12/06/2024
Isang mapagpalang araw mga kapatid, nalipat po ng venue ang unang araw (Hunyo 22) ng ating pagdiriwang ng Ika-95 na Annibersaryo ng pagkakatatag ng Church of Christ sa dako ng Vega, Bongabon, Nueva Ecija.
Ang atin pong programa ay sisimulan sa isang motorcade na magmumula sa ating Chapel Building sa Centro 1, Vega, Bongabon at matatapos sa CJ Waterpark Resort, Hotel and Restaurant, kung saan ipagpapatuloy ang sama-sama nating pagdiriwang sa kabutihan, kadakilaan, kaluwalhatian at pagkalinga ng Diyos sa Kaniyang Iglesia sa dako ng Vega.