27/07/2021
Patuloy tayong nakakaranas ngayon ng Salot sa ating Bansa, at patuloy na tumataas ang Kaso at ang mga Taong nakakasalamuha ng Nagpopositibo sa COVID-19, patuloy tayong Manalangin kay San Roque ang patron ng mga nasasalot at may sakit, si San Roque nawa ang magdala ng ating mga Panalangin kay Kristong ating Panginoon.
_______________________________
PANALANGIN KAY SAN ROQUE
O, Panginoon Kong Diyos, ikaw na nagsugo sa maluwalhating San Roque at pinahatiran mo siya ng kaputol na tabla, pinagtibay Mo ang pangako sa kanya, upang ang sino mang dapuan ng salot ay hindi maano, sapagkat siya'y deboto sa Iyo.
Magdalita Ka sa aming lahat na gumugunita sa kanyang buhay. Ipagkaloob Mo na kami ay maligtas sa mga salot na nakakamatay sa kaluluwa't katawan, pakundangan kay Hesukristong Panginoon namin. Amen.
SAN ROQUE, PINTAKASI LABAN SA SAKIT AT SALOT,
IPANALANGIN MO KAMI!