kalooban ay Dalisay, Kaakibat sa Paglalakbay.”

-
Pubmat Design: Sis. Cristine Joy Flores
The Apostle Media Ministry





Address

Brgy. Mambangnan, San Leonardo
Nueva Ecija

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sta. Rita de Cascia Chapel - SBAP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share