20/12/2025
Taos-pusong pasasalamat ang aming ipinapaabot sa lahat ng mga benefactors na patuloy na sumusuporta sa Busog-Puso Feeding Program. Ang inyong walang sawang pagtulong ay nagsisilbing lakas at inspirasyon upang maipagpatuloy ang aming misyon na maghatid ng kalinga at pag-asa sa ating mga kapatid na nangangailangan.
Kahapon,(Disyembre 19, 2025) matagumpay naming naisagawa ang Christmas Party para sa mga Volunteers ng Busog-Puso bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon, sakripisyo, at tapat na paglilingkod sa programa.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Busog-Puso Head, Sis. Maribeth Diaz, sa kanyang ilang taong masigasig at taos-pusong paglilingkod sa feeding program, gayundin sa lahat ng mga kasamahan na patuloy at buong-pusong naglilingkod para sa kapakanan ng iba.
Maraming salamat din po sa aming Kura Paroko Reb. Pad. Aniceto "Noi" Paciente sa kanyang walang sawang paggabay, pag-antabay, at patuloy na suporta sa lahat ng gawain ng programa.