21/11/2019
Never, ever, ever, ever STOP TRYING
Romans 5:3-4. And not only that, but we also glory in tribulations (sufferings), knowing that tribulation (suffering) produces perseverance; and perseverance, character; and character, hope.
Marami siguro sa atin sumuko na sa mga pagsubok. Sumuko na sa mga problema. Sumuko na pumunta ng church. Sumuko na mag invite. Sumuko na magpalakas ng mga kaibigan. Sumuko nang SUMUBOK.
Pero hindi tayo dapat sumuko. Sinabi na mismo ng ating Panginoon na hindi Niya tayo iiwan ni pababayaan! Ano pa bang iniisip natin? Huwag nating kalimutang nalagpasan na ni Jesus ang mundo! Oo madarapa tayo pero hindi tayo malulugmok dahil ang awa pa rin ni Cristo ay hindi nawawala.
Mga kapatid, huwag na lamang tayong susuko lalo na kapag inaatake tayo ng kaaway. Tandaan natin na nasa ilalim ng paa ni Jesus ang lahat ng bagay, maski ang mga kaaway! (Eph. 1:22) Kaya dati pa lamang ay talunan na ito!
Mas magpalakas pa tayo sa Panginoon.
Try, try, try, try, try because God moves unexpectedly! Never, ever, ever, ever STOP TRYING! Remember, Totoo ang Diyos na ating pinaglilingkuran. Tapat Siya sa lahat ng Kaniyang pangako.