Living word

Call

Living word The living word is the word of the living God1 John 1:1
[1]We write to you about the Word of life, which has existed from the very beginning.

We have heard it, and we have seen it with our eyes; yes, we have seen it, and our hands have touched it.

Ano ang mapapala ng isang taomakamtan man niya  ang buong sanlibutan kung mapapahamak naman ang kanyang kaluluwa
28/10/2022

Ano ang mapapala ng isang tao
makamtan man niya ang buong sanlibutan kung mapapahamak naman ang kanyang kaluluwa

04/10/2022

Do not stop praying and believing, God has preparing a miracle for you!

Rejecting the WORD of GOD is the highest level of foolishness and stupidity, even you  are a graduated of highest level ...
20/09/2022

Rejecting the WORD of GOD is the highest level of foolishness and stupidity, even you are a graduated of highest level of education.

Gods Word todayAng nagpapakataas ay ibinababa ngunit ang nagpapakababa ay itinataasJeremiah 9:23-24, 23Ang sabi ni Yahwe...
07/09/2022

Gods Word today
Ang nagpapakataas ay ibinababa ngunit ang nagpapakababa ay itinataas
Jeremiah 9:23-24
, 23Ang sabi ni Yahweh:
“Huwag ipagmayabang ng matatalino ang kanyang karunungan
o ng malakas ang lakas na kanyang taglay
ni ng mayaman ang kanyang kayamanan.
24Kung may nais magmalaki,
ang ipagmalaki niya'y ang pagkakilala't pagkaunawa sa akin,
sapagkat ang aking pag-ibig ay hindi nagbabago,
makatarungan at matuwid ang mga ginagawa ko.
Ito ang mga bagay na nais ko.
Ako, si Yahweh ang nagsasabi nito.”
1 cor.10:31
31Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.

Tanging ang Diyos lamang ang dapat parangalan itaas purihin at sambahin sapagkat siya ay Diyos na lumikha sa lahat ng bagay, at tayong mga tao ay walang maipagmaataas sapagkat tayo ay lupa lang at babalik din sa lupa.
Lukas 18:14b
14.Sapagkat ang sinumang nagmamataas ay ibababâ at ang nagpapakumbabá ay itataas.”
Likas 12:15
15At sinabi niya sa kanilang lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan

04/09/2022

TRICYCLE DRIVER

Habang naka sakay ako sa tricycle ay biglang nag tanong ang driver.

Driver: college ka na neng?

Tanong ng driver sakin. Nginitian ko ito sabay sumagot.

Ako: opo.

Driver: anong year ka na neng?
Ako: 4th year na po graduating na po.

Nakita kong ngumiti si manong pero hindi umabot sa kanyang mga mata. May bahid ng lungkot.

Driver: pag naka graduate ka na at nag karoon ng maayos na trabaho. Wag mong kalimutan lumingon sa mga magulang mong ginawa ang lahat para sa iyo. Para maging maganda ang buhay mo.

Nalungkot ako sa sinabi nya.

Ako: bakit po manong? Kayo po asaan ang mga anak nyo?

May katandaan na si manong bakas na ang pagod sa kanyang muka.

Driver: mga anak ko lahat tapos ng pag aaral. Isang engineer at isang doctor.

Nagulat ako kay manong. Lahat ng anak ay successful pero bakit namamasada pa.

Ako: e bakit ayaw nyo pa pong huminto sa pamamasada e successful naman po mga anak nyo.

Ngumiti ulit si manong ng may lungkot.

Driver: lahat sila ay nasa ibang bansa na. Kailangan ko mamasada para may maipang buhay ako sa misis ko at sakin. Kailangan namin kumayod para mabuhay kaming mag asawa. Nagagalit kasi mga anak namin sa tuwing tatangkain kong manghingi sa kanila. Kaya eto tuloy ang pasada. Masaya na ako kung maalala nila kaming abutan ng bukal sa loob Nila. Ang sabi nila hindi nila kami obligasyon ng nanay nila. Binuhay namin sila sa mundong ito hindi para hingan ng pera.

Napatulala ako sa sinabi ni manong. Nakita kong bahagyang namula ang mata ni manong at hindi na muling nag salita. Naka dama ako ng lungkot para sa kanilang mag asawa. 😭

-------------------------
© Camille Cruz

25/08/2022

Mga kapatid naghahanap ang ating Diyos ng tunay na nananalig sa kanya.
Roma 3:11
11Walang naghahanap sa Diyos.
12Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama.
Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa

Lukas 18:8
ngunit pagdating ng anak ng tao may makikita pa kaya siyang nanampalataya sa kanya.

Nakalulungkot isipin na marami ang nagsasaliksik ng kasulatan ngunit ayaw namang lumapit kay Jesus.
Juan 5:39
39Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan sa paniwalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga Kasulatang iyan ang nagpapatotoo tungkol sa akin! 40Ngunit ayaw naman ninyong lumapit sa akin upang kayo'y magkaroon ng buhay.

kaya matutupad ang salitang ito
Mateo 7:21
21“Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga tao lamang na sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.
Bear in mind that Jesus is alive he is the same yesterday today and forever. He knows our heart and mind, He is always watching us, He is always looking for us, He is always listening for us.
Hebrews 4:13
[13]Neither is there any creature that is not manifest in his sight: but all things are naked and opened unto the eyes of him with whom we have to do.
At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni't ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan.

27/06/2022

EMMANUEL
God is with us
isaias 7:14
Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel.

Mateo 1:11
“Tingnan ninyo; ‘Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel.’”(Ang kahulugan nito'y “Kasama natin ang Diyos”.)

Joshua 1:9
[9]Have not I commanded thee? Be strong and of a good courage; be not afraid, neither be thou dismayed: for the LORD thy God is with thee whithersoever thou goest.
Hindi ba kita inutusan? Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang na mabuti; huwag kang matakot, ni manglupaypay: sapagka't ang Panginoon mong Dios ay sumasa iyo saan ka man pumaroon.

Mga Hebreo 13:5
Huwag kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”

Mateo 28:20
Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.

Matthew 18:20
[20]For where two or three are gathered together in my name, there am I in the midst of them.
Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila.

Jeremias 23:23
“Ako ay Diyos na nasa lahat ng dako, at hindi nananatili sa iisang lugar lamang.

HEAVENAng langit ay hindi katulad ng lupa ano mang kagandahan na nasa lupa ay hindi maaaring ikumpara ng nasa langit, hi...
27/06/2022

HEAVEN
Ang langit ay hindi katulad ng lupa ano mang kagandahan na nasa lupa ay hindi maaaring ikumpara ng nasa langit, hindi kayang isalarawan ito, sapagkat wala pang nakakita nito, wala pang nakarinig at hindi pa sumasagi sa isip ng tao
1 Corinthians 2:9
[9]But as it is written, Eye hath not seen, nor ear heard, neither have entered into the heart of man, the things which God hath prepared for them that love him.
Datapuwa't gaya ng nasusulat, Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at ni narinig ng tainga, Ni hindi pumasok sa puso ng tao, Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya.

Kung mayroon mang tinatawag na hi-teck sa lupa
mas super hi-teck sa langit
Ang langit ay perfect place
Subra ang ganda walang kulang, wala ka ng hahanapin pa. kumpleto sa kaligayahan at kasiyahan forever walang katapusan walang hangganan, walang problema,walang lungkot,walang hinagpis, walang pagud at gutom at uhaw dahil ito ay perpektong lugar, wala na ring kamatayan
dahil doon ay may buhay na walang hangganan.

Pahayag 21:4
At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay.”

ang kapaligiran doon ay napaka ganda
Revelation 21:21
[21]And the twelve gates were twelve pearls; every several gate was of one pearl: and the street of the city was pure gold, as it were transparent glass.
At ang labingdalawang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa't pinto ay isang perlas; at ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog.

ang klima(weather) doon ay subrang sarap sa pakiramdam hindi kayang ipaliwanag, puno ng pagmamahal ang lahat ng maninirahan doon kasama ng libo libong mga anghel ng Diyos,
Luke 2:13-14
[13]And suddenly there was with the angel a multitude of the heavenly host praising God, and saying,
At biglang nakisama sa anghel ang isang karamihang hukbo ng langit, na nangagpupuri sa Dios, at nangagsasabi:
[14]Glory to God in the highest, and on earth peace, good will toward men.
Luwalhati sa Dios sa kataastaasan, At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.

Sino makasasagot ng ating mga kATANUNGAN sa buhayif you are always doing sin you are in the teretory of satanbut if you ...
12/10/2021

Sino makasasagot ng ating mga kATANUNGAN sa buhay

if you are always doing sin you are in the teretory of satan
but if you are full of holiness you are in the presence of God
May mga bagay sa mundong ito na sadyang hindi natin maintindihan, kahit saan ka magtanong, kahit mag research kapa, kahit mag isip kang mabuti o pag aralan mo ito wala kang makukuhang sagot.
subalit kapag nagbasa ka ng bibliya may makukuha kang sagot, at tanging ang banal na espiritu lang ang makapagpapaliwanag nito sayo, ngunit PAANO?
hindi naman siya nakikita, hindi mo rin siya makakausap?

GANITO yon:
Mga Taga-Efeso 5:18
[18]Huwag kayong maglalasing, sapagkat mauuwi iyan sa magulong pamumuhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu.
Juan 14:26
[26]Ngunit ang Tagapagtanggol, ang Espiritu Santo na isusugo ng Ama sa pangalan ko, ang siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko sa inyo.
Juan 16:13
[13]Ngunit pagdating ng Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa lahat ng katotohanang galing sa Diyos. Sapagkat ang sasabihin niya ay hindi mula sa kanyang sarili, kundi ang kanyang narinig; at ipahahayag niya sa inyo ang mga mangyayari sa hinaharap.
1 Juan 2:27
[27]Gayunpaman, ang Espiritu'y ipinagkaloob na ni Cristo sa inyo. At habang ang Espiritu'y nananatili sa inyo, hindi ninyo kakailanganing turuan pa kayo ng iba. Ang Espiritu ang magtuturo sa inyo tungkol sa lahat ng bagay. Lahat ng ituturo niya ay totoo, at ito'y walang bahid ng kasinungalingan. At tulad ng itinuro ng Espiritu, manatili kayo kay Cristo.
1 Mga Taga-Corinto 2:12
[12]Ang tinanggap natin ay hindi ang espiritu ng sanlibutan kundi ang Espiritu na mula sa Diyos upang maunawaan natin ang mga kaloob niya sa atin.

PAANO NGA?
Makikipag usap lang satin ang Espiritu Santo kung malinis ang puso at buong pagkatao, hindi nagkakasala sa isip, salita at gawa.
1.Panalangin
Jeremias 33:3
[3]Kung mananalangin ka sa akin, tutugunin kita, at ipahahayag ko sa iyo ang mga bagay na dakila at mahiwaga na hindi mo pa nalalaman.
Juan 9:31
[31]Alam nating hindi pinapakinggan ng Diyos ang mga makasalanan, ngunit pinapakinggan niya ang mga tunay na sumasamba sa kanya at sumusunod sa kanyang kalooban.
2.Iwasang magkasala
1 Pedro 3:11
[11]Ang masama'y iwasan na, at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa.
3.Sinusunod natin ang lahat ng kalooban niya at buong puso ang pagmamahal mo sa kanya
Mateo 22:37
[37]Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.
4.magbasa araw araw ng Salita niya.
Josue 1:8
[8]Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay.

Bakit gusto ng mundo ng kayamanan sa lupa?Mateo 6:19-21[19]“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y...
10/10/2021

Bakit gusto ng mundo ng kayamanan sa lupa?
Mateo 6:19-21
[19]“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw.
[20]Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw.
[21]Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.”

1 Juan 2:15-17
[15]Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama.
[16]Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masasamang nasa ng laman, ang nasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa mundong ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan.
[17]Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng kinahuhumalingan nito, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.

Address

Naic
4110

Telephone

+639991874081

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Living word posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share